You are on page 1of 14

TAGAPAG-INGAT

AKO NG AKING
KAPATID:
PAGMAMALASAKIT
SA KAPWA
( Q 2 _ W k 3 )
Mumunti ngunit Mapagmalasakit na
mga Kamay
Isang Sabado ng umaga, sumama sa opisina ng kanyang
nanay ang tatlong taong gulang na si Yuan. Habang
naglalakad, bigla siyang napahinto, yumuko siya upang
tapikin ang isang payat na kuting na umiika-ika at mukhang
nagugutom. Natakot ang kanyang nanay nang hawakan
niya ang nanlilimahid na kuting.

Sa kanyang munting tinig nakiusap siya sa


kanyang nanay, "Nanay, maaari po ba ninyo
akong ibili ng rice-in-box? "Sa pag-aakalang
nagugutom ang anak, dali-daling bumili ang
kanyang nanay. Laking gulat niya nang buksan ni
Yuan ang kahon at unti-unting pinakain ang
kuting gamit ang plastik na kutsara. Nauwi sa
paghanga sa anak ang takot na unang nadama
ng nanay ni Yuan.

Mahinahong pinakain ni Yuan ang kuting na


tulad sa pagpapakain ng isang taong may
malubhang karamdaman. Nang ayaw nang
kumain sa kutsara ang kuting, sinubuan ito ni
Yuan sa pamamagitan ng kanyang munting
daliri. At kumain ang kuting mula sa kanyang
mga kamay.

Makaraan ang walong taon, nang labing-isang


taon na si Yuan, may kamag-aral siyang
nagkasakit kaya hindi nakapasok sa paaralan.
Hiningi niya sa kanyang nanay ang aklat-talaan
ng mga pangalan at numero ng mga telepono
ng kanyang kaklase. Nagulat ang kanyang
nanay tawagan ni Yuan ang nanay ng may sakit
niyang kamag-aral at sinabi rito ang mga takda
na ibinigay ng araw na iyon. Ano sa palagay
ninyo ang naging reaksiyon ng nanay ng
kanyang kamag-aral?
Ang Pagmamalasakit sa iba ay
nangangahulugan ng pagbibigay-pansin sa
nangyayari sa iba, pagkakaroon ng pag-
alaala sa kanilang kalagayan o
pinagdaraanan. Nangangailangan ito ng
kamalayan. Ang kamalayang ito ang
magpapakilos upang magmalasakit sa
kapwa at matulungan silang makabangon sa
kalungkulan o sa kanilang mahirap na
kalagayan.
Tinitingnan ng isang nagmamalasakit ang
kabutihan at kapakanan ng kanyang kapwa.
Halimbawa, pagpasok sa silid-aralan ay nakita
mong malungkot ang isa mong kamag-aral, dahil
nakadaman ka ng malasakit, lalapitan mo siya at
mahinahong itatanong kung ano ang
bumabagabag sa kanya. Higit pa rito maaari
mong itanong kung ano ang magagawa mo para
sa kanya. Ang pagmamalasakit ang magtutulak
sa iyo na tulungan ang iyong nakababatang
kapatid na naghihirapan sa kanyang pag-aaral.
Nagpapakita ka lang ba ng pagmamalasakit sa
iyong mga kaibigan, pamilya at mahal sa buhay?
Ang pagmamalasakit ay hindi namimili.
Ang pagmamalasakit sa iba ay ipinakikita hindi
lamang sa mga taong malalapit sa iyo kundi
maging sa mga taong hindi mo kilala at sa taong
iba ang paniniwala sa iyo. Nasusukat ang tunay
na pagmamalasakit sa kapwa kung madadaig mo
ang iyong mga personal na pagtatangi o
kagustuhan at pakikitunguhan mo ang iba tulad
ng kung paano mo nais na pakitunguhan ka nila.
Ang pagmamalasakit ay maisasagawa sa
kongkretong pagkilos tulad ng pananalangin
para sa mga biktima, pagbibigay ng tulong
pinansiyal kahit na maliit lamang ito, at
paghihikayat sa iba na tumulong din. Hindi
kinakailangan na ito ay malaki o marangal.

Wika ni Santa Teresa ng Calcutta, "Hindi tayo


makagagawa ng dakilang bagay-tanging maliliit
na bagay na may lubos na pagmamahal.
Ano ang nangyayari sa taong mapagmalasakit at
matulungin?
Nagdudulot ng kaligayahan ang paggawa ng
maliliit na pagkilos ng pagmamalasakit.
Napagtatanto ng nagmamalasakit na may
kakayahan siyang makagawa ng mga bagay
para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Napapawi
ang kanyang pagkamakasarili at
pinagmumulansiya ng inspirasyon.

Dahil isinilang ka sa isang pamilya, sa isang


pamayanan, sa isang bansa, nangangahulugan
na hindi ka nabubuhay para lamang sa iyong
sarili. Nangangahulugan ito na kapag nahaharap
ka sa sitwasyon kinakailangn ng
pagmamalasakit, ikaw ay tutugon sa
pangangailangag ito.

Narito ang ilan sa paraan upang


magpakita at magpadama ng
pagmamalasakit:
1. Magkaroon ng kamalayan sa
kapaligiran
2. Tumanggap ng responsibilidad
3. Magbakasakali at magtaya
4. Magkaroon ng pagkukusa
5. Magbigay ng tulong

TANDAAN NATIN!
1. Ikaw ay nilikha upang makipamuhay at
makipag-ugnayan kasama ang iyong kapwa
at magpakita ng malasakit sa kanila.
2. Nagbibigay ng makabuluhan at pang-
matagalang ugnayan ang pagmamalasakit sa
kapwa.
3. Nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa iyong
kapwa sa pamamagitan ng pag-aaalala at
paggawa ng kabutihan upang maipadama ito
sa kanila.
TANDAAN NATIN!
4. Itinuro sa iyo ng pagmamalasakit na huwag
maging mapag-imbot at isipin ang kapakanan ng
iba bago ang sarili.
5. Tunay na kaligayahan ang natatamo ng mga
nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa
kapwa
6. Nangangailangan ng kamalayan,
pananagutan, pagkukusa at pagtulong ang
pagmamalasakit sa kapwa.

You might also like