You are on page 1of 4

Asignatura HOMEROOM GUIDANCE PROGRAM Baitang Grade 7

W3 Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN MGA GABAY SA PAGLUTAS NG MGA PROBLEMA O SULIRANIN


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Relate the effective ways in solving problems. (HGJPS-IIIc-10)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Maipamalas ang mabisang paraan sa paglutas ng mga problema o
(MELCs) suliranin.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga mabisang
paraan sa paglutas ng mga isyu na kinasasangkutan ng sarili at ng iba

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto )
Ngayong ikaw ay nasa ikapitong ( 7 ) grado na sa hayskul maraming pagbabagong nagaganap sa iyo , marami
ka na ring papel na ginagampanan, na nagiging dahilan ng pagtataka , paninibago maging ng mga problema
o suliranin
Sa araling ito ay inaasahan sa isang kabataaang katulad mo na maintindihan at maipamalas ang
mabisang paraan sa paglutas ng mga problema o suliranin gayundin ang mga gabay sa pagharap sa mga ito

II. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Suriin ang mensahe ng Awit na “ Estudyante Blues “ ni Freddie Aguilar atsagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

I
Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi Gawaing Pamproseso:
Ako ang laging may 1. Tungkol saan ang awit?
kasalanan ___________________________________________________
Paggising sa umaga __________________________________________________
Sermon ang almusal Wala doon si Tatay
Bago pumasok sa Katulong ang 2. Ano ano ang ang mga problema o suliranin ng
eskwela naghihintay nasabing estudyante?
Kapag nangangatwiran Tatawag ang ___________________________________________________
Ako'y pagagalitan barkada __________________________________________________
'Di ko alam ang gagawin Sa kanila'y sasama
Lagot na naman 3. Kung ikaw ang nasabing estudyante ano ang
Ako'y sunud-sunuran paglarga
Ayaw man lang mararamdaman mo ? Bakit?
At 'pag
pakinggan ___________________________________________________
nangangatwiran __________________________________________________
Nasasaktan ang Ako'y pagagalitan
damdamin 'Di ko alam ang
Ako'y walang gagawin 4. Ano ang mabisang paraan ang maibibigay mo sa
kalayaan Ako ang nakikita pag-aayos / paglutas ng mga problema o suliranin
Sunod sa utos Ako ang nasisisi ng nasabing estudyante?
lamang Ako ang laging ___________________________________________________
may kasalanan __________________________________________________
II
Paggaling sa eskwela
Diretso na ng bahay
Wala naman akong
aabutan
Wala doon si Nanay
Walang taong ligtas sa problema. Bahagi ng normal na buhay ng lahat ng tao na makaranas ng problema
sa ibat ibang paraan sa ibat ibang pagkakataon. Ang mga problema o suliranin ay mga pagsubok na
nagpapahiwatig na may tiwala ang panginoon sa ating mga kakayahan na harapin ang mga ito. Kadalasan
ay makakabuti rin sa atin ang pagkakaroon ng mga problema sapagkat ang mga ito ang nagsisilbi ng paraan
upang maging matatag.

Ang isang taong may katatagan ng loob ay may pananaw sa buhay. Ang mga problema o suliranin ay
pagsubok sa kanyang talino , sa kanyang kapayapaan ng loob at pananalig sa kanyang Panginoon. Hindi siya
tumitigil sa pag-iisip ng mabubuting solusyon, sa pagdarasal at sa pananalig na malulutas niya ang mga ito.

Mula sa aklat na Kaganapan ng Pagkatao ni Punzalan, Twila G, et.al, ang mga sumusunod ay paalala na
magsisilbing gabay sa pagharap sa mga problema o suliranin :

1. Laging tandaan na ang lahat ng problema ay tumutulong upang magkaroon ng katatagan ng loob sa
gitna ng krisis.
2. Suriin ang tunay na pinagmulan ng problema.
3. Maging mataimtim sa pag-iisip ng mga malikhaing solusyon.
4. Maging masipag sa paghanap sa mga posibleng solusyon na likas sa problema .
5. Magkaroon ng kapayapaan ng loob ( serenity ) sa pagtanggap ng mga problema.

Makatutulong ang mga paniniwala at positibong damdamin na lahat ng mga problema o suliranin ay
may karampatang solusyon .

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Mungkahing Oras: 5 minuto)


Lagyan ng Tsek ( / ) ang kolum na NAIPAKITA ni Martin ang mga gabay sa pagharap sa mga problema o
suliranin at Ekis ( x ) kung HINDI NAIPAKITA. Isulat ang iyong patunay kung bakit NAKITA o HINDI
NAIPAKITA sa nakalaang kolum sa sumusunod na pahina . Gawin ito sa iyong sagutang papel.
MGA GABAY NAIPAKITA HINDI NAIPAKITA
1. Nagkaroon ng katatagan ng loob sa gitna
ng krisis
2. Nasuri ang tunay na pinagmulan ng
problema.
3. Naging mataimtim sa pag-iisip ng mga
malikhaing solusyon.

4. Naging masipag sa paghanap sa mga


posibleng solusyon na likas sa problema .
5. Nagkaroon ng kapayapaan ng loob (
serenity ) sa pagtanggap ng mga
problema.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 (Mungkahing Oras: 5 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigaysa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Basahin ng may pang – unawa ang mga pahayag. Iguhit sa kolum ng may KATOTOHANAN ang kung
ang pahayag ay TAMA at kung MALI , iguhit ang sa kolum ng WALANG KATOTOHANAN. Gawin sa iyong
sagutang papel.
MGA PAHAYAG KATOTOHANAN WALANG
KATOTOHANAN.

1. Lahat ng problema ay tumutulong upang magkaroon ng katatagan ng


loob
2. Mahalaga ang pagsusuri ang tunay na pinagmulan ng problema.

3. Ang mga problema o suliranin ay walang maidudulot na kabutihan sa atin

4. Hindi mahalagang maging mataimtim sa pag-iisip ng mga malikhaing


solusyon

5. Kailangan ang kasipagan sa paghanap sa mga posibleng solusyon na


likas sa problema
6. Ang mga nasa sapat na gulang lamang ang nakakaranas ng problema.

7. Ang lahat ng problema ay may solusyon.

8. Sa panahon ng krisis, kailangan ang katatagan

9. Kayang solusyonan ng isang tao ang mga suliranin o problema ng hindi


nangangailangan ng tulong ng ibang tao.
10. Sa pagtanggap ng mga problema maaring kapayapaan ng loob.

III. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Ano ang natutuhan at naunawaan mo sa aralin ? Gamit ang Gabay na Hagdan , isulat sa bawat hakbang
ayon sa iyong pagkaunawa ang mga gabay sa pagharap sa mga problema o suliranin. Gawin sa iyong
sagutang papel.

KALUTASAN NG MGA PROBLEMA O SULIRANIN

4
PROBLEMA
O SULIRANIN 3

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag -aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

VII. Kaganapan ng Pagkatao, Punzalan, Twila G, et.al. pah. 160-1666


SANGGUNIAN http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/paglutas_ng_pang_araw_araw_na_suliranin.pdf
images.google.com

Inihanda ni: Sinuri ni:


KATHLEEN D.U. SAN JUAN GENALIN V. CEBALLO, Ph. D.
Morong National High School

MA. VICTORIA C. MAGAYON,EDD

You might also like