You are on page 1of 5

Ma. Tonette P.

Esportuno 11-ABM A
FILIPINO
WEEK 8 – LAS 2

Pagpapahalaga sa Sarili

Ang pagpapahalaga sa sarili ay ang pagtatasa, pagdama o positibo o negatibong paghusga na


ginagawa ng isang tao sa kanyang sarili batay sa pagsusuri ng kanyang mga saloobin, damdamin at
karanasan. Ang mga taong may mataas na pagpapahalaga sa sarili ay nailalarawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng malaking pagtitiwala sa kanilang mga kakayahan. Sa panahon ngayon, karaniwan sa mga
kabataan na magkaroon ng mga problema sa pagpapahalaga sa sarili.

Mahalaga para sa isang batang tulad mo ang malaman ang wastong pagpapahalga sa sarili. Isa na
rito ay ang pagpapahalaga sa iyong kakayahan―mga bagay na kaya mong gawin. Ang iyong mga
kakayahan ay magagamit sa pagtupad sa iyong mga ninanais o pangarap sa buhay. May iba’t ibang
paraan na maari mong gawin upang mapaunlad ang iyong mga sariling kakayahan. Una, tuklasin ang mga
kakayahan na mayroon ka. Pangalawa, magsanay at magtiwala sa iyong mga kakayahan. Panghuli,
gamitin ang kakayahan sa wastong paraan dahil ito ang susi sa pagtupad ng inyong mga minimithi.

Hindi madali ang pagbubuo ng pagpapahalaga sa sarili. Hindi kasi puwedeng magpasya lang ang
tao na mas pahalagahan ang sarili. Sa halip, kailangan niyang baguhin ang mga nakatanim na paniniwala
na baka hindi niya namamalayan ay umugat na sa kanya.

Ma. Tonette P. Esportuno 11-ABM A


FILIPINO
WEEK 8 – LAS 2
Isang Ama, Pinasok ang Paglalaba at Pamamalantsa para Maitaguyod ang Pamilya

Hindi pangkaraniwang hanap-buhay ang pagiging labandero para sa isang lalaki, pero para kay
Cris, buong lakas niya itong ginagawa sa araw-araw para maitaguyod ang limang anak. Ang kaniyang
sinasahod ay sapat lamang para sa kanila pang-araw-araw na pamumuhay. Batid niyang magsumikap sa
paglalaba at pamalantsa upang mairaos sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

Napabilib ako sa kasipagan at sa pagiging positibo ni Cris, na siyang naghahanapbuhay para sa


kanilang pamilya. Kahit lomi at kaunting gulay lamang ang kanilang pagkain, ay puno naman daw ito ng
pagmamahal. Salo-salo sila sa pagkain at nagbibiruan pa. Napakasaya nila na para bang walang
problemang iniinda sa buhay.

Minsan ay napapatanong na lang tayo sa ating mga sarili, “Ganito ba talaga ang kapalaran ko?”
Akala natin ay wala ng paraan upang maayos ang isang problema. Subalit lahat ng problema ay may
solusyon. Kung gayon ay sana gayahin natin si Cris na ginagawa pa rin ang lahat at gumagawa ng paraan
upang sila ay makaraos sa kahirapan.

Ma. Tonette P. Esportuno 11-ABM A


FILIPINO
WEEK 8 – LAS 2
Epekto ng Plastic Waste sa Kalusugan

Ang mga plastic na basura ay makikita kahit saan at karamihan sa mga ito ay tinatapon lamang sa
ilog, sapa, at iba pang mga daluyan ng tubig. Sa global survey ng Greenpeace lumalabas na karamihan sa
mga gumagamit ng plastic packaging ay ang mga malalaking kompanya na gumagawa at bumibenta ng
consumer items. Ang masama pa rito ay single use packaging ang kanilang ginagamit.

Mahalagang malaman natin kung anong klase ng plastic ang ginagamit ng packaging mga
pagkaing at inuming binibili natin. Para malaman natin kung paano gagamtin ang mga ito. May mga
plastic kasi na hindi pwedeng imicrowave at may mga plastic din na gingamit para pambalot ng mga
frozen food.

Malaki ang pakinabang sa atin ng plastic. Mahalaga lang nairecycle ito at wag nang takilikin ang
mga single use plastic. Hindi lang sa kalikasan may malaking epekto ang plastic waste. Pati sa
kalusugan ng tao, posibleng magdulot ng panganib ang maling paggamit ng plastik.

Ma. Tonette P. Esportuno 11-ABM A


FILIPINO
WEEK 8 – LAS 3

Misteryosong Sakit sa India


Isang misteryosong sakit ang tumama sa daan-daang residente sa India. Nakaranas sila ng
pagsusuka, pananakit ng ulo, seizure, at iba pang sintomas na kahalintulad ng sa epilepsy. Nababahala
ngayon ang mga taga-Andhra Pradesh sa India matapos maospital ang daan-daang katao dahil sa hindi pa
natutukoy na sakit. Negative ang lahat ng pasyente sa COVID-19. Sumailalim na rin sila sa iba't ibang
test para matukoy ang sakit.

Nakakatakot at nakakabahala nga naman ang ganitong pangyayari kung saan ay alam mong wala
kang COVID-19 ngunit nakakaramdam ka ng mga ganitong klaseng mga sintomas. May mga
nakarecover naman daw at patuloy na ginagawan ng survey ang mga pasiyente. Minomonitor din and
iilan sa kanila. Kinuhaan ng blood samples ang mga pasiyente ngnit walang nakitang viral infection ang
mga doktor. Nagtest din sila para sa COVID-19 ngunit ang resulta ay negative.

Mahigit 400 katao na ang tinamaan ng misteryosong sakit na ito. Ang India ay pumapangalawa sa
mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19. Nawa’y malagpasan natin ang pandemyang ito
dahil marami ng tao ang namatay at maraming pamilya ang nagluluksa dito. Patuloy nating sundin ang
mga protocol at sana ay manatili na lang sa bahay kung pwede lang naman.

Ma. Tonette P. Esportuno 11-ABM A


FILIPINO
WEEK 8 – LAS 3

Bagong Variant ng COVID-19 virus, Naitala na sa Pilipinas


Nakarating na sa Pilipinas ang bago at mas nakakahawang variant ng SARS-CoV-2 na sanhi ng
COVID-19. Nakita ang bagong variant sa isang 29 anyos na lalakeng taga Kamuning sa Quezon City na
lumuwas sa ibang bansa upang umattend ng business meeting. Umalis ng negative sa Piliinas pero pag
uwi sa Pilipinas ay positive sa COVID-19 at may pneumonia pa.

Walang binago sa protocol. Mas naging strict lang sa pagsunod para sa ating kalasugan. Walang
pinagbago sa mode of transmission―ito ay sa pamamagitan ng droplets. Ang sinasabing bagong variant
ay mas nakakahawa.

Dahil naman sa bagong variant mas matindi ngayon ang pangangailangan sa bakuna.
Dinepensahan din ni Pangulong Duterte na ang mga COVID-19 vaccine ay gawa sa China.

Ang maitutulong na lang natin para hindi tayo mahawaan o makahawa ay manatili na lamang sa
ating mga tahanan. Huwag lumabas kung hindi naman importante, at kung lalabas man ay magsuot ng
face mask at face shield. Maghugas din ng kamay at guamit ng alcohol.

You might also like