You are on page 1of 1

Chase D.

Vidamo
Grade-10 Almeda
Akdang Napanood: SEVEN SUNDAYS

“Pamilya, Haligi at Pahinga”


Ang pelikulang “Seven Sundays” ay tungkol sa pamilya. Nang matapos kong mapanood
ito marami talaga akong natutunan gaya ng tunay na pagmamahalan at pagiging mapagbigay sa
pamilya ng mag-asawa, ng mga magulang sa kanilang anak, ng mga anak sa magulang, at ng
magkakapatid sa isa’t isa. Ang Seven Sundays ay tungkol sa kahalagahan ng pagsasabi ng
katotohanan at higit sa lahat ang pagiging totoo sa sarili pati na rin sa pamilya. Higit sa lahat,
ang Seven Sundays ay tungkol sa paghingi ng kapatawaran at pagbabalikang-loob. Sa lipunang
ginagalawan natin ngayon, tanging ang pamilya lang ang tatanggapin tayo ng buong-buo. Hindi
maaaring palagpasin na sa kalagitnaan ng mga kaisipang ito, napakahalaga ang katayuan ng
tinuturing nating “ilaw ng tahanan” o ang ating mga ina at sa maraming pagkakataon ang
pagkawala ng kanilang nanay ay nauuwi sa pagkawatak-watak at pagkakaniya-kaniya na
nararanasan maging sa tunay na buhay.
Ang pagkamit ng pagkakaisa ng kalooban ng pamilya ay maisasakatuparan lamang sa
pamamagitan ng tunay na pag-ibig. Ang pagkakasakit na malubha ng ama ng apat na
magkakapatid na ngayon ay nasa wastong gulang na at may kani-kaniyang trabaho at pamilya
na, ay maaring magbigay ng pansamantalang dahilan upang sila’y magkasama-samang muli,
tuwing linggo, subalit hindi ito pangmatagalan. Ang pagkukunwari’t pagpapanggap ng
magkakapatid na sila’y magkakasundo at nagbibigayan, para hindi na bigyan ng karagdagang
pasanin ang ama nilang may malubhang sakit, ay gayun din, pansamantala at hindi
pangmatagalan. Maari itong maging dahilan para manumbalik ang mga alaala ng nakaraan
ngunit lahat ng ito ay peke lamang. Ang katotohanan ay gumagamot at naghihilom lamang ng
sugat kung ito’y pinunuan ng pagmamahal at pag-unawa. Kung hindi ay ito’y wumawasak at
nagpapalala ng alitan. Ganito ang nangyayari sa lipunan natin ngayon na ang mga miyembro ng
pamilya ay naglilihim sa isa’t isa.
Mahirap magsabi ng totoo kapag pinangungunahan ng takot. Ito ang naramdaman ni
tatay, halimbawa, nang malaman nyang wala pala syang malubhang sakit kung sasabihin pa ba
nya ito sa mga anak nya, na masayang muling nagkasama-sama bunsod ng sakit nyang ito.
Kailangan nito ng tunay na tapang. Subalit ito ang naging sanhi ng para tumatag ang samahan ng
pamilya na ang bawat miyembro, magulang at anak, ay totoo sa isa’t isa at nagmamahalan,
nagbibigyayan, nagso-sorry at nagpapatawaran. Ang mahalagang aral na maiuuwi mula sa Seven
Sundays ay: kailangan nating mahalin ang ating pamilya sa lahat ng oras. Sinuman ang
magtangkang maniil sa isang tao, ang pamilya ay matatag na pader na maaari mong sandalan.
Sobrang halaga talaga na kahit na tayo ay may kaniya-kaniyang pamilya na at trabo mahalaga
parin na nasisiguro natin na nakapagtatalaga parin tayo ng oras para makasama ang ating mga
pamilya lalo sa ating mga magulang na nag-iisa na lamang. Ayon nga kay Michael J. Fox
“Family is not an important thing. It's everything”.

You might also like