You are on page 1of 4

sanaysay

at
talumpati

Isinumite ni: Lyca Marie C. Manalo


Bsed Filipino-3A

Isinumite kay: Mr. Ephraim Jeremiah


Matias
Pandemya; Huling Limang Libong Piso sa Pitaka

Anunsyo sa balita: Ipinatupad na ang nationwide lockdown sa


ating bansa, dahil ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-
19. Ang lahat ay hindi na puwedeng lumabas ng bahay kung
hindi kinakailangan. Pati ang paliparan ng Ninoy Aquino
International Airport ay ipinasara narin ng gobyerno lalo na
ang pagpasok at paglabas ng mga turista at mga mamamayang
Pilipino galing sa ibang bansa upang maiwasan ang lalong pag-
usbong ng virus dito sa bansa.

Ama: Paano na ang ating hanap buhay? Saan na tayo kukuha ng


pangkain natin kapag naubos na ang hawak kong limang libo?

Anak: Tay, kailangan po nating sumunod sa protocols na


ipinatupad nang sa gayon ay makatulong tayo sa pagsugpo ng
virus na kumakalat.

Ama: Kailangan nating magtipid at umisip kung saan tayo


kukuha ng pera sa araw-araw.

Anak: Kakayanin po natin yan tay!

Dalawang taon na ang nakalipas ng dumating ang isang


kinatatakutang virus na kumalat sa ating mundo. Tinatawag
itong Covid-19 na kung saan kapag nadapuan ka ay
pupuntiryahin ang iyong buong katawan. Maraming mga
trabahador at negosyante ang nawalan ng trabaho at
mapagkukunan ng pera sa ating bansa, sa panahon na ito. Ang
iba ay hindi na alam kung ano ang diskarte na gagawin
makakuha at makahanap lamang ng pera sa maayos na paraan.
Sa kasagsagan ng Covid-19, mayroon bang nagbago sa
pamumuhay ng bawat Pilipino? Ano ang naidulot nito sa iba't
ibang pamilya sa ating bansa na nakaranas sa hagupit ng virus
na ito?

Alam naman nating lahat na nag-iba ang buhay ng bawat


isa ng dumating ang virus na nagdala ng sakit, panghihinayang,
takot, at pangamba sa bawat mamamayan dito sa ating bansa.
Maraming tao ang nanghihinayang, dahil kung hindi dumating
ang pandemya ay hindi mawawala ang mga trabaho ng bawat
isa, na kanila din itong pinagkukunan ng pera upang pantulong
at pangtustos sa kani -kanilang pamilya. Karamihan din sa mga
pamilya sa panahon ng pandemya ay puro problema nalamang
ang nararanasan. Hindi naman kasi natin maitatanggi na
mahalaga ang pera sa bawat isa sa atin. Ngunit nagiging
problema ito ng karamihan simula ng nadapuan ang ating
bansa ng isang pandemya. Sa kadahilanang hindi alam ng iba
kung saan kukuha ng pera at ito ay napupunta sa hindi
pagkakaintindihan ng bawat pamilya. Ang iba na noon ay
limang libong piso ang laman ng pitaka na kanilang magagamit
upang pangtustos sa kanilang pamilya, ngayon ay hirap na nila
itong makuha.

Ano-ano ang mga pasakit na pinaranas ng pandemya sa


bawat mamamayang Pilipino? Sa paanong paraan ito
nalagpasan ng bawat isa?

Simula ng dumating ang pandemya sa ating bansa ay


maraming mga tao ang nahirapan na mag-adjust sa bagong
pamumuhay na mayroon tayo. Maraming dinulot na pasakit
ang pandemyang dumating sa ating bansa lalo na sa bawat
pamilyang nangangailangan. Hindi lang sa pisikal na damdamin
ang naging dalang sakit ng pandemyang ito, pati na rin sa
emosyonal at mentalidad na damdamin ng bawat tao sa ating
bansa. Gayon pa man ay makikita natin na naging maabilidad
parin ang bawat isa sa atin upang malagpasan ang hamon na
dala ng pandemyang kinakaharap natin. Ang iba ay gumagawa
ng iba’t ibang diskarte na pang hanap-buhay. Ginamit nila ang
kanilang mga kakayahan na ngayon lamang nila nakita at
natuklasan sa kanilang sarili, halimbawa nalamang ang mga tao
na kinahihiligan ang paggawa ng mga cake at iba pang tinapay
na naging libangan na nila at hanap-buhay na rin. Ilan lamang
ito sa mga paraan na ginawa ng bawat Pilipino upang
malagpasan ang dagok na dala ng pandemya sa ating lahat.

Ngayon sa kasalukuyang panahon unti-unti ng


napupuksa ang kalaban na hindi natin nakikita at nahahawakan.
Bawat isa sa ating mga Pilipino ay nag-iba na din ang
pamumuhay nila noon at sa ngayon. Marami mang pagsubok
ang naranasan ng bawat isa sa panahon ng pandemya ay
patuloy parin tayong lumalaban sa buhay. Mahirap man ang
naranasan natin sa dalawang taon na ito ay makikita parin
natin ang mga ngiti sa mga labi ng bawat isa. Isa lamang itong
patunay na tayong mga Pilipino ay maabilidad at sumasabay sa
hamon ng buhay, at ng panahon. Kaya ano pa ang ating
hinihintay mga kapwa ko Pilipino? Hindi pa ba tayo kikilos at
susunod ng maayos sa mga protocols tungkol sa Covid-19?
Hahayaan pa ba natin na mangyari ang lockdown tulad noon na
naging dahilan ng pagkawala ng ating mga trabaho at negosyo?
Ikaw, kayo, susunod ba kayo o babalik kayo sa taong 2020?

You might also like