You are on page 1of 2

OLIVAREZ COLLEGE FIL12: MAUNLAD NA PANANALIKSIK

SA PILING LARANGAN

ARALIN 1 GAWAN 1
FILIPINO BILANG WIKA AT FILIPINO BILANG DISIPLINA
V.ACTIVITY ENGAGEMENT (MGA KAUGNAY NA GAWAIN)
Puntahan ang link na ito: https://drive.google.com/file/d/1kQzOjwDKbD4Cl1BDup-TJnaraCGcIWYI/view?
usp=sharing

Basahin ang PAUNAWA SA COVID-19 na isinulat sa wikang Filipino. Pagkatapos ay sundin ang
sumusunod na mga hakbang:

1. Pumili ng isang bahagi rito at kuhanan ng larawan o itipo.


2. Ipadala ito sa inyong tatlong kaibigan sa pamamagitan ng FB messenger.
3. Itanong sa kanila kung nauunawaan ba nila ang nakasulat at kung mas nakatutulong ba ito
para mas maunawaan ang pandemyang nararanasan ngayon.
4. Tipunin ang mga nakuhang sagot sa iyong mga kaibigan at idagdag ang iyong sagot.
5. Lagumin ang ginawang maikling sarbey,
6. Sundan ang halimbawa sa ibaba:

BAHAGING NAPILI: Paano Ako Hindi Mahahawa?

TIPUNING MGA SAGOT MULA SA KAIBIGAN AT SA SARILI:

Ayon sa aking kaibigan na si Jerihmae:


Opo, nauunawaan ko dahil ang mga nakasulat ay ang mga paalala at paraan para protektahan ang ating sarili at
kapwa upang labanan ang mabilis na paglaganap ng virus.
Ayon sa aking kaibigan na si Danica:
Opo, nauunawan ko ang nakasaad sa larawan na mga paalalang gagawin upang maiwasan ang pagkalat
ng sakit lalo na sa pandemya ngayon. Para sa akin, mahalaga sundin ang mga nakasulat dito dahil hindi
lamang ikaw ang makikinabang neto pati na rin ang mga tao sa paligid mo. Mas mapapadali rin ang
pagpuksa sa pandemyang ito kung ang mga nakasaad ay susundin palagi. Sumasang ayon din ako na
mas nakakatulong ang mga ito para mas maunawaan ang pandemyang nararanasan ngayon.

Ayon naman sa aking kaibigan na si Marina:


Opo dahil binibigyan tayo ng abiso sa kung ano ang dapat nating gawin upang maging ligtas laban sa sakit.
Dahil sa mga ito, nabibigyan ng ideya ang mga tao sa mga dapat gawin at magiging maingat na sila sa
kanilang mga kilos. Sa simpleng kaalaman galing dito, maraming buhay ang maliligtas dahil sa sapat na
kaalaman na nakuha galing dito.

Sa aking aking opinyon, ang simpleng hakbang na mga ito ay isang importanteng impormasyon upang
maprotektahan ang sarili at manatiling ligtas sa COVID-19, hindi lamang para sa sarili kundi para sa iba
pa. Nakakapagpabagal din ito sa pagkalat ng virus at marami rin ang maiiligtas at makakaiwas dahil sa
pagsunod sa mga hakbanging ito. Dahil dito mas makokontrol natin ang hindi pagkalat nang mabilis ng
virus at nang hindi lumala ang kaso sa ating bansa.

VI.RESEARCH EXPLORATION (KARAGDAGANG BABASAHIN)


Muling puntahan ang link na nasa itaas, PAUNAWA SA COVID-19 at sagutan ang
sumusunod: Analisis: Ano ang papel ng wikang Filipino sa mga usapin tulad ng pandemya at iba
pang nasyonal na usapin?
- Dahil sa wikang Filipino, napapalaganap natin ang mga impormasyon tungkol sa Covid-19. Nabibigyan
natin ng access sa mga impormasyon ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
social media sites gamit ang totoong account ng mga opisyal at lokal na pamahalaan para sa tama at
tiyak impormasyon. Ang wikang Filipino ang magbibigay kamalayan sa mga Pilipino upang labanan at
maikontrol ang pagkalat ng Covid-19 sa bansa. Ang wikang pambansa ang magbibigay tulay para sa
pagkakaisa ng mga Pilipino at pag-unlad ng bansa. Mas maraming mamamayan ang makakaunawa at
makakaintindi kung ang ginagamit para sa paghahatid ng impormasyon ay ang kanilang sariling wikang
pambansa. Mas nagiging epektibo at nakakatulong ito sa pagpapakalat ng mga impormasyon tungkol sa
mga usapin tulad ng pandemya at iba pa.

You might also like