You are on page 1of 5

WIKA LABAN SA PANDEMYA: KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG

WIKANG FILIPINO SAPAGPAPAHAYAG NG MGA IMPORMASYON


PATUNGKOL SA COVID-19

Mananaliksik:
Briones, Job Aaron M.
Cabahog, Elexis Jade B.
Cabrera, Jon Edward M.
Ebuenga, Ellah Nicole B.
Ogbac, Richa Ella R.
Soriano, Justine Nino F.
KABANATA V

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa lagom ng mga resulta mula sa mga datos ng pag-
aaral. Kaugnay nito ang mga konklusyon batay sa interpretasyon ng mga datos at ang mga
rekomendasyon ng mga mananaliksik para mga suliraning natalakay sa pag-aaral.

Lagom

Ang layunin ng isinagawang pag-aaral na ito ay upang matukoy ang kahalagahan ng


paggamit ng Wikang Filipino sa pagpapahayag ng mga impormasyon na may kaugnayan sa
pandemya. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib-analitk na disenyo ng pag-aaral. Ang
pamamarang ito ay isinagawa upang mas madaling matukoy at mapag-aralan ang kahalagahan
ng paggamit ng Wikang Filipino sa pagpapahayag ng mga impormasyon ukol sa COVID-19.
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga talatanungan o sarbey kwestyuner na kung saan ang
mga pahayag na nakatala ay nakapokus sa mga karanasan at problemang kinaharap ng mga
kabataan at nakatatanda ukol sa mga impormasyong may kaugnayan sa pandemya na may
kabuuang isang daan at dalawampu (120) mula sa anim na magkakaibang barangay. Ang mga
nakalap na datos ay masiyasat na sinuri gamit ang mga panukat ng istatistika upang
makapagbigay ng wasto at akmang interpretasyon ng mga datos. Ang mga konsepto na nagmula
sa kaugnay na mga literatura ay ginamit upang magsilbing gabay at pantulong sa naging resulta
ng interpretasyon.

Batay sa mga naging tugon, nakabuo ng interprestasyon ang mga mananaliksik mula sa
kagamitan ng Wikang Filipino at mga suliraning naranasan ng ilang indibidwal ukol sa
pagpapahayag ng mga impormasyon na may kinalaman sa COVID-19.

Sa gabay ng mga naging resulta, matutukoy ang kahalagahan ng Wikang Fipino at mga
kagamitang maitutulong nito upang mabigyang linaw ang ilang pahayag tungkol sa COVID 19.
Sa pamamagitan sa mga datos na masiyasat na sinuri, ang pangunahing kagamitan ng Wikang
Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit nito bilang isang midyum na kung saan ay nakatutulong
upang maunawaang mabuti ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag lumalabas ng tahanan o
may pagtitipon. Base sa naging resulta, ito ay may kabuuang porsyento na 4.69 na kung saan ay
nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga respondente. Samantala, ang pinkahuling
kahalagahan ay nakakuha ng 3.31 na weighted mean na kung saan ay tumatalakay sa mahirap na
pag-unawa ng mga impormasyon ukol sa COVID-19 sapagkat gumagamit ang mga ito ng mga
teknikal na nakalimbag sa salitang ingles.

Gayunpaman, gamit ang mga datos na binigyang interpretasyon ay mabibigyang pansin


ang mga suliraning nararanasan ng ilang indibidwal tungkol sa impormasyong may kinalaman sa
COVID-19. Ayon sa kabuuang datos na nakalap, mahihinuha mula rito na animnapu at walong
porsyento (86%) ng mga indibidwal ay nabibiktima ng mga maling balita o fake news tungkol sa
ilang impormasyon na may kaugnayan sa pandemya. Samantala, nakakuha naman ng may
pinakamamabang tugon ang pahayag na nangangahulugang walang naging problema o suliraning
kinaharap na may kabuuang labing anim na porsyento (16%).

Batay sa mga interpretasyong ginawa, masusuri kung gaano ka-epektibo ang paggamit ng
Wikang Filipino sa pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa COVID-19. Ayon sa resulta,
nakakuha ng may pinakamataas na tugon ang pahayag tungkol sa paggamit ng internet upang
magkaroon ng pagsasaliksik at paggamit ng Wikang Filipino upang maunawaang mabuti ang
bawat terminolohiya na may kaugnayan sa COVID-19 na may pitumpu’t apat na porsyento
(74%). Sa kabilang banda, nakakuha ng huling pahayag ng may kabuuang pitong porsyento (7%)
na nangangahulugang walang naging tugon.

Konklusyon

Matapos suriin ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang resulta ng pag-aaral ay
humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

1. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, mahihinuha na mayroong positibong pananaw ang


mga respondente sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa pagpapalaganap at
pagkalap ng mga impormasyon ukol sa Covid-19. Sa mabisang pananaliksik, natukoy ng
mga mananaliksik ang mga kagamitang maitutulong upang mabigyang linaw ang ilang
pahayag tungkol sa Covid-19. Ang mga kagamitang ito ay ang mga plyers, pamphlets,
posters at mga ulat o balita mula sa telebisyon, radyo o maging sa internet. Dagdag dito ay
ang mga polisiya, protocol at iba pang impormasyon na mas magiging epektibo at
makabuluhan kung nakalimbag sa wikang Filipino sapagkat nagkakaroon ang mga
respondente ng ideya sa mga nararapat at hindi nararapat na gawin sa tuwing lalabas ng
bahay o sa tuwing may pagtitipon. Ang mga nabanggit na ito ay lubos na sinang-ayunan ng
mga respondente at natukoy na nasa una hanggang ika-apat na ranggo ng mga kagamitang
makatutulong mula sa mga tugon sa sarbey na isinagawa.

2. Dahil ang sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa ay isang panibagong karanasan para
sa mga mamamayan, maaari itong maghatid ng mga suliranin sapagkat hindi handa ang mga
mamamayan sa biglaang pagbabago sa sistema. Makikita sa mga datos na napaka-kaunti
lamang na porsyento ng mga respondente ang walang naging problema tungkol sa mga
impormasyong may kinalaman sa Covid-19 at nagsasaad naman na karamihan parin ang may
suliraning naranasan o nararanasan. Karamihan ay nakaranas ng pagkatakot dahil sa
impormasyong hindi nabibigyang pansin upang maipaliwanag nang maayos at sinundan
naman ng mga nahihirapan unawain ang mga salitang teknikal na pumapatungkol sa Covid-
19 at mga polisiya na nakasaad sa Wikang Ingles, dahilan upang maghatid ng pagkalito sa
pagsunod na maaaring magresulta sa paglabag sa mga “quarantine protocols”. Pinaka-
malaking bilang ng mga respondente ay nabibiktima ng mga maling balita o fake news
tungkol sa ilang impormasyon na may kaugnayan sa pandemya. Indikasyon na kahit sa
kasalukuyang sitwasyon ay talamak parin talaga ang mga pagpapakalat ng maling
impormasyon kung kaya’t ibayong pag-iingat at paghikayat sa publiko na maniwala lamang
sa mga otorisadong ahensya at sanggunian upang maiwasan ang pagkalito o pagkabalisa na
kadalasang problemang nararanasan ng iilan.

3. Batay sa mga tugon ng bawat indibidwal, masusuri kung gaano ka-epektibo ang paggamit
ng Wikang Filipino sa pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa COVID-19. Ayon sa
resulta, naging mas epektibo ang paggamit ng internet upang magkaroon ng pagsasaliksik at
ang paggamit ng Wikang Filipino upang maunawaang mabuti ang bawat terminolohiya na
may kaugnayan sa COVID-19. Bilang solusyon sa mga suliraning naranasan, naging mausisa
at maingat ang mga indibidwal sa pagtanggap ng mga impormasyon patungkol sa pandemya.
Mula sa mga kagamitan, sa mga suliranin hanggang sa solusyon, mapapansin na higit na
epektibo ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa
Covid-19 kaysa sa wikang Ingles sapagkat makikita ang kakulangan, kalitohan at pagkatakot
kung ang mga impormasyon ay nasa salin na hindi naiintindihan ng nakararami. At hindi
magiging epektibo ang pakikibaka ng nakararami sa sakit na ito kung may iilan na hindi
makakasunod at makakapagbigay solusyon sapagkat hindi nila batid ang kahulugan ng mga
impormasyong nakalap.
Rekomendasyon
Ayon sa isinagawang pag-aaral at konklusyong nakamit, ang mga sumusunod ay ang
rekomendasyong nabuo ng mga mananaliksik:

1. Maaaring maging gabay o magsilbi bilang sanggunian ang ginawang pag-aaral upang mas
maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino bilang pagpapahayag ng
imposmasyon patungkol sa iba’t-ibang krisis gaya ng pandemya. Kasama ring mauunawaan
dito ang mga posibleng epekto ng pagsiwalat ng imposmasyong hindi nakasalin sa ating
wika.

2. Ang ginawang sarbey ay maaring mas mapalawig ang sakop ng mga respondente nang sa
ganoon ay mapagtibay at mas katanggap-tanggap ang magiging resulta ng pag-aaral.

3. Ang isinagawang pag-aaral ay maaari ring magbigay pokus sa iba pang pambansang krisis
hindi lang sa nangyayaring pandemya ngayon. Nakasulat sa akda ang isinagawang solusyon
at plano upang maging basehan sa pagbuo ng gagawing bagong pag-aaral.

4. Iminumungkahi ng pananaliksik na ito na mas bigyan ng karagdagang pansin ang pagkalap


ng mga datos upang mas mabigyan ng hustisya at katuturan ang layunin ng pag-aaral. Sa
ganitong paraan, mas magiging konkreto ang mga resulta at mas lalalim ang kaisipiang
mahihinuha.
5. Ang naturang pananaliksik ay magbibigay linaw at batayan sa pagkuha ng mga karagdagang
impormasyon na may kaugnayan sa hinaharap na pag-aaral na may pokus o layuning
palawakin ang saklaw ng kahalagahan ng paggamit ng Wikang Pilipino lalo’t higit sa
panahon ng malawakang pandemya o krisis.

You might also like