You are on page 1of 36

ARALIN

13 Ako si Jia Li, Isang ABC


IKALABING-TATLONG LINGGO

PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN

A. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
▪ maipaliliwanag ang mga: kaisipan; layunin; paksa; at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay;
▪ mabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan
batay sa konteksto ng pangungusap; at
▪ maipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay
sa napakinggan.

B. PANIMULA

Bawat isa sa atin ay may mga kaugalian at tradisyong nakagisnan.


Nakadepende ito kung saan tayo lumaki at nabibilang. Ngayon
matutuklasan mo ang mga kaugalian, tradisyon at mga paniniwala ng
bansang Tsina sa pamamagitan ng mababasa mong sanaysay na
pinamagatang “Ako si Jia Li, Isang ABC”. Mapagkukumpara mo ang
bansang matatalakay sa bansang iyong sinilangan, ang bansang Pilipinas.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang bansang ito?

C. PAGTALAKAY SA PAKSA
Alam mo ba?
Ang Tsina ay ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong
mundo. Umaabot na ang populasyon nito sa 1.35 bilyong katao.
Samantalang ang populasyon ng buong mundo ay umaabot sa humigit-
kumulang 6.7 bilyon. Ibig sabihin, ang halos 20% ng mga tao sa buong
Learning continues in the new normal …Page 1 of 36
mundo ay mga Tsino, at nangangahulugan ang isa sa bawat limang taong
nabubuhay sa mundo ay mula sa bansang Tsina.
Maliban sa napakabilis na paglago ng kanilang populasyon, (noong 1950,
ang kabuong populasyon ng bansang Tsina ay 563 milyon lamang kumpara
sa 1.45 bilyon ngayong 2021) ang ekonomiya ng Tsina ay naging
pinakamabilis ding umunlad sa buong mundo mula nang magsagawa sila
ng mga repormang pang-ekonomiya noong 1978. Sa taong 2013, sila na ang
itinuturing na pangalawang may pinakamalakas na ekonomiya at
pinakamalaking importer at exporter ng mga kalakal sa buong mundo.
Hindi kataka-taka kung gayon na ang impluwensiyang Tsino ay
lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lang dahil sa kanilang mg
kalakal na ini-export kundi dala rin ito ng mga Tsinong nangingibang-
bayan upang doon na manirahan. Ito ang paksang tatalakayin ng sanaysay
na iyong matutunghayan.

Ako si Jia Li, Isang ABC

Ako si Jia Li, labinlimang taong gulang at isang ABC. Mahuhulaan mo ba


kung ano ang ABC? Ang ABC ay American Born Chinese, ang karaniwang
katawagan sa mga tulad kong may magulang na Tsino subalit ipinanganak
at lumaki rito sa Amerika. American-Chinese ang tawag sa akin ng marami.
Ipinanganak at lumaki ako rito sa Los Angeles, California subalit parehong
Tsino mula sa Beijing, China ang aking magulang. Paano nga ba ang buhay
ng isang ABC? Naku, masasabing mapalad ako dahil nararanasan ko ang
kultura ng dalawang bansa. Unang-una, mahusay ako sa wikang Ingles at
ito ang ginagamit ko kapag nasa labas ako o kapag kausap ko ang aking
mga kaibigan, kaklase, at maging ang pinakamatalik kong kaibigang si Lian
na isa ring ABC. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang
kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming magkapatid. Kapag
nasa loob na ako ng bahay ay Mandarin Chinese na ang salitang ginagamit
ko at ginagamit din ng iba pang miyembro ng aking pamilya.

Learning continues in the new normal …Page 2 of 36


Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California
Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Hindi tulad ng mga
kaibigan kong purong Amerikano na gustong mabuhay agad nang mag-isa
pagsapit nila sa tamang edad, kami ay hindi basta bumubukod sa aming
magulang kahit pa nga nag-asawa at may mga anak na. Pangkaraniwan na
lang sa aming mga Tsino na magkakasama sa isang tirahan ang pamilya
hanggang sa ikaapat na henerasyon. Katunayan, dito sa aming bahay nga
ay kasama namin ang Wai Po o lola ko na pinestisyon ni Mama noong ako
ay limang taong gulang pa lang. Mula pa noong bata ako ay si Wai Po na
ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking mga magulang
at ang dalawang nakatatanda kong kapatid. Ngayon ay may asawa na ang
aking gege o kuya pero kasama pa rin namin siya sa bahay gayundin ang
asawa niya at ang kanilang mag-iisang taong anak na si Sheng. Inaalagaan
namin ni Wai Po si Sheng kapag wala ang kanyang magulang. Ang aking
Jie jie o ate ay dito pa rin nakatira kahit na siya’y tapos nang mag-aral at
may trabaho na.

Si Wai Po at Ako
Kami ng aking Wai Po, ang pinakamalapit sa isa’t isa. Marami siyang
naiturong kultura at tradisyong Tsina sa akin. Isa sa mga ito ay ang
kalagayan ng kababaihan sa tradisyonal na kulturang Tsina kung saan ang
mga lalaki ay itinuturing na nakatataas kaysa sa mga babae. Tulad ng
sinasabi sa aklat ng The Mother of Mencius, ang katungkulan ng isang babae
ay manatili sa bahay para magluto, mag-init ng alak, mag-alaga sa kanyang
biyenan, manahi ng mga kasuotan, at wala na! Kailangan niya ring sundin
ang tatlong pagsunod tulad ng unang pagsunod: Kapag siya’y bata pa,
kailangan niyang sumunod sa magulang; ikalawang pagsunod: kapag
siya’y may-asawa na ay dapat siyang sumunod sa kanyang asawa; at ang
ikatlong pagsunod: kapag siya’y nabalo na ay kailangan niyang sumunod
sa kanyang anak na lalaki. Dahil daw dito, maraming kababaihan sa Tsina

Learning continues in the new normal …Page 3 of 36


ang ni hindi nakapipili ng kanilang mapapangasawa dahil sa ang
magulang ang pumipili at nakikipagkasundo sa mapapangasawa ng
kanilang anak na babae.

Ilang Paniniwala at Tradisyong Tsino


Maraming iba pang bagay na naibahagi ang aking Wai Po tungkol sa
kanyang minamahal na bansa. Mayaman ang Tsina sa paniniwala at
tradisyong nagmula pa noong unang panahon at patuloy na isinasagawa
hanggang sa kasalukuyan. Katunayan, ang marami rito ay sinusunod pa
rin ng aming pamilya kahit pa matagal na kaming naninirahan dito sa
Amerika. Sinasabi ni Wai Po na maraming Tsino ang sumusunod sa mga
feng shui dahil ito raw ay gabay para maisaayos ang pamumuhay nang
naaayon sa limang elemento ng kalikasan: ang kahoy, apoy, lupa, metal, at
tubig. Makatutulong daw ito sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan,
kaligayahan, at kaayusan sa buhay. Kaya naman bago pa simulan ang
pagtatayo ng aming tahanan ay kumonsulta na ang aking magulang sa
isang eksperto sa feng shui para malaman kung saan pinakasuwerteng
ilagay ang mga bahagi ng bahay. Maliban dito ay marami pang pamahiin
at paniniwala kaming sinusunod tulad halimbawa ng posisyon ng chopstick
kapag kumakain. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai Po na
hinding-hindi ko dapat itusok nang patayo sa gitna ng kanin ang aking mga
chopstick dahil ito raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Marami pang
ibang paniniwala ang sinusunod naming sa mga okasyong tulad ng kapag
may ikinakasal, sa mga paglilibing, sa pagdiriwang ng Bagong Taon, at iba
pa.
Subalit hindi lang si Wai Po ang nagtuturo sa akin. Siya man ay tinuturuan
ko rin ng kulturang Amerikano. Isinasama ko siya minsan sa panonood ng
football at pagkatapos ay kumakain kami ng hotdog, hamburger, at ng iba
pang pagkaing Amerikano. Sinesermunan nga lang ako ni Mama dahil
mamantika raw ang mga ito at baka makasama sa kalusugan ni Wai Po.
Ako rin ang nagturo sa kanyang mag-Ingles. Nakakatuwa dahil pagkalipas

Learning continues in the new normal …Page 4 of 36


ng sampung taon niya pagtira rito sa Amerika ay may marami-rami na
siyang alam na salitang Ingles. Pumayag naman siyang matuto dahil kapag
lumalabas kami at napahiwalay siya ay baka hindi na siya makauwi sa
bahay kung hindi siya makapagsasalita nang kahit basic English man lang.
At di tulad ng ibang matatandang Amerikano na sa mga home care tumitira
kapag hindi na kayang mag-isa sa bahay, hinding-hindi namin papayagang
malayo sa amin si Wai Po. Tiyak na malulungkot siya roon at malulungkot
din ako dahil kaming dalawa ang magkasama sa silid.

Ang Kainan sa Pamilya


Tulad ng karaniwang pamilyang Tsino, ang aming pamilya ay
nagbubuklod sa iisang hilig – ang kumain. Sabay-sabay kaming kumakain
sa aming pabilog na mesa. Sa kaugalian namin ay dapat una munang
pauupuin ang mga nakatatanda at mga bisita (kung mayroon) bilang
pagpapakita ng paggalang, kasunod ang pinakabata tulad ni Sheng, tapos,
kami naman. Hindi nawawalan ng noodles, wanton soup, lugaw, iba’t ibang
uri ng dumplings, kanin, at mga ulam tulad ng sweet and sour pork, breaded
fish fillet, at lumpia sa aming hapag bagama’t ang mga pagkaing mamantika
ay iniluluto lamang ni Mama para sa aming mga bata. Mas gusto nilang
mga nakatatanda ang pagkaing pinasingawan o steamed kaysa piniprito o
nilalagyan ng mantika. Sa paghahanda ng pagkain, ang higit na
binibigyang-pansin ng mga Tsinong tulad namin ay ang lasa, kulay, amoy,
at itsura. Hindi gaanong inihahain ang matatamis na pagkaing Amerikano
tulad ng cookies, cakes, pies, at ice cream. Ang mga ito’y inihahanda lamang
kapag may espesyal na okasyon. Ang karaniwang panghimagas namin ay
ang red bean soup, sweet white lotus’s seed soup, o steamed papaya soup, o kaya’y
prutas.

Learning continues in the new normal …Page 5 of 36


Ang Piging sa Aming Pamilya
Kapag may ipinagdiriwang kaming espesyal na okasyon tulad ng Chinese
New Year, kasalan, graduation, kaarawan, o kapag may bisita kami ay
nagiging abala ang lahat sa paghahanda ng mula sa sampu hanggang
labindalawang putahe. Karaniwang nagsisimula ang ganitong mga
handaan sa mga pampagana tulad ng jellyfish salad, tokwa’t baboy, at sabaw
tulad ng shark’s fin o bird’s nest. Ang mga ulam naman ay kinabibilangan ng
mga espesyal na mga resipe ng pamilya para sa pagluluto ng alimango,
sugpo, malalaking isda, hipon, itik, tupa, baka, manok, at gulay. Hindi rin
mawawala ang mga sariwang prutas. Ang mga okasyong ito ay espesyal
dahil sa pagkakataon din ito para magkita-kita at magbalitaan,
magkuwentuhan, at magtawanan kaya naman piging o bangkete ang
inihahanda at hindi pangkaraniwang mga pagkain lang. Sa ganitong mga
pagkakataon nailalabas ang pinakamagagandang gamit sa kainan at may
tamang pagkakasunod-sunod sa paghahain ng mga putahe.

Proud ABC
Iyan ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki kong ako’y isang ABC o
American Born Chinese. Sabi nga ng kaibigan kong si Lian, “We have the best
of both worlds.” Natuto akong gumalang at maging higit na bukas sa
pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi, tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang
makasasama. Ipinagmamalaki kong dala-dala ko ang pagiging episyente,
maunlad, at modern ng bansang sinilangan ko, ang Amerika, subalit taglay
ko rin ang ganda at halina ng makulay at mahabang tradisyon at kultura
ng bansang sinilangan ng aking magulang, ang bansang Tsina.
(Para mapanood ang buong aralin gamitin ang youtube link na ipapasa ng guro sa
inyong group chat).

Learning continues in the new normal …Page 6 of 36


KARAGDAGANG PAGKATUTO

AKTIBITI Blg. 13.1

Panuto: Kilalanin ang mga kaisipan, layunin, at paksang ginamit sa


sanaysay. Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na nagamit sa sanaysay at ng
ekis (X) sa mga bahaging hindi nakita sa sanaysay. Ipaliwanag o patunayan
ang mga sagot na nilagyan mo ng tsek (/) sa pamamagitan ng pagsasabi
kung saang bahagi ng sanaysay ito nabigyang-diin. Gawin ito sa inyong
sagutang papel. (5 puntos bawat bilang)

1. Ang mga American-Chinese ay patuloy na nagsasagawa ng


kanilang mga kaugalian, kultura, at tradisyon kahit pa sila ay
matagal nang naninirahan sa America.
Paliwanag: _______________________________________________
2. Maraming hinanakit ang batang American-Chinese sa
diskriminasyon at uri ng pakikisamang ipinakita sa kanya ng
mga purong Amerikano sa kanyang paligid.
Paliwanag: _______________________________________________
3. Ang malalaking okasyon sa buhay ng mga Tsino ay labis nilang
pinahahalagahan at ipinagdiriwang sa pamamagitan ng piging
na pinaghahandaan nang mula sampu hanggang labindalawang
uri ng putahe.
Paliwanag: _______________________________________________

AKTIBITI Blg. 13.2

Panuto: Minsan, ang ilang salita ay may di lantad na kahulugan o iyong


ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita. Subuking tukuyin
kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng sumusunod. Lagyan ng tsek
(/) ang pahiwatig na kahulugang maiuugnay sa bawat pahayag. Gawing

Learning continues in the new normal …Page 7 of 36


gabay ang mga salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. (2 puntos bawat bilang)

1. Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kaming mga anak ay


hindi basta bumubukod sa aming magulang kahit pa may sariling pamilya
na. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
malapit ang mga pamilyang Tsino sa isa’t isa
independent o mas gustong mamuhay nang mag-isa ang mga Tsino
hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga Tsino

2. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang


Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming magkakapatid. Ipinahihiwatig ng
pahayag na ito na…
mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay
hindi nahahawa ng ibang impluwensiya ang mga Tsino
malakas ang impluwensiyang Tsino sa kanyang mga mamamayan

3. Mula pa noong bata ako ay si Wai Po na ang lagi kong kasa-kasama kapag
nasa trabaho ang aking magulang at ang dalawang nakatatanda kong
kapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
ang lola ang naging tagapag-alaga ng bata sa pamilya
hindi mapag-aruga ang magulang ng bata
alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailangan

4. Hinding-hindi naming papayagang malayo sa amin si Wai Po. Tiyak na


malulungkot siya roon at malulungkot din ako dahil kaming dalawa ang
magkasama sa silid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
nagpapaalam na ang kanyang Wai Po upang lumipat ng tirahan
mahal na mahal ng bata ang kanyang Wai Po
mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag-alaga nila
ng anak

Learning continues in the new normal …Page 8 of 36


5. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai Po na hinding-hindi
ko dapat itusok sa gitna ng kanin ang aking mga chopsticks dahil ito raw ay
nangangahulugan ng kamatayan. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
hindi naniniwala sa pamahiin ang bata
makaluma ang pamilya
mapamahiin ang mga Tsino

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti bawat katanungan at isulat ang letra ng tamang


sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sino ang mananalaysay sa sanaysay na iyong nabasa ang “Ako si Jia


Li, Isang ABC”?
a. Jia Li b. Lian c. Sheng d. Wai Po
2. Ano ang tawag ng mga Tsino sa kanilang lola?
a. Gege b. Jie jie c. Sheng d. Wai Po
3. Gaano karami ang populasyon nang bansang Tsina na tinaya
ngayong taong 2021?
a. 563 milyong katao c. 1.35 bilyong katao
b. 863 milyong katao d. 1.45 bilyong katao
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa limang elemento ng
kalikasan sa bansang Tsina?
a. apoy b. hangin c. lupa d. tubig
5. Sa huli ng sanaysay, sino ang nagwika nito “We have the best of both
worlds”?
a. Gege b. Jia Li c. Jie jie d. Lian
6. Alin sa mga sumusunod na okasyon ang hindi kabilang sa mga
paniniwala ng mga Tsino?
a. kapag may ikakasal c. pagdiriwang ng Bagong Taon
b. sa paglilibing d. sa pagsasagawa ang fiesta

Learning continues in the new normal …Page 9 of 36


7. Alin sa mga sumusunod ang isa sa hindi kailangang sundin ng mga
babaeng Tsino?
a. Kapag siya’y bata pa, kailangan niyang sumunod sa
magulang.
b. Kapag siya’y dalaga pa, kailangan niyang sumunod sa
kanyang kapatid na lalaki.
c. Kapag siya’y may-asawa na, kailangan niyang sumunod sa
kanyang asawa.
d. Kapag siya’y nabalo na, kailangan niyang sumunod sa
kanyang anak na lalaki.
8. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi tinutusok ng
patayo ng mga Tsino ang kanilang chopstick sa gitna ng kanin?
a. mamalasin sila c. hindi magkakaanak
b. may mamamatay d. hindi matatanggap sa trabaho
9. Bakit halos lahat ng mga Tsino ay naglalagay ng feng shui?
a. Gabay para maisaayos ang pamumuhay.
b. Gabay upang makaakit ng swerte
c. Gabay para sa magandang kinabukasan
d. Gabay para sa kaligayahan ng bawat isa
10. Alin sa mga sumusunod na aklat ang nagsasaad ng katungkulan ng
mga babaeng Tsina sa kanilang tahanan?
a. Book of Life c. Mother of Mencius
b. Book of China d. Mother of Law

HUSAY SA PAGPAPAKATAO
REPLEKSYON

Ano kaya ang layunin ng may-akda sa paglalahad ng kanyang mga


opinyon o pananaw tungkol sa paksang tumatalakay sa kalagayan at uri ng
pamumuhay ng mga taong nagma-migrate o naging dayuhan sa ibang
bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot ng hindi hihigit sa sampung
pangungusap. Gawin ito sa inyong sagutang papel. (5 puntos)

Learning continues in the new normal …Page 10 of 36


Paggamit ng Angkop na
ARALIN Pahayag sa Pagbibigay ng
14 Sariling Opinyon o Pananaw
IKALABING-APAT NA LINGGO

PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN

A. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
▪ magagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi;
▪ makasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa
lipunang Asya; at
▪ maipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan.

B. PANIMULA

Tulad ng dalawang karakter na sina Lian at Jia Li sa sanaysay na inyong


natalakay na “Ako si Jia Li, Isang ABC”, sa araw-araw nating pakikipag-
usap sa ating kapwa ay madalas na nakapagbibigay tayo ng sarili nating
opinyon o pananaw tungkol sa isang bagay. Sa pagkakataong ito,
tatalakayin natin ang mga paggamit ng angkop na mga pahayag sa
pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw.

Learning continues in the new normal …Page 11 of 36


C. PAGTALAKAY SA PAKSA
Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon
o Pananaw
Tandaan ang sumusunod sa paglalahad ng opinyon o pananaw:
❖ Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong
pananaw sa pananaw ng iba. Sabi nga ng isang kasabihang Ingles,
“You can disagree without being disagreeable.”
❖ Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi
man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag
mo rin ang iyong pinaniniwalaan.
❖ Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong
pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw.
❖ Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling
kailangan mo namang sumalungat.
❖ Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa
katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos.
❖ Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan
ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw. Kung sakaling
magpapahayag ng opinyon sa isang pormal na okasyon, gumamit
ka rin ng pormal na pananalita at huwag mong kakalimutang
gumamit ng katagang “po” at “opo.”
❖ Makikita sa ibaba ang ilang angkop na pahayag na maaari mong
gamiting panimula sa pagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw.
▪ Sa aking palagay…
▪ Sa tingin ko ay…
▪ Para sa akin…
▪ Kung ako ang tatanungin…
▪ Ang paniniwala ko ay…
▪ Ayon sa nabasa kong datos…
▪ Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
Learning continues in the new normal …Page 12 of 36
▪ Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…
▪ Nasa iyo ‘yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking
pananaw subalit…
▪ Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
▪ Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?

Pagtatalumpati
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang
layunin ay maakit at mahikayat ang mga nakikinig sa sariling ideya,
opinyon, at saloobin ng nagsasalita tungkol sa paksang tinatalakay. Upang
maging mabisa ang pagtatalumpati, mahalagang malaman at magamit ang
iba’t ibang uri ng pagpapahayag:

1. Paglalahad – naglalayong magpaliwanag at maglahad


Mga Halimbawa:
• Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay
51% o 2% na mas mataas kaysa kalalakihan.
• Maraming ebidensiya na ang mga mag-aaral na sanay na
sa kaniyang unang wika ay madaling makababasa ng
ibang wika.
2. Pagsasalaysay – naglalayong magsalaysay ng mga pangyayari
Mga Halimbawa:
• Ang kalagayan ng kababaihan sa tradisyonal na kulturang
Tsina na kung saan ang mga lalaki ay itinuturing na
nakatataas kaysa sa mga babae.
• Noong ako’y nasa hayskul, halos ayaw ko nang pumasok
dahil hindi ko maintindihan ang titser ko na panay Ingles
ang gamit na wika.

Learning continues in the new normal …Page 13 of 36


3. Pangangatwiran – naglalayong mangatwiran at dumipensa.
Mga Halimbawa:
• Ang mga kababaihang Tsina ay kailangang sumunod sa
sinasabing aklat ng “The Mother of Mencius” na nagsasaad
ng katungkulan nila bilang isang babae.
• Dapat isapuso ang layuning mapataas ang antas ng
wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto sa wikang Ingles,
sapagkat ang Filipino ay bahagi ng ating sariling kultura,
na ating pagkakakilanlan.
4. Paglalarawan – naglalayong ipakita o sabihin ang kabuuang
anyo ng isang tao, lugar, o pangyayari
Mga Halimbawa:
• Ang kanilang kompanya ay hindi makatarungan at hindi
patas sa pagtrato sa kababaihan.
• Ang kupas at maiksi niyang pantalon ay nagpapakita na
siya ay salat at dukha.
(Para mabasa at matalakay pa ang aralin, buksan ang inyong librong Punla 9,
pahina 92-93).
(Pwede din gamitin ang youtube link na ipapasa ng guro sa inyong group chat para
mapanood ang pagtalakay sa kuwento)

KARAGDAGANG PAGKATUTO

AKTIBITI Blg. 14.1

Panuto: Ikaw naman ngayon ang magbigay ng sarili mong opinyon o


pananaw tungkol sa paksang pinag-uusapan nina Jia Li at Lian sa sanaysay
na natalakay nyo noong nakaraaang linggo na pinamagatang “Ako si Jia Li,
Isang ABC.” Basahin mo munang mabuti ang teksto at saka ilahad ang
iyong pananaw. Gawin ito sa inyong sagutang papel. (20 puntos)

Learning continues in the new normal …Page 14 of 36


Ang bansang Tsina ay sinasabing isa sa mga
pinakamatandang sibilisasyon. Dahil dito, taglay rin nito ang
mahaba at makulay na tradisyong hindi lang namamayani sa
bansang Tsina kundi nakaimpluwensiya na rin sa iba’t iba pang
panig ng mundo. Makikita rin sa paniniwala ng ibang bansa ang
mga pamahiing nagmula sa Tsina. Nadadala ito ng mga Tsinong
nandarayuhan sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Sa ngayon, ang
mga pamahiing tulad ng mga nasa ibaba ay pinaniniwalaan na rin
ng mga Pilipino.

❖ Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng


kanyang damit pangkasal dahil maaaring dahil dito’y hindi
matuloy ang kasalan.
❖ Pinaiiwas ang babaeng buntis sa pagtingin, pananakit, o
pagkagalit sa mga hayop na hindi maayos ang itsura
sapagkat maaaring makuha ng kanyang ipinagbubuntis
ang ganoong itsura.
❖ Kapag bumisita sa isang lamay ay pumunta muna kung
saan sa halip na dumiretso agad sa bahay para maiwasang
maiuwi sa tahanan ang kaluluwa ng yumao.
❖ Pinaiiwas ang mag-nobyong malapit nang ikasal ang
paglalakbay sa malalayong lugar sapagkat malapit daw sila
sa aksidente.

1. Sa aking palagay ___________________________________________


2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay ___________________________
3. Ayon sa aking karanasan ____________________________________
4. Ang paniniwala ko ay _______________________________________
5. Hindi ako sumasang-ayon na ________________________________

Learning continues in the new normal …Page 15 of 36


AKTIBITI Blg. 14.2

Panuto: Tulad ng magulang ni Jia Li sa binasang sanaysay ay paparami rin


nang paparami ang mga Pilipinong nangingibang-bansa upang doon
magtrabaho. Maraming bata ang naiiwan ng magulang para makaipon at
mapaghandaan ang kanilang kinabukasan. Ano ang opinyon o pananaw
mo sa ganitong kalakaran? Sumasang-ayon ka ba o sumasalungat?
Ipahayag ang iyong opinyon o pananaw sa isang talatang binubuo nang
hindi bababa sa sampung pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. (10 puntos)

PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ng isang maikling talumpati tungkol sa “Kalagayan ng


Edukasyon ngayong panahon ng Pandemya. Ipahayag ang iyong sariling
pananaw at paninindigan ukol sa isyu gamit ang iba’t ibang uri ng
pagpapahayag. Isulat ito sa long bond paper.
(Pagkatapos itama ng guro ang iyong talumpati, ibabalik ito sa iyo upang
matalumpati. Mapapanood at mapapakinggan ito ng iyong guro sa pamamagitan
ng ipapasa mong video recording ng iyong gawa. Ito ang magsisilbi mong proyekto
sa Filipino 9 ng ikalawang markahan. Ipapasa ng guro ang pamatayan para dito sa
inyong group chat).

PAGTATAYA

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat ang letra ng


tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa isang sining ng pagsasalitang pagpapahayag na ang


layunin ay maakit at mahikayat ang mga nakikinig sa sariling ideya,
opinyon, at saloobin ng nagsasalita tungkol sa paksang tinatalakay.
a. Pakikipagdebate c. Pagtatalumpati
b. Pakikipanayam d. Pangangatwiran
Learning continues in the new normal …Page 16 of 36
Para sa bilang 2-5, piliin kung anong uri ng pagpapahayag ang mga
sumusunod na halimbawa.

2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mga mag-


aaral ay sapagkat hindi sila nagbalik-aral.
a. Paglalahad c. Pangangatuwiran
b. Pagsasalaysay d. Paglalarawan
3. Noong unang panahon, hindi pinapayagan ang mga kababaihan na
makapag-aral.
a. Paglalahad c. Pangangatuwiran
b. Pagsasalaysay d. Paglalarawan
4. Dapat laging isapuso at isagawa ang mga kultura at tradisyon na
mayroon tayo bilang isang Pilipino.
a. Paglalahad c. Pangangatuwiran
b. Pagsasalaysay d. Paglalarawan
5. Ang pamahalaan na kanyang sinilangan ay hindi patas na pagtingin sa
mga mahihirap at mayayaman.
a. Paglalahad c. Pangangatuwiran
b. Pagsasalaysay d. Paglalarawan

B. Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na pagpapahayag ng opinyon


o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung angkop
at ng ekis (X) kung hindi sa mga binasa nating pamantayan. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.

1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan


ang magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may asawa na
para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.

Learning continues in the new normal …Page 17 of 36


2. Hindi ako sumasang-ayon na tumira pa rin ang anak na may
asawa na sa bahay ng kanilang magulang. Dapat kapag nag-
asawa na ang tao ay bumubukod na sila at matutong tumayo sa
sarili nilang mga paa.

3. Mali ka talaga, eh. Kung gusto kong tumira sa magulang ko, may
magagawa ka?

4. Nasa iyo iyan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw


subalit maging sa Bibliya ay sinasabing “Dahil dito’y iiwan ng
lalaki ang kanyang ama at ina, at magsama sila ng kanyang
asawa at sila’y magiging isa.”

5. A, basta, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.

HUSAY SA PAGPAPAKATAO

REPLEKSYON

Bakit mahalagang pag-aralan ang paggamit ng angkop na mga pahayag sa


pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw? Paano mo ito magagamit sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan? Ipaliwanag ang iyong sagot ng
hindi hihigit sa sampung pangungusap. Isulat ito sa inyong sagutang
papel. (5 puntos)

Learning continues in the new normal …Page 18 of 36


ARALIN Hashnu, Ang Manlililok ng
15 Bato
IKALABING-LIMANG LINGGO

PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN

A. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
▪ masusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay;
▪ magagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng
mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento; at
▪ mabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang
kuwento.

B. PANIMULA
Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos na may natatanging kakayahan, talento,
at pangarap sa buhay. Subalit hindi lahat ng ating pangarap sa buhay ay
maaari nating abutin o kung minsan ay maaabot man natin ay baka hindi
kayanin. Ito ang isa sa inyong matutunghayan sa pangunahing tauhan ng
akdang tatalakayin sa araling ito – si Hashnu. Tunghayan sa kuwento
kung paanong ang kanyang mga pangarap ay kanyang nakuha ngunit sa
bandang huli ay pinili niya pa rin kung ano at sino ang talagang siya.

C. PAGTALAKAY SA PAKSA
Alam mo ba?
Ang akdang iyong babasahin ay mula sa bansang Tsina, ang isa sa mga
pinakamalalaking bansa sa buong daigdig. Ito ay may sumasakop sa 90
porsiyentong lupain ng Silangang Asya.
Learning continues in the new normal …Page 19 of 36
Isang mapangaraping Tsino ang makikilala mo sa kuwentong babasahin.
Ito ang isa sa magandang katangian nilang nagpaangat sa kanilang buhay
kasama ng kasipagan. Napatunayan na ito nang maraming beses maging
ng mga Tsino na nanirahan sa ating bansa. Sa katunayan ang
pinakamayamang tao sa Pilipinas sa loob ng anim na taon hanggang sa
kasalukuyan ay mula sa mga lahi ng mga Tsino. Nangunguna sa kanila si
Henry Sy, ang may-ari ng SM Malls at SM Prime Holdings. Kasunod niya
sa puwesto sina Lucio Tan na may-ari ng Philip Morris Fortune Tobacco, at
ng Philippine Airlines o PAL, si John Gokongwei Jr. ng JG-Summit, at
Roberto Ongpin ng Atok-Big Wedge. Sila ang mga Pilipinong-Tsino na
nagpakitang sa pamamagitan ng simpleng pangarap at sipag at tiyaga sa
buhay, ang mga dating mangangalakal sa daan ay naging pangunahing
negosyante sa bansa.

Hashnu, ang Manlililok ng Bato


(Maikling Kuwento mula sa Tsina)

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay


naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-
uukit ng bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-
araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansing
buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang
araw ay nasambit niya sa sarili, “Naku! Pagal na pagal na ang aking
katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang
ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait
at maso rito araw-araw. Uupo lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na
kailangang magdala ng maso paroo’t parito araw-araw sa kalsada.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang
panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nang nagkakagulo ang mga tao
sa daang malapit sa kanyang inuukit ay nakita niyang naroon pala ang hari.
Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos
ang pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari.
Sa kaliwa naman ay nakita niya ang mga tagasunod nitong gumagawa ng
Learning continues in the new normal …Page 20 of 36
paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu, nag-
isip siyang maganda palang maging hari at magkaroon ng mga alalay na
sundalo at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may
narinig siyang tinig, “Magiging hari ka.”
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si
Hashnu. “Hindi na ako taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan
na may hawak na pait at mabigat na maso. Isa na akong hari na nakasuot
nang baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga sundalo, at may
tagasunod na pawang mapitagan sa akin.” Mayabang siya sa paglakad
kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulo
na umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo.
Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng
araw. Naisip niya kaya palang panghinain at talunin ng araw ang
makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip: “Mas
makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking katawan!”
Naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong
muli na siya’y nakarinig ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging
Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang
matindi sa kalupaan. Hindi siya sana’y magbigay ng sinag ng liwanag kaya
ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga
nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa
pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw
hanggang sa mapansin niyang ang ulap pala ay maaaring makulob sa
pagitan ng Araw at ng mundo. Napatunayan niya na higit na
makapangyarihan ang ulap sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang
sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang maging ulap.
Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa
paraang ulan sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi
niya napigilan ang pagbagsak ng dami ng ulan. Ang matinding ulan ang

Learning continues in the new normal …Page 21 of 36


naging sanhi naman ng pagkamatay ng mga halaman at iba pang
nabubuhay sa daigdig. Maging ang malakas na hangin ay naging sanhi ng
pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan at ang
mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin sa mga bato
na hindi man lang natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga
sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan at hangin at maging
matinding sikat ng araw.Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang
maging isang bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang
narinig upang sabihing siya’y maging isang Bato. Nang siya ay Bato na,
narinig niyang muli ang tunog ng pait habng ito’y ipinupukpok sa kanya.
Pati na rin ang maso naramdam niya na malakas na tumatama sa kanyang
katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natibag sa malakas
na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan ng anumang anyo ng
isang manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang
pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si
Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa
dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at
nagsisimula na namang humigis ng iba’t ibang anyo ng mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu.
Panatag ang kanyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.
(Para mapanood ang buong aralin gamitin ang youtube link na ipapasa ng guro sa
inyong group chat).

Iba Pang Uri ng Maikling Kuwento


Marami pang iba’t ibang uri ng kuwentong kinaiibigan basahin nang
marami tulad ng mga nasa ibaba.

1. Kuwento ng Pag-ibig – Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng


pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.

Learning continues in the new normal …Page 22 of 36


2. Kuwento ng Katutubong Kulay – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang
paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon; at ang
uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan
sa nasabing lugar. Isang halimbawa ng kuwentong ito ang “Suyuan sa
Tubigan” ni Macario Pineda.
3. Kuwento ng Katatakutan – Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay
sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na
nalikha ng mga pangyayari sa katha.
4. Kuwento ng Kababalaghan – Naglalaman ang kuwentong ito ng mga
pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng
kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang mga kuwento sa komiks ukol sa
mga nuno sa punso, multo, at aswang ay ilan lamang sa halimbawa ng
ganitong kuwento.
5. Kuwento ng Katatawanan – Ang mga galaw ng pangyayari sa
kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin, at may himig
na nakatatawa ang akda.
(Ang mga halimbawa ng uri ng maikling kuwento na ito ay mapapanood nyo sa
youtube link na ipapasa ng guro sa inyong group chat).

Pagsasalaysay
(Ang Pagsulat ng Kuwento)

Ang maikling kuwento ay isang halimbawa ng pagsasalaysay. Ang


pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning ikuwento
ang mga kawil na pangyayari na maaaring pasalita o pasulat. Ito ay isa sa
mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa
kanyang kapwa. Ang pagsasalaysay ay maaaring ibatay sa sariling
karanasan, nasaksihan o napanood, napakinggan o nabalitaan, nabasa, at
maaari ring likhaing-isip lamang. Sa paglikha ng isang salaysay, ang may-
akda ay dapat na maging malikhain, at magtaglay ng malawak na
imahinasyon sa paglikha ng bisa ng simula at wakas. Narito ang mga

Learning continues in the new normal …Page 23 of 36


katangiang dapat taglayin ng isang talatang nagsasalaysay na isasaalang-
alang mo sa iyong pagsusulat.
1. May Maganda o Mabuting Pamagat – Ito ay dapat na maging
maikli lamang, hindi katawa-katawa at lumilikha ng
pananabik.
2. May Mahalagang Paksa o Diwa – Kinakailangang ito ay
kapupulutan ng aral at maging kapaki-pakinabang sa babasa.
Ito rin ay dapat na nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa
mga babasa o makikinig o kaya naman ay naiuugnay sa
kanilang karanasan o kalagayan na makatutulong sa pag-
unlad ng kanilang pagkatao.
3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari – Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-
uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng mga
gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.
4. May Kaakit-akit na Simula – Ang unang pangungusap ng
salaysay ay dapat na makalikha ng pananabik sa babasa o
makikinig upang makuha ang atensiyon at interes nito
hanggang sa matapos niya ang pagbabasa o pakikinig.
5. May Kasiya-siyang Wakas – Kinakailangang ang wakas ay
nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang
magkaroon ito ng bisa.
Sa kabuoan, ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat magtaglay ng
sumusunod na katangian upang ito ay maging mabisa:
1. Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng
kaisahan.
2. Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang
pangyayaring isinasalaysay.
3. May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang
mga pangyayari.

Learning continues in the new normal …Page 24 of 36


4. May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa
bumabasa o nakikinig.
Sa pagsulat ng kuwento ay maaari ring isaalang-alang ang tatlong uri ng
pananaw o paningin sa pagsasalaysay. Dito nababatid kung sino ang
naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kuwento.
1. Unang Panauhang Pananaw (First Person Point of View) –
Ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari ay
gumagamit ng unang panauhan o ng panghalip panaong
ako. Maaaring ang nagsasalaysay na gumagamit ng ako
ay isa sa mga tauhan ng kuwento o maaari ring ang awtor
mismo.
Halimbawa: Ako si Jia Li, labinlimang taong gulang at
isang ABC.
2. Ikatlong Panauhang Pananaw (Third Person Point of View)
– ang tagapagsalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit
ng panghalip panaong siya. Sa ganitong uri ng pananaw
ay limitado lamang sa nakikita ng tagapagsalaysay ang
kanyang nailalahad. Hindi niya kasi mababasa ang iniisip
ng tauhan gayundin ang damdaming taglay ng mga ito.
Halimbawa: Marami siyang naiturong kultura at
tradisyong Tsina sa akin.
3. Maka-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point of View) – ang
tagapagsalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit din ng
panghalip panaong siya o sila subalit sa pagkakataong ito,
hindi lamang limitado ang kanyang pagsasalaysay sa
nakikitang panlabas na kilos ng mga tauhan. Maaari rin
niyang mabasa ang isipan at matukoy ang damdamin ng
mga tauhan.
Halimbawa: Nakakatuwa dahil sa paglipas ng sampung
taon niya pagtira rito sa Amerika ay marami-rami na
siyang alam na salitang Ingles.

Learning continues in the new normal …Page 25 of 36


KARAGDAGANG PAGKATUTO

AKTIBITI Blg. 15.1

Panuto: Ang akdang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” ay isang


kuwentong punumpuno ng kababalaghan. Ito ay naglalaman ng mga
pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat ito ay sumasalungat sa batas
ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Gayundin naman, maibibilang din
ang akdang ito bilang isang halimbawa ng isang maikling kuwento ng
katutubong kulay sapagkat ito ay nagbibigay-diin din sa uri ng pag-uugali,
paniniwala, at pamumuhay ng pangunahing tauhan ng isang Tsino. Suriin
ang estilo ng may-akda sa pagbuo niya ng kuwentong ito. Ano ang
masasabi mo sa estilo niya sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagwawakas?
Isulat ang iyong kasagutan gamit ang graphic organizer sa ibaba. Gawin ito
sa inyong sagutang papel. (20 puntos)

Pamagat

Tauhan Tagpuan

Pagsusuri ng pagsisimula:

Pagsusuri ng pagpapadaloy:

Pagsusuri ng pagwawakas:

Learning continues in the new normal …Page 26 of 36


AKTIBITI Blg. 15.2

Panuto: Gumawa ng balangkas ng kuwentong iyong susulatin. Gumamit


ng mga angkop na pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos
ng isang balangkas. Gawin ito sa inyong sagutang papel. (20 puntos)

Balangkas ng Kuwentong Iyong Bubuoin

Paano mo ito sisimulan?

_______________________________________________________________

Paano mo ito padadaluyin patungo sa saglit na kawilihan patungong


kasukdulan?

_______________________________________________________________
Paano bababa ang mga pangyayari hanggang sa magwakas ang iyong
kuwento?

_______________________________________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahe o simbolong


ginamit sa sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel. (1 puntos bawat bilang)

1. Tila nagdilang anghel na naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang


isang panaginip ang nangyari sa kanyang buhay.
a. Nagkatotoo ang mga sinambit ni Hashnu kaya tila isang
himala o panaginip ang naganap sa kanya.
b. Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay-katuparan sa
kanyang mga panaginip.
c. Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na
siya ay magkakaroon ng kakaibang panaginip.
d. Hindi makapaniwala si Hashnu na nakausap niya ang anghel
Learning continues in the new normal …Page 27 of 36
2. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho
para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw.
a. Napapagod at nagsasawa na si Hashnu sa paulit-ulit na
kanyang ginagawa.
b. Nangangarap siya ng buhay na perpekto, kung saan ang tao
ay mabubuhay sa mundo kahit hindi na magtrabaho.
c. Ayaw na niyang gamitin ang pait at maso sapagkat para sa
kanya ang paggamit nito ay isang nakakabagot na gawain.
d. Ninanais ni Hashnu na magkaroon ng trabaho na hindi na
katulad ng kanyang trabaho bilang isang manlililok.
3. Mayabang siya sa paglalakad kaya’t ang kanyang mga tauhan ay
talagang gumagalang sa kanya.
a. Iginalang ng kanyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa
paraan pa lamang ng kanyang paglalakad ay masasabing
siya’y isang ganap nang hari.
b. Sa kanyang pagiging hari ay naging mapagmataas siya kung
kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa
kanya.
c. Ang paggalang ng kanyang mga tauhan sa kanya ay bunga
ng kanilang labis na paghanga sa kanya dahil sa husay niyang
maglakad.
d. Dahil sa kanyang mabuting nagawa sa kanyang nasasakupan
kaya ang mga tauhan ay lubos na gumagalang sa kanya.
4. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip
niyang kaya palang pahinain at talunin ng araw ang makapangyarihan at
iginagalang na hari.
a. Ito ay patunay lamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao
ay may hangganan kahit ano pa ang kalagayan sa buhay.
b. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa
kalusugan ng tao.

Learning continues in the new normal …Page 28 of 36


c. Ang tao at ang hari ay madalas magpaligsahan kung sino ang
higit na malakas sa kanilang dalawa.
d. Ipinapakita nito na ang araw ang mas makapangyarihan sa
lahat.
5. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi
siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa
pagiging manlililok.
a. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani-kanyang
kalakasan, ang kailangan lamang ay tuklasin at pagyamanin
ito.
b. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na
pinakamalakas na nilalang sa mundo.
c. Ipinahihiwatig nitong kung nais ng isang taong maging
malakas piliin niya na maging isang manlililok.
d. Ipinahihiwatig nitong hindi ka magiging malakas kung hindi
mo haharapin ang mga pagsubok sa buhay.

Para sa bilang 6-10, tukuyin kung anong uri ng maikling kuwento ang mga
sumusunod na pahayag.

6. Ang mga galaw ng pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga


pangyayaring alanganin, at may himig na nakatatawa ang akda.
a. Kuwento ng Katatakutan c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Kababalaghan d. Kuwento ng Pag-ibig
7. Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na
pook, ang anyo ng kalikasan doon; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at
pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
a. Kuwento ng Katatakutan c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Kababalaghan d. Kuwento ng Katutubong Kulay

Learning continues in the new normal …Page 29 of 36


8. Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kuwentong ganito.
Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nilikha ng mga
pangyayari sa katha.
a. Kuwento ng Katatakutan c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Kababalaghan d. Kuwento ng Pag-ibig
9. Naglalaman ang kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap
paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at makatwirang
pag-iisip.
a. Kuwento ng Katatakutan c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Kababalaghan d. Kuwento ng Pag-ibig
10. Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan
at ng kanyang katambal na tauhan.
a. Kuwento ng Katatakutan c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Kababalaghan d. Kuwento ng Pag-ibig

HUSAY SA PAGPAPAKATAO

REPLEKSYON

Kung susulat ka ng mga maikling kuwento, anong uri ng maikling


kuwento ang iyong gagawin? Ilahad ang iyong kasagutan ng hindi hihigit
sa sampung pangungusap. Isulat ito sa inyong sagutang papel. (5 puntos)

Learning continues in the new normal …Page 30 of 36


ARALIN
16 Si Kabayan
IKALABING-ANIM NA LINGGO

PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN

A. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
▪ mauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay
sa napakinggang diyalogo o pag-uusap;
▪ masusuri at mapaghahambing ang binasa at napanood na dula
batay sa pagkakabuo ng mga elemento nito; at
▪ maipapahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang
akdang orihinal.

B. PANIMULA
Gaano mo kakilala ang mga tao sa iyong paligid? Naranasan mo na bang
malinlang ng isang taong inakala mong kilala mo na nang lubos? Ano ang
dapat mong gawin upang maiwasang mangyari ulit ito sa iyo? Mahalaga
ang pagkilala at pagkilatis sa mga taong iyong nakakasalamuha.
Makakatulong ito sa iyong mabuting kalagayan at kaligtasan. Sa
pagkakataong ito, matatalakay natin kung paano lokohin ng isang
kababayan ang mga tao sa kanyang paligid. Alamin natin ito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa dula na mula sa Indonesia na
pinamagatang “Si Kabayan.”

C. PAGTALAKAY SA PAKSA
Alam mo ba?
Ang Indonesia ang pinakamalaking bansang kapuluan sa buong daigdig.
Ang kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Java. Bahasa ang
pangunahing wika sa Indonesia.
Learning continues in the new normal …Page 31 of 36
Si Kabayan
(Dula ni Utoy Sontani mula sa Indonesia)
Salin ni Isagani R. Cruz

Huling bahagi ng dula katatawanan. Ipinapakita ng palamuning naging


manloloko na si Kabayan na mayroon din siyang alam tungkol sa
kasuwapangan ng kaniyang kapwa-tao.
(Masayang lalabas si Ijem sa pinto sa likod at pagbalik ay kasama na si Itay na
mukhang lungkot na lungkot. Nakayuko siyang lalapit sa manugang na parang
isang batang nagkasala.)
Kabayan: Inaamin mo bang nagkasala ka?
Itay: Oo inaamin ko, Kabayan.
Kabayan: Kanino ka nagkasala?
Itay: Unang-una’y kay Allah dahil lumabag ako sa aking sumpa
sa kaniya.
Kabayan: Ano’ng nararamdaman mo?
Ano kaya ang nararamdaman ng Itay sa kanyang pagkakasala?
Ipagpatuloy ang pagbabasa, buksan ang inyong librong Punla 9, pahina 50-52.

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan

Tulad ng maikling kuwento at nobela, ang dulang pantanghalan ay


nagtataglay din ng mahahalagang sangkap o elemento. May tatlong bahagi
ang dulang pantanghalan – ang simula, gitna, at katapusan. Ipinakikilala
sa simula ng dula ang dalawang mahalagang sangkap o elemento. Dito
makikilala ang tauhan ayon sa kaanyuan ng papel o gagampanan o
katayuang sikolohikal, kung sino ang bida o kontrabida. Ano-ano pa kaya
ang mga elementong ito ng dulang pantanghalan? (Alamin at panoorin ito sa
youtube link na ipapasa ng inyong guro sa inyong group chat)

Learning continues in the new normal …Page 32 of 36


KARAGDAGANG PAGKATUTO

AKTIBITI Blg. 16.1

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na pahayag. Kung ito ay nagpapakita


ng katotohanan, lagyan ng titik T ang kahon. Kung ito naman ay
nagpapakita ng kabatiran, lagyan ng B, at kung kagandahan naman lagyan
ng G. Pagkatapos, ipaliwanag kung bakit kinakitaan ito ng katotohanan,
kabatiran, o kagandahan. Gawin ito sa inyong sagutang papel. (5 puntos
bawat bilang)

1. Kaya nga po, pero kung hindi ko siya pinatulan, hindi ko siya
naging asawa.
_________________________________________________________
2. Nandidiri ako sa sarili ko, Kabayan, dahil alam kong si Allah ang
nagbigay sa atin ng pagkain. At ngayo’y parang nararamdaman
kong malapit na akong kaladkarin patungo sa impyerno.
_________________________________________________________
3. Sa katunaya’y karaniwang tao lang ako. Hindi totoong mas
malinis ang kaluluwa ko kaysa sa iba. Hindi ko pa nakikita ang
propetang si Hidi at lalong-lalo naming hindi ko pa nakikita si
Allah.
_________________________________________________________

AKTIBITI Blg. 16.2

Panuto: Suriin ang dulang binasa ayon sa pagkakabuo at mga elemento


nito. Punan ang ikalawang hanay ng graphic organizer. Pagkatapos mong
mapunan ang ikalawang hanay ay isipin ang napanood na dulang
nagtataglay ng mga katangian at elemento ng dulang binasa. Ano ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang dulang ito? Gawin ito sa inyong
sagutang papel. (30 puntos)
Learning continues in the new normal …Page 33 of 36
Katangian at Elemento Si Kabayan
Pamagat ng Pamagat ng dulang
dulang nabasa napanood
Mga Pangunahing Tauhan
Tagpuan
Suriin: Maayos ba ang banghay
nito?
Suriin: Malinaw ba at maayos
ang daloy ng mga diyalogo ng
mga tauhan?
Galaw ng mga Pangyayari
Simula
Saglit na Kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Wakas
Suriin: Paano winakasan ang
dula?
Bilang ng Yugto
Mahalagang Eksenang
Nakaantig sa Iyong Puso

PAGTATAYA

Panuto Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel. (1 puntos bawat bilang)

1. Siya ang Pilipinong makata na nagsalin ng dulang “Si Kabayan”?


a. Emilio Jacinto c. Federino B. Sebastian
b. Epifano Delos Santos d. Isagani R. Cruz

Learning continues in the new normal …Page 34 of 36


2. Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay maitanghal ito sa
harap ng mga manonood.
a. Alamat b. Dula c. Maikling Kuwento d. Nobela
3. Sa lahat ng akdang pampanitikan ito ang pinakaepektibo sa
pagsasalaysay ng kuwento at paghahatid ng mensahe sapagkat bukod sa
naririnig ang mga diyalogo ng tauhan, nakikita pa ang kanilang mga kilos.
a. Alamat b. Dula c. Maikling Kuwento d. Nobela
4. Saang bansa nagmula ang dulang “Si Kabayan”?
a. Indonesia b. Thailand c. Philippines d. Singapore
5. Ano ang kabisera ng bansang Indonesia?
a. Banjar b. Habanese c. Jakarta d. Surabaya
6. Sino ang Famous Indonesian Writer ang nagsulat ng dulang “Si Kabayan”?
a. Abdul Muis c. Rustam Effendi
b. Fira Basuki d. Utoy Sontani
7. Saang bahagi ng dulang pantanghalan ipinakikilala ang dalawang
mahalagang sangkap o elemento?
a. kalahati b. gitna c. simula d. wakas
8. Ano ang makikita sa wakas na bahagi ng dula?
a. simula at saglit na kasiglahan c. tunggalian at kasukdulan
b. kasukdulan at kakalasan d. kakalasan at katapusan
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi makikita sa gitnang bahagi ng isang
dula?
a. kakalasan c. tunggalian
b. kasukdulan d. saglit na kasiglahan
10. Ano ang binubuo ng tagpo sa isang dula?
a. bahagi b. kabanata c. eksena d. yugto

Learning continues in the new normal …Page 35 of 36


HUSAY SA PAGPAPAKATAO

REPLEKSYON

Ang dulang natalakay ay puno ng mga ideyang tumitimo sa isipan at


damdamin. Ito rin ay nag-iiwan ng mga tanong na hinahanapan ng sagot.
Isulat sa response journal ang mga naiisip at nararamdaman mo tungkol sa
dula. Isulat mo rin ang mga nais mong itanong sa mga pangunahing tauhan
sa dula. Gawin ito sa iyong sagutang papel. (15 puntos)

Response Journal
Ang aking mga naiisip Ang aking mga Ang mga nais kong
tungkol sa dula… nararamdaman itanong sa mga
tungkol sa dula… pangunahing
tauhan… (5 tanong)

Learning continues in the new normal …Page 36 of 36

You might also like