You are on page 1of 5

CATCH-UP FRIDAY TEACHING GUIDE

I. GENERAL OVERVIEW
Learning Area: FILIPINO Grade Level: 8

Catch-up Subject: HEALTH Date: March 8, 2024

Quarterly Theme: SEXUAL AND REPRODUCTIVE Duration 60 MINUTES


HEALTH

Sub-theme: Impact of early pregnancy (physical, Time: 1:00-2:00 PM


emotional, mental, and social).
II. SESSION OUTLINE
Session Title: Maagang Pagbubuntis

Session Objectives:
MELC:
Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-llld-e-30)
Layunin:
Natutukoy ang mahahalagang impormasyon ukol sa binasa
Naibibigay ang sariling mungkahi upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga
kabataan
Naipapaliwanag ang epekto ng maagang pagbubuntis sa kalusugan, ekonomiya at
lipunan
Key Concepts Maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay isa sa mga pangunahing problema sa lipunan.
Ito ay nagiging sanhi ng mas maraming kahirapan sa pamilya, pang-aabuso, at hindi sapat na
pag-aaral sa halos lahat ng mga kabataan.
III. TEACHING STRATEGIES
Components Duration Activities

Introduction & AKTIBITI: GUESS THE WORD


10 Minuto
Warm-up Buuin ang salita na inilalarawan sa mga sumusunod na larawan.

POPCORN READING
Gamit ang estratehiyang popcorn reading, babasahin ng mga
mag-aaral ang isang sanaysay tungkol sa Maagang Pagbubuntis.
Concept ROUND TABLE DISCUSSION
15 Minuto
Exploration
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat para sa pangkatang
gawain. Sa pamamagitan ng Round Table Discussion, ang mga
mag-aaral ay mag-uusap kung ano ang mga mahahalagang
konsepto sa binasang sanaysay. Magtalaga ng isang miyembro sa
grupo na siyang magpapaliwanag sa isinagawa.
AKTIBITI: KOMENTO’Y IBAHAGI
1. Paano nakakaapekto ang maagang pagbubuntis sa kalusugan ng
kabataan, ekonomiya ng bansa at sa lipunan?
Valuing 15 Minuto 2. Ano ang maimumungkahi mong solusyon upang mapangalagaan
ang kalusugan ng mga kabataan?
3. Bilang mag-aaral, sa papanong paraan ka makatulong upang
maiwasan ang maagang pagbubuntis?

AKTIBITI: IHAYAG MO!


Pagmasdang mabuti ang larawan at sumulat ng positibo at
Journal Writing 15 Minuto negatibong pahayag tungkol dito. Gumamit ng mga salita o
ekspresyong naghuhudyat ng isang positibo o negatibong
pahayag.

Wrap Up 5 Minuto Ibuod ang mga natutunan mula sa tinalakay.


CATCH-UP FRIDAY TEACHING GUIDE

Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman sa mga epekto ng maagang pagbubuntis sa Kalusugan,
Ekonomiya at sa Lipunan.

Prepared by:

JULIET L. OCSAN DIVINE GRACE C. NIEVA


Subject Teacher Subject Teacher

Recommending Approval: Approved:

ARNILA B. CARDINEZ ELSIE V. MAYO


Head Teacher III School Principal IV
CATCH-UP FRIDAY TEACHING GUIDE

I. GENERAL OVERVIEW
Learning Area: FILIPINO Grade Level: 8

Catch-up Subject: VALUES & PEACE EDUCATION Date: March 8, 2024

Quarterly Theme: COMMUNITY AWARENESS Duration 60 MINUTES

Sub-theme: Social Justice and Human Rights Time: 11 am 12 pm


2:00-3:00 PM

II. SESSION OUTLINE


Session Title: Karapatan at ang Kaakibat na Tungkulin

Session Objectives: MELC:


Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-llld-e-30)
Layunin:
Nabibigyang katuturan ang Karapatan at Tungkulin;
Natutukoy ang mga iba’t-ibang karapatan at tungkulin;
Nakapagbibigay ng mga hakbang kung paano malalaman ng mga tao ang
kanilang mga karapatan.
Key Concepts Maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay isa sa mga pangunahing problema sa lipunan.
Ito ay nagiging sanhi ng mas maraming kahirapan sa pamilya, pang-aabuso, at hindi sapat na
pag-aaral sa halos lahat ng mga kabataan.
III. TEACHING STRATEGIES
Components Duration Activities

AKTIBITI: TAMA o MALI


Introduction & Basahin at unawain ang mga pahayag. Sabihin ang TAMA kung
10 Minuto
Warm-up may katotohanan ang pahayag at MALI kung walang
katotohanan.

GRASSHOPPER READING
Gamit ang estratehiyang grasshopper reading, babasahin ng mga
mag-aaral ang isang teksto tungkol sa Karapatan at ang kaakibat
Concept na tungkulin
15 Minuto
Exploration
PASS THE BOX
Ipapasa ang kahon sa saliw ng tugtog at sasagot ng katanungan
ang huling taong mayhawak ng kahon kapag tumgil ang tugtog.
AKTIBITI: MANGATWIRAN at IPAGLABAN
1. Makatutulong kaya ang paggamit ng positibong pahayag sa pag-
alam sa karapatang pantao?
Valuing 15 Minuto
2. Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano makakamit
omalalaman ng tao ang kaniyang mga karapatan at ang kaakibat
nitong tungkulin.

AKTIBITI: PAGGAMIT NG GRAPHIC ORGANIZER

Journal Writing 15 Minuto Panuto: Gamit ang graphic organizer maglagay ng limang uri ng
paglabag sa karapatang pantao na inyong nasaksihan sa pamilya,
paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.

Ibuod ang mga natutunan mula sa tinalakay.


Wrap Up 5 Minuto Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
kaalaman sa kanilang mga Karapatan.
CATCH-UP FRIDAY TEACHING GUIDE

Prepared by:

DIVINE GRACE C. NIEVA


Subject Teacher

Recommending Approval: Approved:

ARNILA B. CARDINEZ ELSIE V. MAYO


Head Teacher III School Principal IV
CATCH-UP FRIDAY TEACHING GUIDE

Maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay isa sa mga pangunahing problema sa lipunan. Ito
ay nagiging sanhi ng mas maraming kahirapan sa pamilya, pang-aabuso, at hindi sapat na pag-aaral sa
halos lahat ng mga kabataan. Sa panahon na ito, kailangan nating magkaroon ng malalim na pag-unawa
sa problema na ito at maghanap ng mga solusyon upang maprotektahan ang kalusugan ng ating kabataan.
Ang maagang pagbubuntis ay nakakapinsala sa kalusugan ng mga kabataan. Sa mga kababaihan, maaring
magdala ng seryosong masamang epekto sa kanilang mga reproductive system. Ito ay nagreresulta sa
maraming komplikasyon, tulad ng premature delivery, pagbabago ng hormonal levels, at iba pang mga
karamdaman. Sa mga lalaki naman, maaring magkaroon ng sexual transmitted diseases (STDs) o sakit sa
ari ng mga lalaki at iba pa. Sa mga kabataang buntis din ay mahirap ito sa kanila dahil hindi pa sila handa
sa responsibilidad na ito. Sa pamamagitan ng pagdadalang-tao, mayroon silang mga kailangan bigyan ng
pangangailangan tulad ng mga pagkaing masustansya, gamot, at iba pang mga pangangailangan ng
sanggol. Sa kabila ng naglalakihang pangangailangan ng isang sanggol, baka hindi nila kayang
magtrabaho upang magbigay ng pangangailangan ng kanilang sanggol. Ang maagang pagbubuntis ay
mayroon ding seryosong epekto sa ekonomiya ng bansa. Ang mga kabataan na akala mo'y hindi pa handa,
kadalasan ay hindi pa nakakatapos ng pag-aaral dahil sa ibayong ginagastos sa kanilang mga anak. Dahil
dito, sila ay hindi nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral at hindi nakamit ang kanilang mga pangarap.
Umaasa ako na mayroon tayong kongkretong solusyon upang maiwasan o mabawasan ang teenage
pregnancy. Ang pangunahing solusyon na ito ay patuloy na pagbibigay ng edukasyon sa mga kabataan
tungkol sa sex, reproductive health, at iba pang mga kaugnay na bagay. Dapat ding magiging kumpleto
ang mga kagamitan at training para magamit ng mga kabataan ang mga iba't ibang pamamaraan ng
pagpigil sa pagbubuntis. Ang maagang pagbubuntis ay hindi lamang isa pang problema sa lipunan, kundi
isa din itong seryosong isyu sa kalusugan ng mga bata. Kailangan natin ang patuloy na pagbibigay
edukasyon at suporta sa mga kabataan upang maiwasan ito. Ang bawat kahalagahan ng pangangalaga sa
kalusugan ng sanggol ay mahalaga, hindi lamang para sa kanila, kundi para sa kinabukasan ng ating
lipunan.

You might also like