You are on page 1of 1

MALAYANG PAGSASANAY

1. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa isang sulatin kapag nasunod mo ang mga proseso sa

pagsulat? Ipaliwanag na hindi bababa sa tatlong pangungusap. – Mayroong limang proseso sa

pagsusulat, ito ay ang mga bago sumulat o prewriting, pagsulat sa burador, pagrebisa, pag-

eedit, at paglalathala. Sa aking palagay, dapat lahat ng manunulat ay kailangang sundin

ito upang magkaroon ng mabisa at maayos na sulatin. Ang ating sulatin din ay mas

magmumukhang gawa ng propesiyonal kapag sinusundan natin ang proseso. Mas

magiging kawili-wili din ito sa mga mambabasa dahil ito ay mas madaling basahin at

intindihin.

2. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa isang sulatin kapag hindi mo nasunod ang mga proseso

sa pagsulat? Ipaliwanag na hindi bababa sa tatlong pangungusap. - Sa aking palagay, dapat sa

lahat ng gawain na ating ginagawa ay dapat may sinusundan tayong proseso upang mas

maayos ang ating gawain. Sa pagsulat ay meron din tayong proseso na sinusundan upang

maging mabisa ang ating sulatin. Pag hindi natin ito sinunod ay magiging hindi mabisa ang

ating sulatin. Magiging magulo ang ating sulatin at mahirap intindihin kaya ang mga

mambabasa neto ay mawawalan ng gana.

You might also like