You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

LAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Calauag West District

Homeroom Guidance Program 7


GAWAING PAGKATUTO
Week 4, Quarter 3
Name __________________________________________________________________ Date _____________________________________
Year & Section ___________________________________________________________ Teacher _________________________________

PAMAGAT NG ARALIN PAKIKILAHOK SA PAGTUGON SA MGA HAMON SA BUHAY


MGA PINAKAMAHALAGANG
MELC 4: Pakikilahok sa pagtugon sa mga hamon sa buhay.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Participate in responding to life challenges. HGJPS-IIId-12
(MELCs)
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa paglalapat ng kakayahang
protektahan ang sarili at ang kapuwa tungo sa mabisang paraan ng paglutas ng mga
PANGUNAHING NILALAMAN
problema.
Apply the ability to protect oneself and others toward effective ways of problem solving.
YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. PANIMULA:
Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo na bilang kabataan ay may mga tungkulin kang ginagampanan hindi lamang sa iyong
sarili, gayundin sa iyong pamilya at sa iyong kapwa. Sa Araling ito, gamit ang iyong mga natutuhan ay masusubok ang iyong pag-unawa sa
paglalapat ng kakayahang protektahan ang sarili sapagkat inaasahan sa iyo ang masusing pakikilahok sa pagtugon sa mga hamon ng buhay
o sa mga suliraning kinakaharap..
II. PAGPAPAUNLAD
Lahat ng tao ay dumaraan sa iba’t ibang uri ng hamon ng buhay. Maaring personal o panlipunang suliranin, anoman ang anyo nito,
mahalagang tanggapin mo ito bilang positibong hamon sa iyong buhay. Ang kahandaan at kasanayan na lutasin ang suliranin ay may
malaking epekto sa nararamdaman mo at sa iyong pagkatao.
Narito ang limang mungkahing paraan ni Cephas Tope sa kaniyang 5 Smart Ways to Respond to Challenges
(https://livepurposefullynow.com) sa pagtugon sa mga suliranin o hamon.
1. Matutong yakapin ang mga pagbabago.
Wala talagang nakaaalam kung ano ang ating magiging bukas kahit ninanais ng tao na ito ay iplano. Tanging ang Lumikha ang
nakababatid ng lahat. Kung kaya, matutong yakapin at tanggapin sa iyong puso ang mga pagbabago sa paraang positibo.
2. Gamitin ang ginintuang kasabihan na “ Ang lahat ng barya ay may dalawang gilid (All coins have two sides)”.
Ang buhay ay may positibo at negatibong kinahihinatnan at hindi laging positibo ang kinahihinatnan sa iyong pagpihit sa barya “coin”.
May mga araw na nakararanas ng pagtatagumpay at kabiguan sa mga hamong kinakaharap, mahalagang magpokus sa pinakamagandang
bersyon ng iyong sarili.
3. Hindi lahat ng problema ay dapat damdamin
Maraming tao sa ngayon ang madaling makaranas ng matinding pagkalungkot o depression sa gitna ng iba’t ibang suliranin dahil sa
madalas na pagkakataon sinasarili lamang nila ang kanilang suliranin. Huwag kang tumulad sa mga ito, matutong humingi ng payo sa iyong
magulang at sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Huwag kalimutang ngumiti, maglaro at maglibang. Sa paraang ito, makalilimutan mo ang
maraming pag-aalala, takot at pagdududa.
4. Maging mapanuri ng solusyon (be solution driven).
Ibig sabihin, sa sandaling humaharap ka sa suliranin o problema ito rin naman ay hudyat upang humanap ka ng solusyon sa mga ito.
Ibig sabihin, sa sandaling humarap ka sa suliranin o problema, ito rin naman ay hudyat
upang humanap ka ng solusyon sa mga ito. Huwag mong pabayaang mapuno ka ng mga negatibong pag-iisip tungkol sa problema, sa halip,
tanungin mo ang iyong sarili kung paano mo ito reresolbahin. Kung nalaman mo na ang solusyon, kumilos kaagad para lutasin ang mga ito.
5. Magpatuloy ka.
Ang pinakahuling bagay na dapat na iyong gawin ay ang magpatuloy anoman ang problema o suliranin. Huwag kang hihinto o
magbagal sa paglutas nito. Maaring humanap ng mga babasahing positibo na makakatulong sa paglutas ng suliranin. Unawain na ang
suliraning mayroon ka ay hindi bagong bagay, ang ibang tao ay nakararanas din at nagtagumpay sa sitwasyong kinakaharap mo sa ngayon,
nakaya nilang solusyunan, ibig sabihin kaya mo rin. Bumangon ka at labanan ang hamon ng buhay.
May natutuhan ka ba sa iyong binasa? Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Alin sa mga nabanggit ni Cephas Tope ang naisabuhay mo na?
______________________________________________________________________________________________________
2. Alin sa limang nabanggit ng author ang nagbigay ng positibong pananaw sa iyo sa pagharap ng hamon sa buhay?
______________________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga na magkaroon ng positibong kilos sa pagharap sa hamon ng buhay?
______________________________________________________________________________________________________
Gamit ang mga natutuhan mo sa payo ni Cephas Tope, gawin ang Gawain sa Pagkatuto 1.

Gawain sa Pagkatuto 1: Basahin ang mga nakasaad sa ibaba. Lagyan ng Tsek ( / ) ang bahaging [Ako ito ] kung naglalarawan ito sa iyo at
lagyan din ng tsek ( /) ang bahaging [Hindi Ako Ito] kung hindi naman naglalarawan sa iyo ang pangungusap. Maging tapat sa iyong mga
sagot.

Ako Ito Hindi Ako Ito


1. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili, pamilya, at kapaligiran.
2. Mas naglilibang sa halip na magmukmok.
3. Hinahanap ang solusyon sa halip na isipin ang problema.
4. Humihingi ng payo sa magulang, kapatid o kaibigan kapag may suliranin.
5. Positibo sa pagharap sa suliranin.
Mga Gabay na Tanong:
1. Nasunod mo ba ng wasto ang panuto? Ilan ang iyong tsek [/] sa Ako Ito Kolum? Sa Hindi Ako Ito Kolum?
___________________________
2. Ano ang naramdaman mo sa resulta ng iyong mga sagot? Ipaliwanag. ______________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng iyong mga sagot?
__________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
4. Sa palagay mo, paano ka makatutugon sa mga hamon o suliraning nararanasan sa buhay?
________________________________________________________________________________________________________________
5. Ilarawan ang iyong sarili at ang kapaligiran kung hindi matutugunan nang maayos ang hamon o suliraning kinakaharap?
_________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
III. PAKIKIPAGPALIHAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Habang nasa Ikatlong Markahan na kayo ng pag-aaral napansin mong nagiging mas mahirap ang mga Modyul mo sa Mathematics. Hindi
mo maintidihan ang paliwanag sa aklat/modyul. Wala ka rin naman na mapagtanungan sa iyong mga kapatid at magulang.

______________________________________________________________________________________________
2. Nagdaos ng kaarawan ang iyong kapatid. Ipinaghanda ito ng iyong mga magulang kahit walang bisita sapagkat may ipinatutupad na ECQ
sa inyong lugar. Masaya kayong nagkakainan sa bakuran ng inyong bahay nang napansin mong pasulyap-sulyap sa inyo ang anak ng
inyong kapit-bahay. Nabalitaan mong nawalan ng hanapbuhay ang kanyang Tatay dahil sa pandemic.

______________________________________________________________________________________________
3. Napansin mong makalat at marumi ang inyong bahay. Abala ang iyong mga magulang sa paghahanapbuhay. Wala din naman sa bahay
ang iyong mga kapatid.

______________________________________________________________________________________________
IV. PAGLALAPAT
Panuto: Buoin ang konsepto. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

pananagutan pagbabago solusyon suliranin sanayin


Bahagi ng buhay at ng pagiging tao ang makaranas ng s ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___n. Matutong tumugon at tanggapin ng buong
puso ang hamon na ito. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa paglutas ng suliranin. Yakapin ang mga p ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ o.
Tandaaan na ang buhay ay hindi laging puro saya. Mahalaga na magpokus sa pinakapositibong bersyon ng iyong sarili. Ang laging isipin
o hanapin ay s ___ ___ ___ ___ ___ ___ n sa mga suliranin. Huwag kalimutang ngumiti, maglaro at maglibang.

V. PAGNINILAY
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performance para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang
Gawain Sa Pagkatuto Lebel ng Performance
magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Bilang 1

Bilang 2

You might also like