You are on page 1of 1

PAMPAUNLAD NA GAWAIN

Ang Katangian ng Pamilyang Pilipino

Napakadaming uri ng pamilya sa mundo. Mayroong mayaman at mayroon ding hindi,

mayroong madaming problema at mayroon din naming onti, mayroong masaya at mayroon din

naming malungkot, atbp. Ngunit natatangi pa rin ang pamilyang Pilipino, dahil kahit ano mang

estado nila sa buhay, mayaman man sila o hindi, madami man silang problema o onti, ang

pamilyang Pilipino ay lagi pa ring masaya, basta’t sila ay kumpleto at sama-sama. Handa silang

magtulungan sa lahat ng problema. Halimbawa, pag may hindi naiintindihan si bunso na

leksyon sa klase, tinutulungan siya ni ate o kuya para mas maintindihan niya ito. Pwede ding

kapag naglilinis ng bahay, sama-sama silang naglilinis upang matapos agad nila ang gawain.

Hindi rin mawawala sa mga katangian ng pamilyang Pilipino ang pagiging maka-Diyos dahil sa

kahit ano mang problema na nakakaharapan ng pamilya nila ay hindi nila nakakalimutan na

magdasal at magtiwala sa Panginoon. Likas din na katangian ng pamilyang Pilipino ang pagiging

matulungin, hindi lamang sa isa’t isa kung hindi sa ibang pamilya rin. Handa silang tumulong sa

ibang pamilya, basta’t kaya nila, katulad na lamang pag may sobra silang ulam, minsan ay

namimigay sila sa mga kapitbahay na walang ulam. Ang pamilyang Pilipino din ay magalang,

marunong silang rumespeto sa ibang pamilya, nakakatanda at kapwa tao.

You might also like