You are on page 1of 1

BATAS: LOCKDOWN

isinulat ni Sean Benedict P. Pernes

Dahil sa tagal na nating nasa loob ng ating mga bahayan dahil sa epekto ng
COVID-19 pandemic, hindi maiiwasan ng ibang tao sa komunidad na lumabas at
gumawa ng kung ano-ano sa kanilang benepisyo at kasayahan, pati narin ang mga di
nakikinig na tauhan na pag sinabing anim na talampakan at suot dapat ang facemask at
faceshield ay hindi sila makikinag at magagalit lamang dahil raw sa “higpit ng batas”
ngunit ginagawa lang ito para tayo ay ligtas at di maapekta sa birus na ito, ngunit sa
ating bansa alam natin na mahirap ang pagbigay ng disiplina lalo na pag di bingigyan
ng multa pag eto ay hindi tinupad ng sambayan o pag hindi nagtayo ng kurfew. Mga
ganitong rason ay kung bakit ang mga llokal na gobyerno ay gumagawa upang
tumugon sa lumalaking banta ng coronavirus, o COVID-19 sa pampublikong kalusugan.
Habang nahaharap ang mga komunidad sa buong bansa sa pagdami ng mga nauulat
na kaso, maraming lugar ang maaaring naaapektuhan ng pansamantalang pagsasara
ng mga negosyo, paaralan at iba pang mga pampublikong pasilidad o kaganapan, at sa
ilang mga pagkakataon, mga quarantine.

At sa magaganap na ECQ o Enhance Community Quarantine, kailangan natin


ng buong pusong koordinasyon sa ating mamahala at maalam ang kanilang mga
aksyon sa pandemyang ito. Dahil sa mga nakaraang mga araw at mga balita ukol sa
ating pamayanan mukhang lalong magiging malala ang pandemyang ito kasi sa bagong
variant ng birus at ang mga tao na naapektado nito. Mga frontliners at lolo na ang ating
mga healthcare workers ay araw at gabing nagsisilbi sating mga hospital, kailangan
nating tumulong sa pagsunod sa mga wastong pagingat at guidelines sa quarantine at
hindi maging dagdag problema sa lipunan.

Dito sa aming barangay mukhang eminent ang magiging lockdown dahil sa mga
pumapasok at lumabas, pati narin ang mga dumadagdag na kaso dito sa aming
komunidad. Dahil sa nangyaring gulo sa hindi pagbigay impormasyon sa nahawaan na
kababayan dito sa barangay, nagplano sila na maging action ready sila at sana na mas
enforce ang batas para sa pagdidisiplina sa barangay bilang covid free at ligtas sa
pandemya.

You might also like