You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Unang Linggo
Maingat na Paggamit ng Social Media:
Personal na Impormasyon Ko, Aking Isasapribado

I. Panimula
Ang paggamit ng teknolohiya ay isa sa mga mabisang paraan at
solusyon upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyanteng tulad ninyo
sa gitna ng pandemya. Maliban sa modules o learning activity sheets, sa
pamamagitan ng internet, kompyuter, cellphone, radyo, at telebisyon,
naipaaabot ang mga karagdagan at mahahalagang konsepto at
impormasyong kailangan sa pag-aaral sa paraang madali, malinaw, at ligtas
sa inyong kani-kaniyang tahanan dahil hindi na kailangan pang lumabas.
Ang social media ay produkto ng makabagong teknolohiya. Ginagamit
ito upang mas maging mahusay pa ang pag-aaral ng mga batang tulad
ninyo. Ito ay mayroong positibong naidudulot sa mga mag-aaral lalo na kung
wasto, responsible, at matalino ang paggamit dito. Ngunit, dapat na laging
tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media. Maaari kasi itong
magdulot nang masama at kapahamakan hindi lamang sa inyong mga sarili
kundi pati na rin sa inyong pamilya.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naibabahagi ang kasanayang protektahan ang personal at pribadong
impormasyon sa social media.
Koda: HGIPS-IIIb-3
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga impormasyon na ligtas at hindi ligtas na ibahagi sa
social media, at
2. maibabahagi ang kahalagahan ng pag-iingat sa paggamit ng social
media.

IV. Pagtatalakay
Ang social media ay isang virtual na pampublikong lugar. Anomang
bagay na i-post ninyo sa social media ay naisasapubliko o nakikita at
nalalaman ng lahat. Ang isang post ay maaaring makita at mabasa ng daan-
daan ninyong mga kaibigan online. Maaari rin itong mai-share at umabot sa
libu-libo, o maging milyun-milyong nakakonekta sa internet.
Dahil ang internet ay ginagamit ng napakaraming tao sa buong
mundo, higit na dapat, na laging maging maingat tayo sa pakikibahagi rito.
Nararapat na mag-isip muna nang maraming beses bago i-click ang post, like,
share, subscribe, at ang notification bell.
Ang pag-iingat ay nagsisimula sa inyong mga sarili, sa kani-kaniya
ninyong mga social media accounts. Kailangan na magbahagi nang may
pag-iingat at may pagsasaalang-alang sa magiging epekto nito sa ibang tao.
Kailangan din na ang post na ibinabahagi ay nagtataguyod ng pagiging
payapa. Higit sa lahat, kailangan na siguruhin ninyong hindi nakasapubliko
ang mga personal at pribadong impormasyon ninyo at ng inyong pamilya sa
inyong profile.
Ito ay upang mapanatili ang inyong privacy at kayo ay maging ligtas at
mailayo sa mga posibleng panganib na dulot ng social media at upang hindi
rin maging biktima ng mga hindi mabubuting tao na gumagamit ng social
media na may layong makapanloko, makapanlinlang, o makapanlamang ng
kapuwa gamit ang mga impormasyong nakukuha nila mula sa inyo o sa kung
kani-kanino.
Maiiwasan ninyo ito kung mas alam ninyo kung alin lamang ang mga
dapat at hindi dapat ibahagi sa profile ng inyong social media accounts
maging kung ano lamang ang ligtas at hindi ligtas na ibahagi para
mapangalagaan at mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng inyong sarili at
ng buo ninyong pamilya.
Personal at Pribadong Imporamsyon
Ang inyong buong pangalan at edad, petsa ng inyong kaarawan, ang
inyong mga numero, ang inyong tirahan at paaralan ay ilan lamang sa mga
personal at pribadong impormasyon ninyo.

2
Ayon sa artikulo na nailathala online sa site na www.akoaypilipino.eu,
mayroong ilang mga bagay na dapat tanggalin sa inyong profile upang
makapag-ingat at mapanatili ang privacy.
1. Buong pangalan, petsa ng kaarawan at tirahan
Bahagi ng mahahalagang sariling impormasyon ang buong pangalan,
petsa ng kaarawan, at tirahan. Ang simpleng mga datos na ito ay maaaring
magbigay access sa iba pang personal na datos hanggang sa bank account.
Kapag nakuha na ang mga ito ay maaari nang manakaw ang inyong identity
at gamitin sa panloloko ang inyong pagkatao.
2. Numero ng cellphone o telepono
Madaling makuha ng ibang tao ang cellphone number kung ito ay
nakalagay sa social media. Bagay na pabor na pabor sa mga stalker upang
kayo ay matawagan at masubaybayan.
3. Paaralan at lugar kung saan pumapasok
Madali kayong mapupuntahan ninoman kung ito ay nakalagay sa
inyong social media.
Karagdagan pa, ayon sa site na www.commonsense.org, ang mga
ligtas na ibahagi ay ang mga personal na impormasyon tulad ng sumusunod:
1. edad;
2. kasarian;
3. bilang ng inyong mga kuya at ate;
4. mga paborito;
5. pangalan ng alaga; at
6. mga opinyon na dapat ipinapahayag sa magalang na
pamamaraan.
Habang ang mga hindi ligtas ibahagi ay ang mga pribadong
impormasyon tulad ng sumusunod:
1. buong pangalan;
2. lugar ng tirahan;
3. petsa ng kaarawan;
4. bank at credit card information;
5. apelyido ni nanay noong siya ay dalaga; at
6. pangalan at lugar ng paaralan.
Ang mga pribadong impormasyon na ito ay hindi dapat ibahagi at
kailangan munang hingin ang pahintulot o permiso ng guro, ng magulang, at
mga nakatatandang kasama kung sakaling hindi maiwasan na ang mga
impormasyong ito ay kailanganing maibigay.
Bagama’t ang mga nasa listahan ng personal na impormasyon ay ligtas
ibahagi, mainam o mabuti pa rin na piliing huwag na lamang itong ibahagi.

3
Karagdagan pa ay ang pagpo-post ng school documents at
achievements sa social media tuwing makakukuha ng matataas na grado o
mananalo sa isang patimpalak sa eskuwela.
Maligaya man tayo at proud sa mga achievements nating ito, dapat
nating protektahan ang mga personal na impormasyong maaaring
napasasama sa mga post sa social media tulad ng report card, certificates,
diploma, at iba pang mga papeles.
Nakasaad din sa Data Privacy Act of 2012 (RA No. 10173) na dapat ay
pinangangalagaan natin ang mga sensitibong impormasyon na maaaring
magamit ng mga gumagawa ng huwad na account at gamitin sa ilang mga
iligal na gawain.
Kasunod nito, ipinahahayag din ng Deprartment of Education (DepEd)
na kung hihingiin naman ang mga dokumentong may personal na
impormasyon mula sa paaralan, siguruhing mga awtorisadong tao lang din
ang magpapadala ng mga papel na ito lalo na kung gagamit ng social
media. Sa pamamagitan ng email at ibang web applications lamang
maaaring magpadala ng mga dokumento sa mga magulang at mag-aaral
na humihiling ng kopya.
Sa bandang huli, kung hindi talaga maiiwasang magbahagi sa social
media, ugaliin na takpan na lamang ang ilang mahahalagang impormasyon
o gawing private ang post.
Ayon pa sa impormasyon na matatagpuan sa www.securityinabox.org,
bago kayo mag-post ng mga personal at pribadong impormasyon tanungin
muna ang sarili ng sumusunod na katanungan:
1. Kailangan ko ba talagang ibahagi ang mga impormasyong ito?
2. Ito bang impormasyon na ito ay totoo o beripikado?
3. Makokompromiso ba nito ang aking privacy?
4. Makasasakit ba ako ng damdamin ng iba?
5. Mapapahamak ba ako at ang aking pamilya kapag ibinahagi ko
ang mga impormasyong ito?
Pagkatapos mong matanong ang inyong mga sarili ay pag-isipan ninyo
nang mabuti at nang maraming beses ang inyong magiging sagot.
Tandaan natin na habang mas marami ang impormasyon na
ibinabahagi natin sa social media tungkol sa ating sarili, mas malaki rin ang
posibilidad na magamit ang ating pangalan at impormasyon sa hindi
magandang paraan.

4
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang sumusunod na mga
impormasyong ay dapat o ligtas na ibahagi at ekis (X) naman kung hindi
dapat o hindi ligtas na ibahagi.
__________1. petsa ng kaarawan
__________2. lugar kung saan nakatira
__________3. buong pangalan at edad
__________4. numero kung saan pwede kang i-text o tawagan
__________5. ngalan ng paaralan at lugar kung saan pumapasok o nag-aaral
A. 2. Panuto: Isulat ang WASTO sa patlang kung ang bawat pahayag ay tama
at DI-WASTO naman kung ito ay mali.

__________1. Nagbabahagi online ng personal na saloobin habang puno ng


emosyon.
__________2. Nagbabahagi ng personal na impormasyon nang sobra sa
nararapat.
__________3. Nagbabahagi nang may pag-iingat at pagsasaalang-alang sa
magiging epekto sa ibang tao.
__________4. Dahil ang internet ay ginagamit ng buong mundo, dapat
nagiging maingat tayo sa pakikibahagi rito.
__________5. Ang mag-aaral na tulad mo ay may kritikal na pag-iisip at hindi
basta- basta nagbabahagi ng personal at pribadong impormasyon sa social
media.

Gawain 2. Gawaing Pagganap


B. 1. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang kumpletong
pangungusap.
1. Paano nakatutulong sa panahon ngayon ang internet, lalo na ang social
media, sa mga mag-aaral na tulad mo?____________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano ang tamang paraan ng paggamit ng social media?_______________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
3. Paano nagkaiba ang personal na impormasyon at pribadong
impormasyon? Ipaliwanag. ________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Paano masisigurong hindi nakasapubliko ang mga personal at pribadong


impormasyon ninyo at ng inyong pamilya sa inyong profile? _________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang sagot sa mga tanong.

BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4


kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2


sagot sa bawat katanungan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Gumawa ng poster ukol sa temang “Maingat na Paggamit ng


Social Media: Personal na Impormasyon Ko, Aking Isasapribado.” Gawin ito
sa short bond paper.
Halimbawa:

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
PAGKA-ORIHINAL Orihinal ang ideya sa paggawa ng 3
(Originality) poster.

PAGKAMALIKHAIN Gumamit ng tamang kombinasyon ng 3


(Creativity) kulay upang maipahayag ang tema ng
poster.
KABUOANG Malinis at maayos ang kabuoang 4
PRESENTASYON presentasyon ng poster.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang angkop na salitang kukumpleto sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patlang.
a. maingat d. privacy
b. payapa e. social media accounts
c. post f. virtual

1. Ang social media ay isang __________ na pampublikong lugar. Anomang


bagay na i-post ninyo sa social media ay naisasapubliko o nakikita at
nalalaman ng lahat.
2. Ang isang __________ ay maaaring makita at mabasa ng daan-daan
ninyong mga kaibigan online. Maaari rin itong mai-share at umabot sa libu-
libo, o maging milyun-milyong nakakonekta sa internet.
3. Dahil ang internet ay ginagamit ng napakaraming tao sa buong mundo,
higit na dapat, na laging maging __________ tayo sa pakikibahagi rito.
Nararapat na mag-isip muna nang maraming beses bago i-click ang post, like,
share, subscribe, at ang notification bell.
4. Ang pag-iingat ay nagsisimula sa inyong mga sarili, sa kani-kaniya ninyong
mga __________. Kailangan na magbahagi nang may pag-iingat at may
pagsasaalang-alang sa magiging epekto sa ibang tao. Kailangan din na ang
post na ibinabahagi ay nagtataguyod ng pagiging payapa.
5. Ito ay upang mapanatili ang inyong __________at kayo ay maging ligtas at
mailayo sa mga posibleng panganib na dulot ng social media at upang hindi
rin maging biktima ng mga hindi mabubuting tao na gumagamit ng social
media na may layong makapanloko, makapanlinlang, o makapanlamang ng
kapuwa gamit ang mga impormasyong nakukuha nila mula sa inyo o sa kung
kani-kanino.

7
VII. Pangwakas
Panuto: Magbigay ng mga payo at paalala na iyong natutuhan mula sa
pagbabahagi ng impormasyon online upang maprotektahan ang inyong
mga personal at pribadong datos.

Halimbawa:
Gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang linangin
ang ating pakikipag-kapuwa tao. Gamitin din natin ito upang tayo ay matuto.
Higit sa lahat, gamitin natin ang social media upang mas mapabuti pa ang
ating pamumuhay.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at makatotohanan 5
PAGKAMAKATOTOHANAN ang mga payo at paalalang ibinigay
ukol sa maingat na pagbabahagi ng
impormasyon online.
KAPUPULUTAN NG ARAL Ang payo at paalalang ibinigay upang 5
maprotektahan ang inyong mga
personal at pribadong datos ay
kapupulutan ng aral.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VIII. Sanggunian
https://www.akoaypilipino.eu
https://www.commonsense.org/education/digital-citizenship/lesson/private-
and-personal-information

8
https://www.securityinabox.org
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX. Susi sa Pagwawasto


Mga Gawain Pagsusulit
Tsek ang rubrik sa ibaba. 5. WASTO 5. X
5. d
Maaaring magkaiba ang sagot. 4. WASTO 4. X
4. e
B.2 3. WASTO 3. X
3. a
Tsek ang rubrik sa ibaba. 2. DI- WASTO 2. X

Maaaring magkaiba ang sagot. 1. DI- WASTO 1. X


2. c

B. 1 A. 2 A.1 1. f

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M. Santos


Patnugot: Jessa G. Porlucas
Tagaguhit: Eric R. Tangonan
Tagapagsuri ng Nilalaman: Evelyn A. Ramos
Jaymie Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang: Nancy P. Yadao, PhD

You might also like