You are on page 1of 9

• Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga

pangangailangan ng pamilya at komunidad gayundin ang


kahalagahan ng pagtulong sa ating komunidad bilang isang
kasapi nito. Sa araling ito ikaw ay inaasahang
makapagpapamalas ng pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa
paglutas ng mga simpleng suliranin ng ating pamilya at
komunidad. Bilang bahagi ng pamilya at komunidad,
tungkulin nating makipagtulungan para sa ikabubuti ng
nakararami.
• Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Ano
ang suliranin na ipinapakita ng larawan? Paano mo maipapakita ang
pagmamalasakit sa iyong kapwa sa ganitong sitwasyon?
• Noong Enero 12, 2020 ay pumutok ang bulkang Taal.
Ang mga tao na malapit sa lugar ay nakaranas ng ashfall
o pagbagsak ng abo. Nagdulot ito ng malaking epekto
sa kabuhayan at ari-arian ng mga residenteng malapit
dito. Ito din ang naging sanhi ng paglikas ng mga taong
nakatira malapit sa paligid nito. Mga tanong:
Ano ang ginawa ng inyong pamilya noong mga
panahong ito?
Paano mo naipakita ang paglilingkod sa iyong kapwa at
komunidad sa mga pagkakataong katulad nito?
• Mahalagang matutunan natin ang mga tamang kilos,
saloobin at kahalagahan o values na makakatulong sa
pagpapaunlad at pagpapanatili ng kaayusan ng ating
pamilya at komunidad na ating kinabibilangan. Isa na
rito ang pagtulong sa paglutas ng mga simpleng
suliranin sa ating pamilya at komunidad. Ang isang
batang tulad mo ay malaki ang bahaging
magagampanan upang makatulong kang maibahagi
ang iyong kakayahan at kaalaman sa paglutas ng
simpleng suliranin ng pamilya at komunidad.
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang nararapat na gawin sa bawat sitwasyon. Gawing
gabay ang halimbawa sa ibaba.
• Tandaan Natin Mga hakbang sa pagbibigay ng
solusyon sa anumang suliranin ng pamilya man o
komunidad:
• 1. Alamin at unawain mabuti ang suliranin
• 2. Isipin ang maaaring maging solusyon o hakbang sa
paglutas ng suliranin 3. Isipin ang mga taong
makakatulong sa paglutas ng mga suliranin
• 4. Isipin ang maaaring kalabasan o kahihinatnan ng
bawat desisyon Ang desisyon o solusyong gagawin sa
isang suliranin ay nararapat na may mabuting layunin,
intensyon at kalalabasan para sa ating kapwa.
• Ang pagtutulungan ng bawat isa ay hindi lamang
paraan upang matapos ang gawain o upang malutas
ang anumang suliranin. Ipinapakita dito ang
pagmamalasakit sa taong iyong tinutulungan anuman
ang sitwasyon at sa kahit anong pagkakataon. Ang
pagmamalasakit ay pagtulong sa kapwa o komunidad
na walang hinihintay na kapalit. Ang pagbabahagi mo
ng iyong sariling kakayahan at kaalaman sa paglutas
ng isang simpleng suliranin ay malaking bagay para sa
iyong pamilya at komunidad.
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Umisip ng isang suliranin na sa iyong
palagay ay nagamit mo ang iyong kaalaman at kakayahan sa paglutas
ng isang simpleng suliraning para sa iyong pamilya o komunidad.
Gawin ito sa sagutang papel.

Suliranin Solusyon
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at isulat sa
papel ang isang pangako ng pagtulong sa pagbibigay
ng solusyon sa simpleng problema ng inyong pamilya
at komunidad
Ako si
___________________________________________ ay
nangangako na tutulong sa paglutas ng mga simpleng
suliranin ng aking pamilya at komunidad. Ito ay aking
gagawin sa abot ng aking makakaya at sa tulong ng
Poong Maykapal.

You might also like