Lumipas na ang isang taon ng school year habang may
Pandemya. Ibig sabihin ay umangat na ng isang taon ang grado ng mga estudyante nakapag-aral sa mga panahong taghirap. Sa panahong Ito marami ang mga kabataang hindi napagpatuloy Ang kanilang pagaaral pagkat karamihan sa kanila ay nawalan ng hanap buhay Lalo na ang mga pamilyang naghihirap na bago pa man magsimula ang pandemya. Sa kasamaang palad Ilan sa kanila ay naulila dahil sa virus na hangang ngayon ay patuloy na nilalabanan, marami pa din Ang maaaring mamatay, Hindi lamang Ang mga pasyenteng nahawaan ng sakit kundi ang mga taong naggagamot para sakanila at ang mag hahanap ng Lunas upang tapusin ang problema ng buong sangkatauhan. Noong kalagitnaan ng pagsibol ng sakit na Ito na tinatawag na “Covid 19” Nakakapanghina man ng loob ngunit totoong marami ang namatay habang nilalabanan ang sakit na ito, Ang tawag sakanila ay “Front liners” Saan na nga ba tayo ngayon? Matatapos naba ang pandemya? Masasabi natin na Malaki ang pinagbago Kung ikukumpara noong mga nakalipas na kalagayan ng buong Bansa, nagawa nating pag-aralin ang mga kabataan gustong mag-aral kahit sa kalagayan ngayon sa pamamgitan tulong ng mga masisipag at detirminadong mga guro at mga taong sumusuporta sa layuning pag-aralin ang mga kabataan kahit may Pandemya dahil sila ang susunod na mga bayaning magliligtas sa susunod na henerasyon at magpapatuloy pa Ito ng paulit-ulit, may ibat Ibang paniniwala man, kinagisnan, edad, at kasarian. Tayo ay may iisang kalaban na sumugat sa ating mga puso, iisa lamang Ang ating nararamdam kaya tayo'y nagkakaisa. Sa kanilang Banda Naman, bakit may handlang sa pagkakaisa? Ito ba ay dahil sa nawalan ng tiwala? Ano- ano ngaba ang Hindi natin mapagkasunduan? Isa na dito ang Hindi pagpapabakuna na dahilan bakit hangang dito lamang ang paghakbang papunta sa kinasanayan nating pamumuhay. Noon, naiisip natin na “Sana ay mabuo na ang bakuna Laban sa sakit na ito” Ano paba Ang hinihintay natin? Hindi ba ang bakuna? Ngayon ay nadito na ngunit tumatanging magpaturok.
Ipinatupad ang pagpapabakuna sa lahat ng mangagawa upang
maiwasan na ang pagkasawi ng mga tao mula sakit na nasabi, gayun din para sa lahat ng tao ngunit Hindi Ito sapilitan, nais ko lamang sabihin na Hindi tayo makakahakbang pang muli papunta sa ating layunin Kung Hindi tayo magkakaisa ukol sa pagpapabakuna. Malapit na rin ang face to face sa ilang paaralan kaya lamang Hindi Ito matutuloy kung walang bakuna ang magaaral, dahil sa maaaring harapin ng isang taong nahawaan ng sakit at dahil rin sa hinaharap, Hindi nating kayang mabawasan ng mga estudyante na magpapatuloy pa sa buhay. Kahit sa pagkakataon na ito, Tayo’y mag tiwala sa mga taong lubos na nagaral at nagtrabaho para lamang mabuo ang bakuna, Hindi paba sapat ang ilang buhay na nasawi mabuo lamang ang bakunang matagal nang hinihintay.