You are on page 1of 4

Pamilya

Pagmamahalan. Ito ang mararamdaman mo sa iyong pamilya. Pagpapahalaga.

Ang pagbibigay importansya sa iyong pamilya. Pagrespeto. Ang iyong

matututunan sa iyong pamilya.

Pamilya ang nagbibigay pundasyon at katatagan sa relasyon na bumubuklod

sa bawat miyembro ng pamilya. Sila ang masasandalan mo sa mga panahon

na ikaw ay nahihirapan sa hamon na ipinagkaloob sa iyong buhay.

Kasagsagan man ng pagdating ng problema, pighati at kalungktan sa buhay

ay nariyan pa rin ang iyong pamilya upang ika’y bigyan ng karagdagang lakas

at panangga sa iyong nararanasan na kahirapan sa buhay. Tunay nga na

masuwerte ang batang napalaki ng maayos ng kaniyang mga magulang at

namulat sa isang masayang pamilyang na may ipinararamdam na

kahalagahan sa bawat isa.


Simula pa lamang ng ako’y isinilang sa

mundong ating kinagagalawan ay

naiparamdam na sa akin ng aking mga

pamilya at kamag-anak ang kahalagahan

ng pagkakaroon ng isang matibay na

relasyon sa bawat isa ito man ay iyong mga

magulang, tito at tita, lolo at lola, maging


ang iyong mga pinsan. Bawat isa sa amin ay nagkaroon ng hindi malilimutang alaala

na aming maipamamana sa aming mga kamag-anak o aming magiginng anak. Lubos

ang aking kagalakan na natunghayan ko kung paano magmalasakit ang aking mga

pamilya sa bawat isa na nangangailangan ng tulong,ito man ay maliit o malaking ng


bagay. Tila ba hindi lamang anga king

mga magulang at kapatid ang tinuring

kong pamilya kundi ganun na din ang

aking mga kamag-anak sapagkat lumaki

ako na “kung ano ang meron ang iyong

pamilya ay nararapat lamang na ibahagi


mo rin ito sa iyong mga kamag-anak”. Lumaki ako na malapit sa bawat mieymbro ng

aking mga kamag-anak. Nahubog ko ang aking sarili dahil sa tulong at pangaral na

ibinabahagi sa akin ng aking mga magulang at kamag-anak. Ang kanilang mga

personal na karanasan na kanilang ibinabahagi sa akin ay naging gabay ko upang


tahakin ang tamang landas sa buhay. Sa

aking pamilya ko natutunan ang

kahalagahan na hindi lamang sa pamilya

kailangan magingmabuti gayundin sa ating

kapwa. Dahil sa aming pagsasama at mga

masasayang okasyon na aming

ipinagdiriwang ay mas nakita ko ang

kahalagahan kung ang bawat isa ay wala


ng kinikimkim na poot sa kanilang mga puso at selos sa bawat isa. Masaya ang mga

naging karanasan ko sa aking paglaki kahit meron man na mga problema s aaming

pamilya ay nasosolusyonan namin ito sa maayos at malumanay na paguusap kasama

na din dito ang pagdidisiplina sa amin ng mga nakakatanda sa aming pamilya at

kamag-anak. Malalaman mo ang personalidad ng isang bata base sa kung paano sila

palakihin at nakagawian nito sa loob ng kanilang bahay dahil hindi nga maipagkakaila

na ang babaunin ng isang bata sa oras na siya ay sumampa sa tunay na galaw ng

mundo ay ang mga prinsipyo, moral at mga payo na nanggaling sa kanilang pamilya.

Ang buhay natin ay natural nang magulo at puno ng pagusbok sa buhay at kaya

andyan sa ating tabi ang ating pamilya at kamag-anak ay upang ating malaman ang

esensya ng ating pamumuhay sa pang araw-araw. Ating pahalagahan ang ating

pamilya dahil sa babalik-balikan pa rin natin ang ating pamilya sa pagtatapos ng

ating araw. Ang pamilya ay tunay na walang katuald.


REPLEKSYON

"Sa likod ng
isang kuhang
litrato ay may
kinukubling
libo-libong
kuwento"

You might also like