You are on page 1of 11

KADIWA

Quarantine Mental Health Check


Lokal ng Dacanlao
Distrito ng Batangas
Mayo, 2020
• Dulot ng CoVID-19 Pandemic, marami tayong pagbabagong nararanasan.
• Sumailalim ang ating bansa, partikular na ang bahaging Luzon, sa
tinatawag na Enhanced Community Quarantine bilang bahagi ng
pagsugpo sa kumakalat na virus.
• Dahil dito, kailangan nating manatili sa loob ng ating mga tahanan.
Ipinagbawal ang paglabas kung hindi ito makabuluhan. Ipinatigil ang mga
mass gathering o pagtitipon ng maraming tao sa isang dako, kabilang na
rito ang ating mga pagsamba sa loob ng kapilya. Wala ng pumapasok sa
paaralan, bihira na ang mga empleyadong pumupunta sa kani-kanilang
opisina maliban sa mga frontliner.
• Maraming establisyemento ang nakasara. Ang dating masigla at
maingay na kalsada ay nagmistulang ghost town.
• Nagdulot ang CoVID-19 crisis ng malaking pagbabago sa ating
buhay. May nakaramdam ng takot, lungkot, galit, matinding pag-
aalala, pagkabahala, at pagkabalisa.
• Sa bawat pagbukas ng radyo at telebisyon, sunod-sunod ang balita
na may kinalaman sa CoVID-19. Sa loob ng ating isipin, may isang
tanong na nangingibaw, “Paano na?”.
• Bunga nito, ang ilan o marami sa atin ay nagdadanas ng stress o
anxiety.
Stress at Anxiety

• Ang stress ay bunga ng sobrang pag-iisip ukol sa mga bagay-bagay


na kung tawagin ay stressor.
• Samantala, ang anxiety naman ay ang labis na pagkabalisa o pag-
aalala.
• Ang dalawang bagay na ito ay nangyayari sa ating isipan at ito ay
normal lamang. Ngunit mahalaga na masuri natin ang ating mental
na kalagayan sa gantong uri ng panahon sapagkat ang sobrang
stress at anxiety ay mayroong hindi magandang dulot sa atin.
Paano kakaharapin ang stress at anxiety?

1. Libangin ang sarili sa produktibong pamamaraan.

• Makipagkaisa at makilahok sa mga aktibidad na inilunsad ng


Pamamahala, gaya ng mga aktibidad sa ating kapisanan.
• Maaari ring tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa ng libro na
maaaring kapulutan ng bagong kaalaman.
• Bagamat may social distancing, makipagkwentuhan sa mga kasambahay,
gaya nila nanay, tatay at mga kapatid. Iwasan na pag-usapan ang tungkol
sa coronavirus o anumang makaka-trigger ng iyong stress o anxiety.
Paano kakaharapin ang stress at anxiety?

2. Limitahan ang paggamit ng social media at pakikinig o


panonood ng balita.

• Kung ang mga balita na nakikita at napapakinig sa mga ito ay nagdudulot


sa iyo ng stress at anxiety, magtakda ka ng oras kung kailan lamang
dapat gamitin ang mga ito.
• Maaari ring umiwas na sa paggamit ng social media o manood at makinig
ng balita kung ikaw ay may kasama sa bahay na maaaring makapagbahagi
sa iyo ng mga update at balitang napapanahon.
• Kung hindi maiiwasan ang paggamit ng social media, maging matalino.
Siguraduhin na katiwa-tiwala ang iyong source. Huwag maniniwala at
ishe-share ang fake news.
Paano kakaharapin ang stress at anxiety?

3. Ingatan ang iyong katawan.

• Kung ang iyong stress at anxiety ay dulot ng takot mula sa


pagkahawa ng sakit, sundin ang payo at gabay upang makaiwas sa
virus, gaya ng pagsusuot ng face mask kapag lalabas, paghuhugas
ng kamay, etc.
• Palakasin ang iyong resistensya sa pamamagitan ng pag-inom ng
vitamin C tablets o pagkain ng masustansya. Mag-ehersisyo araw-
araw. Maganda rin ang pag-me-meditate upang kumalma ang
isipan.
Paano kakaharapin ang stress at anxiety?

4. Tumulong sa iyong kapwa.

• Kung ang iyong stress at anxiety ay dulot ng lungkot at awa


sapagkat marami ang naaapektuhan ng kasalukuyang krisis, ang
pagtulong sa kapwa ay makakatulong upang kumalma ang iyong
isipan.
• Mag-donate ng pagkain o salapi sa mga foundation na tumutulong
sa mga labis na naaapektuhan, gaya ng mga frontliner.
Paano kakaharapin ang stress at anxiety?

5. Manalangin.

• Magtakda ng panata, pansarili at pansambahayang panalangin.


Ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ang ating
Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang panalangin ang
pinakamabisang sandata sa sitwasyong dinaranas natin ngayon.
• Sa kasalukuyang panahon dapat ay mas maging matibay ang ating
pananampalataya. Ang krisis na ating dinaranas ay bahagi ng mga
hula mula sa banal na Biblia. Magandang pagkakataon ito upang
iwan na ang ating mga maling gawain.
References:
Smith, M & Robinson, L. (2020, April). Coronavirus Anxiety: Coping with Stress, Fear and Worry. Retrieved from
https://www.helpguide.org/articles/anxiety/coronavirus -anxiety.htm
World Health Organization. Coping with stress during the 2019-nCoV outbreak [PDF File]. Retrieved from
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.who.int/docs/default-source/coronaviruse/coping-with-
stress.pdf%3Fsfvrsn%3D9845bc3a_2&ved=2ahUKEwi44ruFjYvpAhWFbX0KHe-sAccQFjAAegQIBBAC&usg=AOvVaw3bw9rGAk-N1akQR-YSVHYs&cshid=1588076276527

You might also like