You are on page 1of 2

Panahon ng makabagong teknolohiya, panahon ng pandemya.

Ito ang mga


panahon na nararanasasan ng mga Pilipino. Maraming suliranin ang hinaharap,
kahirapan, korupsyon at krimen . 2019 ang isa sa mga huling taon na nagagawa
natin an mga bagay bagay na walang pangambang inaalala. Masayang lumalabas,
kumain sa restaurant, at maglibang sa mga parke. ngunit December 2019 ng naitala
sa buong mundo ang sisira sa mga pangarap ng mga Pilipino, ito ay ang covid19 .
march 2020 nang magdeklara ang ating gobyerno ng “quarantine”. Nanatili tayo sa
ating mga tahanan ng ilang buwan upang maiwasan ang pagkahawa sa naturang
sakit. Ang lahat ng mga suliranin na aking nabanggit ay nakaapekto sa pisikal at
mental na kalusugan ng mga Pilipino. Ngunit, hanggang kalian natin kaya
makakayanann ang mga ito? Hanggang kailan na ang ating mental at pisikal na
kalusugan ay naapektuhan? Kailangan ba natin mag pa lamon sa kalungkutan?

Ang pisikal nating kalusugan ang nagsisilbing tore ng ating buhay. Ito ang
pundasyon ng pangarap, at sa pagbangon natin araw-araw. Kaya’t kailangan natin
alagaan. Noong pumasok ang Covid19 maraming tao ang naapektuhan ang
kanilang pisikal na kalusugan. Sapagkat nasa mga tahanan lamang ay kalimitan
nakakalimutan ang mag ehersisyo. Na nagdulot ng pag hina ng kanilang katawan,
pag hina ng kanilang kalamnan. Na ang epekto ay pagkataba. Sa pagtaba ng
katawan mas madaling kapitan ng sakit ang mga ito. Atake sa puso, mahirap nap
ag hinga, o di kaya ang Covid19. Mas madaling kapitang ng Covid19 ang mga
taong obese sapagkat mahina ang kanilang resistensya.

Ang mental nating kalusugan ang nagpapagana ng ating pisikal na katawan.


Kung ang ating mental ang maapektuhan, maapektuhan din ang ating katawan at
ang mga nakapaligid sating mga minamahal sa buhay. Sa panahon ng pandemya,
talagang nasubok ang mentalidad ng mga tao. Maraming “extrovert” ang hindi
sanay sa ganap na hindi lumalabas o walang nakakausap bukod sa pamilya.
Kagaya ko, ako ay hindi sanay na buong maghapon ay nasa bahay lamang kaya
naman talagang nasubok ang aking mentalidad ng panahong iyon. Palagi akong
umiiyak gabi-gabi bago matulog upang di mawala sa katinuan. Hindi lamang ako
ang nakararananas nito. marami ding mga tao at maaring ang kapatid mo o ikaw
mismo ang nakaranas ng ganito. Hindi lamang mga extrovert ang naapektuhan nito
pati narin ang mga introvert.

Sa masamang naidulot ng covid19 sa mga tao, ay may magandang naidulot


naman ito kahit papano. Mas nagkaroon ng oras na maglibang ang pamilya. Nag
karoon ng panahon upang makapag ehersisyo ang mga tao na may layuning mag
papayat. matuto ng mga bagay na dipa nagagawa mag gitara, mag luto o mag bake
sapagkat wala tayong oras gawin ito noong wala pa ang covid19. ang pandemya
ang nagbigay oras satin upang gawin ang mga ito. Dahil sa paglubog naman ng
araw. Nasa sa atin padin ang desisyon kung mag papa apekto tayo sa mga balitang
di kaaya aya, magpalamon sa lungkot o di kaya gawing daan ito upang
magpapalakas ng mental at pisikal na kalusugan. lakasan niyo lamang ang inyong
isip at susunod na don ang mga bagay na magpapalakas din sa atin.

You might also like