You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Program Baitang Grade 9

W3
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Kahihinatnan ng Hindi Paggamit ng Mabisang Paraan sa Paglutas ng


Suliranin
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Maipamalas ang mabisang paraan sa paglutas ng mga problema o
KASANAYANG PAMPAGKATUTO suliranin. Relate the effective ways in solving problems.
(MELCs) HGJPS-IIIc-10.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa kahihinatnan sa
kanyang sarili kapag hindi nagamit ang mabisang paraan sa paglutas ng
mga suliranin na kinasasangkutan.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto )
Sa nakaraang aralin iyong napag-aralan at naunawaan ang kabutihan at kahalagahan ng pagiging
responsible sa sarili at sa iba. Ngayong naman ay pagtutuunan mo ng pansin, na maipamalas ang pang-unawa
sa kahihinatnan sa iyong sarili kapag hindi nagamit ang mabisang paraan sa paglutas ng mga suliranin na
kinasangkutan.
Nais ng aralin na ito na bilang kabataan na nasa Ika-9 na grado ay matulungan ka na mapawalak pa
ang iyong pag-unawa at karanasan sa kahihinatnan ng mga suliraning hindi nalutas ng maayos. Nawa ay
makatulong ito sayo at magsilbing babala kapag mayroon kang naranasang suliranin na maaari pang
maranasan.
Inaasahan na ikaw bilang mag-aaral ay magkaroon ng pagsisikap na huwag hayaang malugmok sa
problema. Kundi mismo ikaw ay matulungan ang sarili kung paano harapin ang mga ganitong sitwasyon.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
GAWAIN SA PAGKATUTO 1. Suriing mabuti ang nasa larawan pagkatapos ay
sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang napansin mo sa larawan na nasa


kanan?

2. Maaari bang ipasok ang isang parisukat sa


isang butas na pabilog? Pangatwiranan

3. Paano ba dapat lutasin ang isang problema o


https://www.dreamstime.com/conceptual-cartoon-problem-
solving- stick-man-drawing-illustration-businessman-manager-
suliranin?
cube-shape-cylinder-hole-image108037262

MGA KAHIHINATNAN NG HINDI PAGGAMIT NG MABISANG PARAAN SA PAGLUTAS NG SULIRANIN.


Lahat ng suliranin na ating nararanasan sa buhay ay may kaakibat na solusyon. Ito ay parang isang
bagyo na saglit na dumadaan at lumilipas din naman sa tamang panahon. Mahalaga din na matutunan mo
bilang isang kabataan ang mahahalaga at mabisang paraan sa paglutas nito, dahil kapag hindi mo ito
nagawa ay mayroon itong dulot sa iyong buhay. Magiging mabisa lamang ang isang solusyon kapag ito ay
tugma sa nararanasan mong suliranin.
Ating alamin ang mga kahihinatnan sa iyong sarili kapag hindi natugunan o nagamit ang mabisang
paraan sa paglutas ng mga suliranin.
● KALUNGKUTAN. Ang suliraning hindi nalutas ang magdudulot ng matinding kalungkutan. Ito ay
nangyayari kapag ang isang tao ay nawalan ng lakas ng loob upang malutas ang isang problema.
● PAGKAPAGOD. Kapag ang suliranin ay hindi nalutas ito ay magdudulot ng matinding pagkapagod at
magdadagdag ng paghihirap ng ating kalooban.
● PAGKABAHALA. Ito ay bunga ng hindi maayos na paglutas sa suliranin. Kapag hindi nalutas ng maayos
ay maaari pang magdulot ng mas malaking problema.
● PAGKABIGO. Nagkakaroon lamang nang kabiguan sa isang suliranin kapag hindi tugma ang iyong
solusyon. Magdudulot lamang ito ng paulit-ulit na problema.
● PAGKAWALA NG POKUS. Ang kawalan ng pokus ay magdudulot ng hindi produktibong paggamit ng
oras. Nanakawin nito ang iyong mahahalagang oras at mahihirapan ka nang mabawi ito.
(https://tl.artbmxmagazine.com.,2021)
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Basahin ang mga sitwasyon o suliranin at sagutan ang kahihinatnan nito sa iyong
sarili kapag hindi nabigyan ng mabisang kalutasan.
SITWASYON BILANG 1: Nakakaranas ka ng katamaran simula unang markahan pa lamang, kaya hindi mo na
binabasa at hindi na sinasagutan ang mga gawain sa modyul.
KAHIHINATNAN SA IYONG SARILI: ____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
SITWASYON BILANG 2: Tuwing gigising ka sa umaga ay inuuna mo lagi ang maglaro sa cellphone na umaabot
ng 2 oras.
KAHIHINATNAN SA IYONG SARILI: ____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
SITWASYON BILANG 3. Lagi ka na lamang tumatawid sa kalsada ng hindi tumitingin muna sa iyong kanan at
kaliwa.
KAHIHINATNAN SA IYONG SARILI: ____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
SITWASYON BILANG 4. Hindi mo nilinang ang iyong talento at kakayahan kaya hanggang ngayon hindi mo parin
alam ang kukuning mong karera o kurso sa kolehiyo.
KAHIHINATNAN SA IYONG SARILI: ____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
SITWASYON BILANG 5. Nakasanayan mo nang hindi magpatawad tuwing mayroong tao na nagkakasala sa iyo.
KAHIHINATNAN SA IYONG SARILI: ____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.
Gumawa ng isang Poster na naghihikayat sa kapwa mo kabataan na iwasan ang maling paglutas sa
suliranin. Isalarawan dito ang mga kahihinatnan kapag hindi ito nalutas ng maayos.
Lagyan ng sarili mong titulo o slogan ang iyong poster. Maaaring gumamit ng malinis na papel o ibang
magagamit na materyales sa pagguguhit.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Natutunan ko sa aralin na ito na_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
Mula ngayon ang gagawin kong hakbang ay ________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 1 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2

VII. SANGGUNIAN https://www.dreamstime.com/conceptual-cartoon-problem-solving-stick-man-


drawing-illustration-businessman-manager-cube-shape-cylinder-hole-
image108037262
https://tl.artbmxmagazine.com/consejos-para-solucionar-los-problemas

Inihanda ni: Sinuri ni:

YELENA B. ALVAREZ
GENALIN V. CEBALLO, Ph. D.

MA. VICTORIA C. MAGAYON, EDD

You might also like