You are on page 1of 1

“Sa anumag oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon

tayo, sa huli’t huli, ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.”

Isinaad sa ipinakitang talumpati ang magagandang katangian ng isang pamilyang Pilipino. Ika nga
ng nakararami, ang pamilyang Pilipino ay naiiba at natatangi. Karaniwang makikita ang pagsasama-sama
ng lahhat ng miyembro ng pamilya sa iisang tahanan, mula sa mga nakakatanda hanggang sa
pinakabatang kasapi nito. Marahil ito’y dahil sa ating pagmamahal at paniniwala na tayo’y may tungkulin
sa mga kamag-anak nating mula tayo’y mga bata pa lamang ay sa atin nang nag-alaga’t nag-aruga. Sa
pamamagitan nito makikita ang pagkakaroon ng paggalang at respeto na tinataglay ng bawat Pilipino.
Isinalaysay din ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na harapin at lampasan ang mga hamon ng
buhay. Na sa kabila ng paghihirap, nagagawa pa ring ngumiti at maging positibo. Mahalaga sa ating mga
Pilipino na ang ating pamilya ay buo at magkakasama-sama sa anumang hirap o ginhawa.

Sa kabila ng magagandang katangiang naibanggit, hindi maitatanggi na mayroong hindi kanais


nais na nangyayari sa loob ng tahanan sa bawat pamilyang Pilipino na hindi na italakay sa talumpati.
May mga pamilyang hindi sapat ang pagkakaintindihan at pagmamahal upang mapanatiling buo at
masaya ang kanilang pagsasama. May mga pamilyang nagbibilang at nagtatakda ng responsibilidad sa
bawat miyembro ng pamilya na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan.

Hindi lamang ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ang nagbibigay kahulugan sa pamilyang
Pilipino. Kasama na rito ang mga pagsubok na nararanasan at nangyayari sa bawat pamilya. Ang
pagkakaroon ng pamilya ay isang malaking tungkulin at biyaya na dapat alagaan at pahalagahan.

You might also like