You are on page 1of 10

"BAKUNA, ANG

PROBLEMA?"
Q1 Modyul 3 AWTPUT 3 PHOTO ESSAY

Gawa ng: Group 2


"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

Ang Bakuna ay isang ligtas at epektibong


paran upang makaiwas o maprotektahan mo ang
iyong sarili laban sa mga partikular na sakit, kagaya
na lamang ng bakuna laban sa Covid-19. Ilan sa mga
uri ng bakunang Covid-19 ay ang Pfizer,
AstraZeneca, Moderna, at Sinovac na
nangangailangan ng dalawa hanggang tatlong turok
upang ito ay maging epektibo. Ito ay nakatutulong
sa atin upang mabigyan ng karagdagang
proteksyon ang ating mga sarili, at para na rin
malabanan natin ang iba't ibang uri ng komplikasyon
kung sakali mang maging positibo tayo sa sakit na
ito. Ayon sa nakalap kong balita tungkol sa Covid-19
vaccine, mas tumataas ang bilang ng mga
nagpapabakuna ngayon sapagkat tumataas din ang
mga nagkakaroon ng Covid-19 nitong mga
nakaraang buwan. Ayon din sa mga nakakataas ay
mas maaalagaan natin ang ating mga kalusugan, at
mas maililigtas natin ang ating mga buhay kung
tayo'y magpapabakuna, kaya naman lubusan nila
tayong hinihikayat na gawin na ito.
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

Para sa inyong mga karagdagang kaalaman,


ligtas ang magpabakuna, kaya nga mayroon tayong
mga bakuna upang tayo’y matulungan nito. Sa
kabilang banda, marami nga namang lumalaganap na
fake news sa internet na tungkol sa pagbabakuna,
kaya naman marami ang natatakot na gawin ito.
Nariyan na ang magiging “zombie” at mamamatay
daw pagkatapos mabakunahan. Batay sa aking
sariling opinyon, hindi dapat tayo agad-agad
naniniwala sa mga balita galing sa internet dahil
karamihan dito ay hindi naman totoo at maaaring
maging resulta upang magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa mga bagay-bagay, at baka
mapahamak pa ang karamihan. Isa pang
karagdagan, ang pagbabakuna ay hindi sapilitan,
ngunit gayun pa man ay iminumungkahi pa rin ng
ating pamahalaan na tayo’y magpabakuna na dahil
para rin naman ito sa atin at para na rin sa ating
ekonomiya. Noong Lunes, ika-sampu ng Mayo,
pinalawak ng US Food and Drug Administration ang
Emergency Use Authorization (EUA) para sa
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

bakunang COVID-19 na Pfizer upang maisama ang mga


kabataan na nasa edad 12-15 taong gulang. Ayon kay Dr.
Fermin Leguen, District Health Officer sa Southern Nevada
Health District, ang mga bata raw ay madaling kapitan o
makakuha ng virus katulad ng COVID-19, kaya naman batay
sa aking opinyon ay dapat maisakatuparan na sa lalo’t
madaling panahon ang pagbabakuna sa mga kabataan. Para
sa nakararami, ang bakuna ang nagsisilbi nating pag-asa
upang tayo’y makalaban sa kaaway na hindi natin nakikita,
ngunit batay sa aking obserbasyon, parang ito pa ang
nagiging dahilan upang magkaroon ng isang
kontemporaryong isyu ang ating inang bayan.
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

B AKUNA .
, Ngayong tayo'y nasa gitna ng pandemya,
N G
LIBRE A
SA KA
D A P AMILY
malamang ay maghahanap tayo ng lunas para
sa sakit na ito, ang Covid-19. Ayon sa mga
balitang aking nakalap, may problemang
pinagdadaanam ang ating bansa dahil sa
kakulangan ng bakuna. Ito ang nagiging sanhi
nang mabagal na pag-angat ng ating
ekonomiya. Dahil sa kakulangan ng bakuna,
ang mga probinsya sa Luzon, Visayas at
Mindanao ay nakararanas ng mabagal na
pag-usad ng pagbabakuna sa kanila,
sapagkat ang mga ito ay hindi pa
nakararating sa kanilang mga lugar katulad
na lamang sa probinsya ng Cebu.
WAG ITAGO
ANG BAKUNA,
BAKA MAWALA
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

Napapanood natin sa mga balita na maraming mga kaso na ng


Covid-19 ang mga namamatay at nagkakasakit, ang ilan o ang
karamihan pa sa mga ito ay mga taong nagpaturok na ng
proteksyon. Ibig sabihin, kahit bakunado ka na ay maaari ka pa ring
mahawa sa sakit na ito. Hindi porket ikaw ay may proteksyon na ay
pwede ka ring hindi sumunod sa mga health protocols at ikaw ay
magkakaroon ng kapanatagan sa kalooban. Kung hindi mo
aalagaan ang iyong sarili ay walang silbi ang iyong pagbabakuna
dahil hindi naman ito gamot o lunas, ito ay karagdaagang
proteksyon lamang. Para sa akin, dapat palagi tayong sumusunod
sa mga health protocols na ipanapatupad ng ating gobyerno, ikaw
man ay nabakunahan na o hindi.
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

Halos 50% sa ating mga Pilipino ang ayaw pang


magpa-bakuna, dahil sa pangamba sa kaligtasan
kaugnay sa Covid-19 vaccine. Ang iba naman ay
natatakot sa magiging side effects nito, at ang iba
naman ay walang tiwala sa bakunang gawa sa isang
bansa. Kaya nangangamba ang ilan sa ating mga
eksperto na baka dumami pa ang bilang ng mga ayaw
magpa-bakuna sa ating bansa, ngunit may ibang mga
trabaho na kinakailangan na dapat bakunado na
upang makapag-trabaho. Hindi naman pwede ang
ganoong sitwasyon, dahil ayon sa DOH, ang bakuna
ay hindi sapilitan, at ang "No Vaccination, No Work?"
ay isang illegal at walang basehan, ayon sa DOLE.
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"

Ngayon panahon ng pademaya wala


tayong kasiguraduhan sa mga maaaring
mangyari sa hinaharap, walang
nakakaalam sa atin kung kailan matatapos
ang pademyang ito, hindi natin masasabi
kung kailan tayo makakalaya sa pag
kakakulong sa rehas ng ating mga tahanan.
Gayon man wala tayong dapat na sisihin sa
mga nangyayari sa atin ngayon sapagkat
wala namang may gusto rito.
"BAKUNA, ANG PROBLEMA?"
Para sa akin, upang maka-sigurado na
tayo'y maproproteksyonan laban sa virus
na ito, kinakailangan na natin humakbang
sa isang desisyon na makakabuti para sa
karamihan. Para naman sa mga tao na
hindi pa nababakunahan, manyari nawa
na sundin na lang ang mga health
protocols na ipinapatupad sa inyong lugar
sapagkat hindi naman iba ang
makikinabang doon kung hindi ang iyong
mga sarili at pati na rin ng mga taong
nakapaligid sa inyo. Palaging magsuot ng
facemask at face shield kung ikaw ay
lalabas ng bahay, at palaging panatilihin
ang social distancing.
GROUP 2
MIYEMBRO:
MARC XCKIEL AVILA(PPT)
ALEXANDRA JANE MAGALLANES(PPT)
JONATHAN OLIVA (PANIMULA)
JUSTINE TULAYTAY(PANIMULA)
ALEXA MARIE BACUAC (GITNA)
JULIA DELA CRUZ (GITNA)
CURT WESLEY DEVERA (GITNA)
KAREN ASHLEY SISANTE (WAKAS)
ZEINAB TUBOJAN (WAKAS)

You might also like