You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo
Wastong Pagtugon sa mga Personal at Panlipunang Isyu

I. Panimula
Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang iba’t ibang
isyung ating kinahaharap. Ito man ay madalas personal at minsan panlipunan,
inaasahan na sa atin na wasto ang pagtugon natin sa mga ito upang
mabigyan natin ng angkop na mga solusyon upang hindi na lumala pa o
pagsimulan pa ng mas malalaki o mas mabibigat na suliranin.
Hindi man magiging madali ang paglutas sa mga ito, subalit lagi nating
isaisip at isapuso na hindi tayo kailanman nag-iisa sa pagharap sa mga
personal at panlipunang mga isyu. Nariyan ang ating pamilya maging ang
ating mga guro na handang gumabay sa atin. Higit sa lahat, huwag nating
bibitiwan ang ating pananalig o pananampalataya sa Diyos dahil Siya ang
Solution Maker sa lahat ng ating pinagdaraanan.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naiaangat ang antas ng kasanayan sa pagtugon sa mga isyung
personal at panlipunan.
Koda: HGIPS-IIIc-7

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. maibabahagi ang mga isyung personal at panlipunan na kinaharap
maging ang solusyon na ginawa, at
2. maisasabuhay ang wastong pagtugon sa mga isyung personal at
panlipunan.

IV. Pagtatalakay

Araw-araw ay nakikita ng bawat isa atin ang kaniyang sarili na


humaharap sa iba’t ibang mga isyu na maituturing na personal at panlipunan
at sinasabi ng mga matatanda na walang paraan upang maiwasan ang mga
isyung ito. Daraan at daraan ang mga ito sa buhay natin at depende na
lamang sa atin kung paano ang pagtugon o reaksiyon natin dito.
Bagama’t nakikilala at natatanggap natin ang hirap sa pagtugon sa
mga isyung kinahaharap natin, marapat na lagi nating tandaan na ang lahat
ay lumilipas din at may malaking dahilan kung bakit dumaraan tayo sa mga
mabibigat na isyu. Ang mahalaga ay hinaharap natin ang mga ito nang buo
ang ating loob, malinaw ang ating isip, positibo ang ating pananaw, at
mayroon tayong malakas na pananalig na hindi tayo pababayaan ng ating
Diyos habang pinagsusumikapan nating hinahanap ang pinakawasto at
pinakamabuting solusyon sa lahat ng isyung nararanasan natin.
Karagdagan pang makatutulong sa atin ay ang akrostik na LUTAS na
naglalaman ng mga hakbang na pwede nating gamiting gabay upang
maging wasto ang pagtugon natin sa mga isyung personal at panlipunan:
L-aging unang tukuyin ang pinakaugat ng isyung kailangang tugunan.
Dito mo mapagtatanto ang pinagmulan ng isyung iyong kinahaharap. Sa
pagsisisyasat mo sa iyong sarili, nalalaman mo kung bakit at paano ka
humantong sa isyung nararanasan mo. Sa pamamagitan nito, nabibigyan mo
ng pansin ang proseso ng paglutas dito at napagtatagumpayan mong
malampasan ito.
Halimbawa:
Marami-rami na ang learning tasks na kailangan mong habulin dahil sa
pagpapaliban mo sa paggawa sa mga ito. Nito kasing mga nakaraang araw
ay nawili ka sa sobrang panonood sa Youtube at Tiktok maging sa paglalaro
ng games sa iyong cellphone. Inuna mo ang manood at maglaro sa halip na
gawin ang mga nakatakdang learning tasks kaya naman natambakan ka na
sa mga gawain na dapat mong tapusin. Upang masolusyonan ay nagtakda
ka ng schedule, disiplinadong sinunod ito, at iniwasan na ang sobra-sobrang
panonood sa Youtube at Tiktok maging ang paglalaro ng games sa
cellphone.
U-nawain at pagnilayan ang mga balakid sa paglutas sa isyung
kinahaharap. Kapag malinaw na sa atin ang mga nagiging sagabal o balakid
sa paglutas ng mga isyung nararanasan ay mas mataas na ang tiyansa na
maaayos natin ito dahil mas nakagagawa tayo ng plano ng aksyon kung
paanong tutugunan nang wasto ang mga isyu.

2
Halimbawa:
Naging balakid sa isyu ng paggawa o pagkumpleto ng learning tasks sa
itinakdang oras ang kawalan ng kasipagan at pagpapaliban sa mga ito. Sa
tuwing ipinagpapabukas ang mga dapat gawin, naiipon lamang ang mga
dapat tapusin. Mainam na magkaroon ng time management upang
matagumpay na matupad ang gawain sa takdang oras.
T-anging ang wasto, angkop sa sitwasyon, at magagawang solusyon sa
abot ng makakaya ang dapat na mapili. Siguruhin na ang pipiliing solusyon ay
tunay na ikalulutas ng isyu upang wastong matugunan ito. Maging mapanuri
at mapagmalasakit upang matiyak na makabubuti hindi lamang sa ating sarili
kundi pati na rin sa ating kapuwa ang solusyong mapipili.
Halimbawa:
Ang wasto, angkop sa sitwasyon, at magagawang solusyon sa abot ng
makakaya upang mapagtagumpayang magawa o makumpleto ang mga
learning tasks sa takdang oras ay ang pagtatakda ng schedule, disiplinadong
pagsunod dito, at pag-iwas sa sobra-sobrang panonood sa Youtube at Tiktok
maging ang paglalaro ng games sa cellphone.
Ang mga solusyong napili ay parehong makabubuti sa sarili at pamilya
dahil manunumbalik ang disiplina sa oras maging ang sigla sa pagsagot at
mawawala ang labis na pag-aalala ng magulang at kapatid.
A-ktibong ipatupad nang mabuti ang angkop at wastong solusyong
napili. Marapat na huwag lamang huminto sa pagtukoy ng pinakaugat ng
isyu, sa pag-unawa at pagnilay sa mga balakid, at maging sa pagpili ng
angkop at wastong solusyon. Ito ay dapat ipatupad o gawin nang may
kabuoan ng kalooban, kalinawan ng isipan, positibong pananaw, at malakas
na pananampalataya sa Diyos dahil magkakaroon lamang ng ganap na
kabuluhan ang mga proseso (pagtukoy, pag-unawa, pagnilay, at pagpili)
kung masigasig nating isasagawa ang angkop at wastong solusyong napili.
Halimbawa:
Ang disiplinadong pagsunod sa itinakdang schedule ng paggawa ng
learning tasks at pagiging totoo sa pag-iwas sa sobra-sobrang panonood sa
Youtube at Tiktok at paglalaro ng games sa cellphone ay pagpapakita na
pinahahalagahan at isinasagawa mo ang solusyong sa tingin mo ay angkop
at wasto.
S-uriin kung naging mabisa ang angkop at wastong solusyong napili
lalong higit ang pagpapatupad dito. Malalaman nating matagumpay na
nating nalutas ang mga isyu kung mayroon ng magandang pagbabago sa
sitwasyon at mayroon ng naging mabuti at magandang resulta.

3
Halimbawa:
Maganda ang naging resulta ng pagtugon sa isyu dahil nanumbalik ang
disiplina sa oras maging ang sigla sa pagsagot at nawala ang labis na pag-
aalala ng magulang at kapatid tungkol sa isyung pinagdaraanan.
Tandaan na anomang isyu na ating kinahaharap sa ating buhay,
personal man o panlipunan, ang mahalaga ay natutugunan natin ito nang
wasto at naaayos sa mabuting paraan. Mahalaga rin na magpakatatag tayo
at huwag kalimutang manalangin sa ating Diyos upang tayo ay magabayan
sa mga isyung ating kinakaharap at haharapin pa.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Gamit ang mga titik sa loob ng bawat kahon, alamin kung ano
ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ito ay tumutukoy sa usapin na kailangan na pagtuunan ng pansin para


maresolba o masolusyonan.
S I Y U ____________________

2. Ito ay nangangahulugang kasagutan sa mga isyung personal o panlipunan


na pinagdaraanan.
L U S O S Y N O ____________________

3. Ito ay tumutukoy sa isyung kinahaharap ng isang indibiduwal lamang.


P R E O S A N L ____________________

4. Ito ay tumutukoy sa isyung kinahaharap ng buong lipunan kung saan hindi


lamang isang tao ang maaaring maapektuhan.
L I P A N N A N P U ____________________

5. Ito ay palatandaan na mapagtatagumpayan mong malampasan ang


anomang personal o panlipunan na isyung kinahaharap.

N G T O W A S T U P A G G N O ____________________
A. 2. Panuto: Isulat ang WASTO sa patlang kung ang bawat pahayag ay tama
at DI-WASTO naman kung ito ay mali.

__________1. Tayong lahat ay may kakayahan at pagkakataong matutuhan


ang wastong pagtugon sa isyu.

__________2. Nagkakaroon tayo ng isyung personal dahil sa paggawa natin ng


tamang desisyon o kaya naman ay sa paggawa natin ng kaaya-ayang
bagay.

4
__________3. Sa proseso ng paglutas sa mga isyu, panatilihin ang katatagan ng
kalooban, kalinawan ng isipan, positibong pananaw, at pananampalataya
sa Diyos.
__________4. Ang mga isyung panlipunan ay kakaiba dahil hindi ito kayang
resolbahin ng sinomang indibiduwal. Nangangailangan ito ng tulong at
kooperasyon mula sa lahat.
__________5. Maituturing ang isyung personal na pribadong bagay na
nararapat solusyonan sa pribadong paraan dahil ang solusyon sa isang isyung
personal ay nasa kamay ng indibiduwal.

Gawain 2. Gawaing Pagganap


B. 1. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang kumpletong
pangungusap.
1. Masasabi mo bang karaniwan lamang sa tao na magkaroon ng mga isyung
personal o panlipunan? Ipaliwanag. _______________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
2. Paano lulutasin ang mga isyung kinahaharap at haharapin pa? Ano ang
mga nararapat gawin?____________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga na wasto ang pagtugon sa mga isyung personal o


panlipunan na pinagdaraanan?___________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, 4
at akmang sagot sa mga tanong.

BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4


kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2


mga sagot sa bawat katanungan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

5
B. 2. Panuto: Mag-isip ng isang isyung mayroon ka kamakailan lamang. Paano
mo ito nilutas o hinarap? Ano ang naging resulta ng solusyong iyong
isinagawa? Isulat ang iyong kasagutan sa graphic organizer.
Halimbawa:

Isyung Pinagdaanan Angkop na Solusyong Resulta ng Solusyong


Pinatupad Pinatupad

Pag-aaway o Mag-uusap nang Maganda ang naging


pagtatalo naming masinsinan o resulta dahil naayos
magkakapatid mahinahon kung ang anomang hindi
dahil sa mga paano pagkakasundo.
bagay na hindi mapagbibigyan ang Naging mas lalong
mapagkasunduan. isa’t isa upang lahat maunawain sa
ay maging maligaya. damdamin at
pangangailangan ng
kapatid.

Isyung Pinagdaanan Angkop na Solusyong Resulta ng Solusyong


Pinatupad Pinatupad

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at makatotohanan ang 5
PAGKAMAKATOTOHANAN mga sagot sa graphic organizer.

KAPUPULUTAN NG ARAL Ang mga sagot sa graphic organizer ay 5


kapupulutan ng aral.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
wastong pagtugon sa isyu at MALI naman kung hindi.
__________1. Hindi magkasundo ang pangkat ni Dabs ukol sa gagawing
proyekto. Imbis na pakinggan ang suhestiyon ng isa’t isa at igalang ang mga
ideya ay hindi na sila nakapagpigil na humantong na sa pag-aaway-away at
sigawan.
__________2. May napakalakas na tugtuging nagmumula sa iyong kapitbahay
habang kasalukuyang nagaganap ang inyong klase online. Naapektuhan
nito ang konsentrasiyon mo sa klase kaya naman nagtungo ka sa kapitbahay
at maayos na ipinagbigay-alam ang iyong hinaing.
__________3. Nagtatampo si Elisir sa kaniyang mga kapatid dahil hindi nila
tinupad ang kanilang ipinangako sa kaniya. Sa halip na kausapin ang mga
kapatid sa maayos na pamamaraan at magtapat sa kanila na nasaktan nila
ang kaniyang damdamin ay panay ang post niya sa Facebook tungkol dito.
__________4. Nahihirapan si Ash sa kaniyang mga aralin sa modules kaya
naman mababa ang puntos na kaniyang nakukuha sa pasulat na gawain,
gawaing pagganap, at mga pagsusulit. Sa halip na humingi ng tulong at
gabay sa kapamilya at guro ay ipinagsasawalang-bahala na lamang niya ito.
__________5. Hindi na magawang magampanan nang maayos ni Ensho ang
kaniyang mga gawain sa takdang oras dahil sa sobrang pagpupuyat nito sa
paglalaro ng computer games. Tanghali na siya kung gumising at walang sigla
sa mga gawain. Kaya naman, napagpasiyahan niyang matulog nang
maaga, gumising sa tamang oras, unahin ang pagtupad sa mga gawain, at
umiwas na muna sa paglalaro ng computer games.

VII. Pangwakas
Panuto: Magbigay ng dalawang (2) mahahalagang aral na natutuhan mo sa
paksang “Wastong Pagtugon sa mga Personal at Panlipunang Isyu.”
Halimbawa:
1. Samahan ang bawat hakbang sa paglutas ng isyu ng panalangin at
pananalig sa Diyos.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto, kumpleto, at 4
akmang sagot.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.
KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2
sagot.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VIII. Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX. Susi sa Pagwawasto


Mga Gawain Pagsusulit

rubrik 5. Wasto 5. Wastong pagtugon

Tsek ang 4. Wasto 4. Panlipunan 5. Tama

ang sagot. 3. Wasto 3. Personal 4. Mali

magkaiba 2. Di-wasto 2. Solusyon 3. Mali


Maaaring 1. Wasto 1. Isyu 2. Tama
B.1 at B. 2 A. 2 A.1 1. Mali

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M. Santos


Patnugot: Jessa G. Porlucas
Tagaguhit: Eric R. Tangonan
Tagapagsuri ng Nilalaman: Evelyn A. Ramos
Jaymie Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang: Nancy P. Yadao, PhD

You might also like