You are on page 1of 2

Pagsulyap sa panahon ng Pandemya

“ Pakikiisa ang susugpo sa pandemya”, ito ang reyalisasyon ko patungkol sa


pandemya.

Ikaw , ako , tayong lahat ay nakaranas ng takot , pangamba at kalungkutan


na dala ng panganib ng virus na COVID 19. Ang mga sunod sunod natala sa balita
patungkol sa mga namamatay na tao sa buong mundo. Ang mga nakaratay na
mga bata at matatandang pinapanuod sa balita at ang mga naghihikahos sa buhay
ma walang pampagamoit , lahat ng mga ito’y tumatak sa akin isipan. Madaming
tanong ang nabuo sa akin isipan na noo’y ang aking ina lang ang napagsasabihan.
Ang paghinto sa pagpasok sa paaralan na nagdulot sa kawalan ng kaalaman. Ang
pagkulong sa bahay nang limang buwan at higit pa para saming mga bata. Lahat
ng mga ito ay Bakit? ang hinahanap na kasagutan.

Bagama’t akoy isang musmos na batang maraming katanungan namulat


ako sa pandemyang ito na mabilis lang ang buhay. Ang buhay na minsan lang
ating madaraanan ay dapat nating alagaan at pagkaingatan. Pahalagahan ang
bawat oras at sandaling kapiling ang ating mga mahal sa buhay. Ang kalusugan
natin ang una higit sa ano pa mang bagay. At kung aking babalikan ang hinahanap
kung kasagutang bakit? napagtanto ko na dapat pala’y Ano? Ano ang dapat kong
gawin upang masugpo ang pandemya?.

Hindi naman ako si Darna upang iligtas ang sanlinutan. Wala din akong
kapangyarihan upang labanan ang virus. Ako’y isang bata na nakikinig ,
nakikiramdam sa kapaligiran at nakikinig sa magulang.

Malamang ngayon ay hindi na tayo mangmang sa kaalaman patungkol sa


covid 19. Lahat ng tao , bata man o matanda ay may kaalaman sa virus na ito. Sa
kaalaman nab ito ay nakaakibat narin satin ang salitang responsibilad upang
masugpo ang virus at hindi na makahawa pa ng iba. Isa na dito ang pagsuot ng
facemask. Ang paglinis sa kapaligiran at ng sariling katawan. Ang pakikiisa sa mga
programa ng pamahalaan upang masugpo ang virus ang dapat nating sundin at
isaalang alang. Iisa ang dahilan ng takot at pagkakulong sa pandemya ngunit mas
maraming paraan upang msugpo at malaban ang pandemya. Sa isang daang
paraan ating isaalang alang ang salitang pakikiisa ang susugpo sa pandemya.
Makiisa tayong huwag makahawa sa iba sa pamamagitan ng pagsuot ng facemask.
Sa aking pagsulyap sa pandemyang kinaharap , salamat Diyos Ama, dahil
isa sa milyong pamilya sa mundo ang pamilya ko na nakisa at nakinig sa
alituntunin kayat naligtas kami sa taon ng pandemya. Bagamat hindi pa tuluyan
tapos, atin parin hikayatin ang bawat isa. Makinig at makiisa sa pagsugpo sa covid
19.

You might also like