You are on page 1of 1

PAANO BA MAILALARAWAN ANG ISANG RESPONSABLENG MAMAMAYANG

PILIPINO NGAYONG NASA GITNA TAYO NG PANDEMYANG COVID 19?

Sa panahong kinakaharap natin ngayon ay dito nasusubok ang ating pagiging


responsable na pamayanan. Marami ang taong naghihirap at nagdurusa sa gitna ng
pandemya kaya kailangan nating maging responsable hindi lang para sa atin pati na rin
sa ating mamamayan at bansa. Sa simpleng gawa ay malaki na ang maiaambag mo sa
bansa. Mailalarawan natin ang isang responsableng mamamayan kapag ito’y
sumusunod sa mga tagubilin ng gobyerno na makakatulong sa atin at sa bansa
halimbawa ay nagsusuot ng face mask at face shield palagi kapag lumalabas. Sa pag
sunod nito ay mababawasan ang tsansang mahahawa ka at makahawa ng iba, dito
hindi madadagdagan ang kaso sa Covid-19. Sa simpleng gawa lang ay malaki na ang
maitutulong mo sa pamayanan at bansa.

Bilang mamamayan sa bansa ay papel natin maging responsable lalo na sa


panahon ngayong kailangan natin magtulungan. Kailangan natin sumunod sa mga
batas at mga payo sa atin. Isa sa mailalarawan ko na nagpapakita ng pagiging
responsable nating mamamayang Pilipino ay ang taong nagsimula ng community
pantry at mga taong sumusunod nito. Maraming tao ang nagbigay ng kanilang mga
pagkain, prutas, bigas at kung ano-ano pa. Dahil dito, ang ating mga kapwa Pilipino na
naghihirap ay natutulungan at hindi napapabayaan at kahit ang mga tao ay naghihirap
hindi sila ng abuso ng pagkuha sa mga pagkain na nakalagay sa lamesa at kumuha
lang sila batay sa kanilang pangangailangan. Nagpapatunay na marami pa rin sa ating
mga Pilipino ang responsable at marami pa rin sa ating ang tumutulong kahit ang
panahon ngayon ay mahirap.

Marami pa tayong magagawa para mapatunayan natin sa ating sarili, kapwa, at


sa pamayanan na tayo ay responsableng Pilipino. Sa panahong marami ang naghihirap
kailangan natin gampanan ang ating papel dito sa bansa at magkaisa tayo para mas
mapaunlad ang ating bansa. Wag tayong mawalan ng pag-asa at patuloy nating labanan
ang pandemyang hinaharap natin ngayon. Sumunod sa mga batas at payo na ibinibigay
sa atin upang mabilis na mabawasan ang kaso ng Covid-19. Ang pagiging responsable
natin na mamamayan ang magiging susi sa maunlad na bansa.

You might also like