You are on page 1of 1

COVID-19: Huwag baliwalain

Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang Covid-


19? Ang covid ay isang pandemyang nararanasan ng lahat at ito ay
nakahahawang sakit kung saan ito ay umaabot sa pagkamatay ng isang tao.
Karaniwang namamatay sa sakit na ito ay mga matatanda at mga batang
mahina na ang immune system, at mga taong may sakit sa baga. Sa kabilang
banda maraming nakalalampas sa pagsubok ng sakit na ito. Ang
pagkakaroon ng malakas na immune system ay matatawag na biyaya.
May ilang paraan na ibinigay sa atin ang Department of Health (DOH) at
World Health Organization (WHO) kung saan tayo ay makaiiwas sa pag
kahawa sa sakit na ito. Una, ang pagsasaot ng facemask at faceshield,
pagsunod sa mga protocol na inulunsad ng Inter Agency Task Force (IATF).
Ikalawa, ang pananatili sa loob ng bahay ay isang malaking tulong din.
Mabuti na kung wala ka namang importanteng gagawin sa labas ng bahay ay
ugaliing manatili na lamang kasama ang pamilya. Ikatlo, ay ang pagkain ng
masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay. Magkaroon ng sapat na
tulog, ehersisyo, at umiwas sa bisyo. Ilan lamang ito sa mga panuntunan na
tila napakahirap sundin para sa ating mga Pilipino. Oo nga at naiintindihan
namnan natin na ilan sa ating mga kababayan ay nawalan ng kabuhayan,
ngunit marapat lamang na tayo ay marunong din sumunod sa mga tagubiling
ito.
Sa dakong huli, pinakamabuti pa rin na tayo ay magpabakuna. Hindi
lamang para sa pansariling proteksyon kundi para sa proteksyon ng iyong
pamilya. Subalit, atin pa ring isaisip na ang ibayong
pag-iingat ay hindi dapat baliwalain dahil baku-
nado ka na, ang bakuna ay hindi gamot sa
sakit na ito at hindi ka sigurado kung hindi ka
mahahawa kapag may bakuna ka na.
Huwag na nating hintayin na ang isa sa
ating mahal sa buhay ay magbuwis ng
buhay ng dahil sa ating kapabayaan.

You might also like