You are on page 1of 1

Sa Gitna ng Pandemya, Kumusta Ka?

Naaalala mo pa ba ang buhay mo bago mag-simula ang pandemya? O baka dahil sa sobrang tagal
na ng pandemya’y hindi mo na maalala kung ano ang buhay mo noon? Sabagay, mag-iisang taon na din
naman na noong nagsimula ang pandemya. Maaaring bago ito mag-simula’y kasama mo ang iyong mga
kaklase o katrabaho habang kayo’y nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan. Maaari ding ikaw ay nasa
magandang lugar habang naglalakad, nagbibiseklata, o kung ano-ano man. Basta ang nasisigurado ko
lamang ay lahat tayo’y masayang nasa labas bago mag-pandemya.
Sabi ko nga kanina, mag-iisang taon na noong nagsimula ang pandemya, ngunit hanggang
ngayo’y nasa kalagitnaan pa rin tayo. Mag-iisang taon na din na hindi nakakalabas ang iba sa kani-
kanilang bahay dahil sa quarantine. Napakadami na ding masasaya at malulungkot na nangyare sa mundo
habang ang pandemya’y kumakalat. Ilan sa mga malulungkot na pangyayare ay may mga protesta na
naganap at habang ginaganap ito’y mayroon ding mga namatay, nagkaroon din ng Ebola ngunit hindi
naman ito kumalat ng tuluyan, nagkaroon din ng mga malalakas na bagyo at pagguho ng lupa sa iba’t
ibang bansa, at marami pang iba. Ilan naman sa mga masasayang pangyayare ay ang mga miyembro ng
pamilya’y mas naging malapit sa isa’t isa, mas nakapagpahinga din ang iba mga tao at mas natutukan o
mas naalagaan nila ang kanilang sarili, at marami pang iba.
Ngunit sa kabila ng mga nangyare, kumusta ka naman kaya? Maaaring ang iba ay hindi na
malusog ang kanilang pisikal o pag-iisip na kalusugan dahil sa mga nangyare habang may pandemya.
Ngunit sana sa kabila ng mga malulungkot na nangyare ngayon ay dapat magpatuloy pa rin tayo sa buhay
at huwag sumuko dahil ang mga pangyayare ngayon ay parte lamang ng buhay at nasisigurado ko na
pagkatapos ng mga malulungkot na nangyayare ay magkakaroon ng mga masasayang pangyayare.

You might also like