You are on page 1of 2

“Pandemya sa ating Bansa, malulunasan pa ba?

"
_ulat ni Caira L. Bernabe_

Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong dinadagsa


Tayo ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-alala para sa iyong sarlii at
maging sa iyong mga Mahal sa buhay.
Kahit mga panahon ng kasaganahan, karaniwa’y mayroon pa ring pag-alala subalit
kakaiba ang pandemya sa ating kasalukuyang panahon.
Lubos akong naapektuhan sa mga kabi-kabilang balita tungkol sa coronavirus.
Sumakit din ang ulo ko dulot ng stress na nararamdaman ko. Hindi ko kasi
maiwasang isipin ang iba’t ibang mga puwedeng mangyari na hindi maganda.
Masasabi ko na talaga na,
Natatakot ako, at hindi ko alam kung bakit!
Natatakot ba ako dahil baka mahawa ang mga anak ko sa virus, o dahil baka ako
ang magkasakit? Natatakot ba ako dahil baka hindi muna ako makakapagtrabaho?
Natatakot ba ako dahil hindi ako makakapanood ng laro sa NBA? Natatakot ba ako
dahil nararamdaman ko rin ang nararamdamang pagkabalisa at pangamba ng mga
tao sa buong mundo simula pa noong Enero? O ang lahat ba ng mga ito ang dahilan
kung bakit ako natatakot? Natatakot ba ako dahil hindi ko na maaabot ang pangarap
ko dahil sa pandemyang ito? Natatakot ba ako dahil malayo ako sa mga pamilya ko?
O baka natatakot ako dahil maraming mga tao ang maaapektuhan ng sakit na ito.
Maraming pera ang nawala dahil sa coronavirus, bilyon o baka trilyong dolyares pa
nga. Ipinagbabawal na rin ang mga pagtitipong dadaluhan ng aabot sa 100 katao.
Maraming mga malalaking kumpanya ang pansamantalang isinarado. Inanunsiyo na
rin ng World Health Organization na ang krisis na ito ay maituturing na isa nang
“pandemic.” Wala ring tigil na pinag-uusapan ito ng mga tao, at kasama na ako roon.
Hindi natin matatakasan ang epidemyang ito dahil kabi-kabila ang naririnig o
nababasa natin tungkol dito. Alam ko na medyo bata pa ako, pero hindi ko pa
nararanasan ang mga ganitong pangyayari sa buong buhay ko.
Sa tingin ko, maaaring natatakot ka rin. O kung hindi man, maaaring
nagmamalasakit ka lang sa mga nangyayari.
Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang
umusbong tungkol sa edukasyon.
Iba’t iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa
sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba
namang tinapos ang school year.
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at
researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga lumabas na problema nitong mga
nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at kung ano ang mga hakbang na
gagawin ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa
isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol: “Ang concern ko sa survey na ito, sino
ba ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Iyong mga may
internet access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa
internet? Paano sila makakapag-participate doon di ba?”
Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na diskusyon
sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay malaki pa,
makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong school
year.
Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang iba’t ibang
pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante: “Dito talaga makikita iyong
inequality sa mga bata kasi parang… kahit na sabihin na lahat ay same lessons din
per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na
available agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng parents
kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer
para sa online classes.”
Handa na ba ang mga eskwelahan? Ano ang dapat alalahanin ng mga ahensya ng
gobyerno? Kaya mga kapwa kong mag-aaral, sama-sama nating labanan at harapin
ang pandemyang ito nang may pag-iingat at kaakibat na pagmamalasakit sa bawat
Isa nang may pagtutulungan.
Kaya bilang Isang kabataan makilahok sa mga panuntunan at mapanuri sa ating
kapaligiran Kung paano natin maprotektahan ang ating sarili at kalusugan sa
pandemyang ito. Labanan at Protektahan ang kalusugan upang Covid-19 ay
maiwasan at malinawan!

You might also like