You are on page 1of 3

Asynchronous 2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Nasaan ka at ng inyong pamilya sa kasagsagan ng Pandemic na ito last year ,March


2020? Ano ang inyong mga paghahanda para makaiwas mahawaan ng diumano'y
nakakahawang sakit na ito, noon Hanggang sa ngayon?. Ipaliwanag ang sagot. (5
sentences, with correct punctuations and capitalization/5 points)

 Noong March 2020, ako at ang aking pamilya ay nasa aming bahay lamang. Dahil sa
banta ng CoronaVirus 2019 o mas kilala sa tawag na Covid – 19 noong Desyembre at
Enero pa lamang ay mayroon na agad na iilang mga kasong naitala sa Pilipinas. Kami ay
di na gaanong lumalabas at ang aking Tita lamang ang pwede dahil nung mga panahon na
ito ay di pa pinapayagan lumabas ang mga bata hanggang edad na 18 at matatandang
nasa edad na 60 pataas. Ang paghahanda na aming ginawa noon ay ang palaging
pagsusuot ng facemask at pagdadala ng alcohol kahit saan man kami pumunta habang
yung paghahanda na aming ginagawa ngayon ay tulad pa din ng dati ngunit ito ay
nadagdagan ng pagsusuot ng faceshield at pagsunod sa safety protocols na ibinigay n
gating gobyerno.

2. Ano masasabi mo patungkol sa sinasabing vaccine? Ito ba Ang totoong sagot at pdeng
solusyon sa pagpuksa ng lumalaganap at lumaganap na diumano'y sakit na ito? Bigyang
katwiran ang sagot. (5 sentences, with correct punctuations and capitalization/5 points)

 Ang pagbabakuna, sa aking palagay ko, ay magiging pinakamahusay na paraan upang


maiwasan ang pagkalat ng corona virus 2019 o mas kilala rin bilang Covid 19. Dahil nga
alam natin ang mga sintomas, karamihan sa atin ay takot sa pagbabakuna. Nagdududa
ako dati sa bakuna, ngunit sa pagdaan ng panahon, naramdaman kong ligtas naman pala
ito at sa pamamagitan din ng pananaliksik, nalaman ko mapoprotektahan tayo ng bakuna
mula sa magiging impeksyon ng covid, pati na rin ang ating mga pamilya, pamayanan, at
iba pa.
3. Masasabi mo bang man-made or natural occurence ang naging sanhi ng pagkalat ng
covid-19 sa buong mundo at PILIPINAS, particular sa buong Luzon? Kung Oo, bakit?
Kung Hindi, bakit? Kung pareho, bakit? sino ang dapat sisihin kung mayroon man?
Bigyang katwiran ang sagot. (5 sentences, with correct punctuations and capitalization/5
points)

 Sa aking opinyon ay opo, pwede pong man-made or natural occurrence ang sanhi ng
pagkalat ng covid-19 sa buong mundo at pilipinas particular sa buong Luzon sa particular
na dahilan, at ito ay ang hindi pagsunod ng mga tao sa safety protocols na inilungsad ng
gobyerno or lokal na pamahalaan. Tulad ng social distancing ito ay ang isa sa mga safety
protocol na inilusad ng pamahalaan, at ito ay ang protocol na nagsasaad na dapat ay
mayroon kang isang metrong pagitan sa ibang tao nasaan ka man, tulad ng pampublikong
mall, sasakyan at iba pa.

4. Bilang isang mag-aaral ng Cavsu Bacoor Campus, anu-ano ang iyong saloobin sa mga
naganap ukol sa pandemyang ito sa lahat sa ating mga kababayan dito sa bansa at sa
buong mundo? Anu ang iyong kontribusyon bilang CavSu student, sa pagpuksa ng
pandemyang ito? Magbigay ng 3 saloobin/opinyon ukol sa mga pangyayari at (5 sentences,
with correct punctuations and capitalization/ 5 points)

 Bilang isang mag aaral ng Cavsu Bacoor Campus ang akin mga saloobin sa mga naganap
na sa pandemyang ito ay ang mga, Una ay ang mahirapang koneksyon ng internet para sa
mga mag aaral ng online class, Pangalawa ay ang yung ibang estudyante ay naghahanap
buhay pa upang matustusan ang pang araw-araw na gastos at minsan ay tinatamaan pa
ang kanilang iskedyul saa trabaho at pag aaral, at ang huli ay ang paggawa ng mga
gawain kasi yung ibang estudyante ay walang tamang kagamitan para gawin iyon.
Ang aking kontribusyon bilang Cavsu student ay ang pagsunod sa safety protocols ng
gobyerno tulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield kapag lalabas or may pupuntahan.
5. Paano mo ito ikukuwento sa mga susunod na henerasyon: sa iyong nakakababatang
kapatid, kamag-anak or kaibigan, maging sa mga susunod na salinlahi. Anu- anong aral or
leksiyon ang ating natutunan na maaari mong ikwento sa ibang tao, na bahagi na ng ating
Kasaysayan nitong nagdaang taong 2020 at ngayong 2021. Magbigay ng 3 aral na nakuha
natin dito sa nagdadaang matinding pagsubok? (5 sentences, with correct punctuations and
capitalization/5 points)

 Sasabihin ko sa iyo kung paano nagsimula ang lahat at kung ano ang pinagdaanan ko sa
gitna ng pandemya. Ang corona virus, na kilala rin bilang covid 19, ay inakalang
nagmula sa Wuhan, China. Gayunpaman, ang virus ng corona ay pwedeng mailipat sa
mga taong meron na nito papunta sa mga taong di pa apektado ng virus. "Napakahirap
para sa akin na magkaroon ng Covid 19 sapagkat ito ay may iba’t ibang reaksyon sa
katawan ng isang tao; syempre, bilang isang kabataan sa taong iyon, hindi ako makalabas
at labag sa batas ang paglalakad ng walang facemask at faceshield, kaya't kailangan mo
lamang manatili sa loob ng iyong bahay. "

You might also like