Professional Documents
Culture Documents
DLP Health Q2 L5
DLP Health Q2 L5
Natatalakay ang mga paraan kung paano pamamahalaan ang ng mga usapin at
Skills
suliranin dulot ng pagdadalaga at pagbibinata
Pangkatang Gawain
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.
Ipasulat sa manila paper sa bawat grupo ang mga paraan kung paano
4.2 Activity
pamamahalaan ang ng mga usapin at suliranin dulot ng pagdadalaga at
(7 minutes) pagbibinata.
Tumawag ng piling bata na makapag-ulat sa harapan.
1. Ano-ano ang mga isyung pangkalusugang nararanasan ng mga nagbibinata at
4.3 Analysis nagdadalaga?
(5 minutes) 2. Paano mo pinamamahalaan ang mga isyung ito?
Sa panahon na ikaw ay lumalaki at nagbabago na, ikaw ay nakararanas ng iba’t
ibang mga suliranin sa iyong buhay na hindi mo naranasan at naramdaman noong
ikaw ay bata pa. Ikaw din ay maaaring masangkot o maapektuhan ng mga isyung
seksuwal at panlipunan. Maraming mga pagbabago ang iyong madadaanan at
masasaksihan sa iyong buhay. Marami sa mga ito ay bahagi talaga ng paglaki
bilang binata o dalaga. Habang tumatagal ay iyong matututuhan kung paano ito
4.4 Abstraction mabibigyang solusyon o maiiwasan. Matututuhan mo na ang mga pangyayari ay
(5 minutes) bahagi ng iyong paglaki at maaaring maging iyong lakas sa iyong hinaharap na
buhay.
Samantala, ang ibang mga isyu at suliranin ay maaaring masolusyunan sa
pamamagitan ng paghahanap ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang tao o
grupo ng tao na makatutulong sa pag-iwas sa mga suliraning maaring
makapagpahamak sa iyo.
Pangkatang Gawain
Ibigay ang mga pamantayan sa mga gawain ng bawat pangkat.
Unang Pangkat – Mga paraan upang mapamamahalaan ang mga usapin at
suliranin dulot ng pagdadalaga at pagbibinata sa pamamagitan
ng panayam.
4.5 Application Pangalawang Pangkat – Mga paraan upang mapamamahalaan ang mga usapin
(10 minutes) at suliranin dulot ng pagdadalaga at pagbibinata sa
pamamagitan ng pagbabalita.
Repleksyon
Pagkatapos ng pangkatang gawain, magpasulat sa mga bata ng isang maikling
repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng pamamahala sa mga usapin at suliranin
dulot ng pagdadalaga at pagbibinata.
GINELYN L. VILLANUEVA
Guro GEMMAVI V. DULNUAN
Ulong Guro