You are on page 1of 47

Grade 9-Filipino

ARALIN 4:
Ako Si Jia Li, Isang ABC
Sanaysay Mula sa Tsina
Bagama’t hindi tayo sinakop ng mga Tsino ay
nagkaroon sila ng malaking impluwensiya sa
ating pamumuhay, kultura, at tradisyon dahil sa
tagal ng pakikisalamuha nila sa atin. Bago pa
man dumating ang mga mananakop na Kastila sa
ating bansa ay nakikipagkalakalan na sila sa
ating mga ninuno at hanggang ngayon, ang
kanilang presensya ay damang-dama pa rin sa
iba’t ibang aspekto ng ating pamumuhay,
kultura, at tradisyon.
ALAM MO BA?
 Ang Tsina ay ang bansang may pinakamalaking
populasyon sa buong mundo.
 Base sa huling tantiya ng United Nations noong Hunyo
17. 2017, umaabot na ang populasyon nito sa 1.387,
993, 954.
 Ang populasyon sa buong mundo ay tinatayang nasa 7.5
bilyon noong April 24, 2017. Ibig sabihin, ang halos 20%
ng mga tao sa buong mundo ay mga Tsino, at
nangangahulugang ang isa sa bawat limang taong
nabubuhay sa mundo ay nagmula sa bansang Tsina.
ALAM MO BA?
 Maliban sa napakabilis na paglago ng kanilang
populasyon, (noong 1950, ang kabuuang populasyon ng
Tsina ay 563 milyon lamang kumpara sa 1.388 bilyon sa
taong 2017) ang ekonomiya ng Tsina ay naging
pinakamabilis ding umunlad sa buong mundo mula nang
magsagawa sila ng mga repormang pang-ekonomiya
noong 1978.
 Sa taong 2017, sila na ang itinuturing na pangalawang
may pinakamataas na ekonomiya at pinakamalaking
importer at exporter ng mga kalakal sa buong mundo.
ALAM MO BA?
 Kaugnay nito, kung pagsasama-samahin ang lahat ng
variation ng wikang Mandarin Chinese, ito rin ang wikang
may pinakamaraming nagsasalita na umaabot sa halos
isang bilyong tao.
 Hindi kataka-taka kung gayon na ang impluwensiyang
Tsino ay lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo hindi
lang dahil sa kanilang mga kalakal na ini-export kundi
dala rin ito ng mga Tsinong nangingibang-bayan upang
doon na manirahan.
PAGTALAKAY
sa
PAKSA
 Labinlimang taong (15) gulang.
 Isang ABC.
 Ipinanganak at lumaki sa Los
Angeles, California subalit
parehong Tsino mula sa Beijing,
China ang kanyang mga magulang.
 Naranasan ang kultura ng
dalawang bansa- ang Tsina at
Amerika.
JIA LI  Mahusay sa pagsasalita ng Wikang
Ingles.
Ano ba ang
ABC?
ABC- Isang American
Born Chinese,
karaniwang katawagan
sa mga katulad ni Jia Li
na may magulang na
Tsino subalit ipinanganak
at lumaki sa America.
Ang Pamilya Wang sa
Los Angeles, California
“Napakahalaga ng pamilya sa aming
mga Tsino. Hindi tulad ng mga
kaibigan kong puro Amerikano na
gustong mabuhay agad nang mag-
isa pagsapit nila sa tamang edad,
kami ay hindi basta bumubukod sa
aming mga magulang kahit pa nga
nag-asawa ay may mga anak na”.
“Pangkaraniwan na lang sa aming mga
Tsino na magkakasama sa isang tirahan
ang pamilya hanggang sa ikaapat na
henerasyon. Katunayan dito sa aming
bahay nga ay kasama namin ang wai po
o lola ko na pinetisyon ni Mama noong
ako ay limang taong gulang pa lamang”.
“Mula pa noong bata ako ay si Wai po na
ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa
trabaho ang aking mga magulang at ang
dalawang nakatatanda kong kapatid.
Ngayon ay may asawa na ang aking
gege o nakakatandang kapatid na lalaki
pero kasama pa rin namin siya sa bahay
gayundin ang asawa niya at ang
kanilang mag-iisang taong anak na sio
Sheng”.
“Inaalagaan namin ni Wai po si
Sheng kapag wala ang kanyang
mga magulang. Ang aking jie jieo o
nakatatandang kapatid na babae
naman ay dito pa rin nakatira kahit
na siya’y tapos nang mag-aral at
may trabaho na”.
Si Wang Po at
Ako
Sila ng kanilang Wai po
ang pinakamalapit sa isa’t
isa.
Marami siyang naiturong
kultura tradisyong Tsina
kay Jia Li.
KULTURA AT TRADISYONG TSINA
Kalagayan ng mga kababaihan sa sa
tradisyunal na kulturang Tsina kung
saan ang mga lalake ay itinuturing na
nakatataas kaysa sa mga babae.
“THE MOTHER OF MENCIUS”
 Isang aklat na nagsasabing ang
katungkulan ng mga babae ay manatili
sa bahay para magluto, mag-init ng
alak, mag-alaga sa kanyang mga
biyenan, manahi ng mga kasuotan, at
wala na!
“THE MOTHER OF MENCIUS”
Kailangan niya ring sundin ang tatlong
pagsunod:
UNANG PAGSUNOD: Kapag siya’y bata
pa, kailangan niyang sumunod sa mga
magulang.
IKALAWANG PAGSUNOD: Kapag siya’y
may asawa na ay dapat siyang sumunod sa
kanyang asawa.
“THE MOTHER OF MENCIUS”
IKATLONG PAGSUNOD: Kapag siya’y
nabalo na ay kailangan niyang sumunod sa
kanyang anak na lalaki.
Dahil daw dito, maraming
kababaihan sa Tsina ang ni hindi
nakapipili ng kanilang mapapangasawa
dahil ang magulang ang pumipili at
nakikipagkasundo sa mapapangasawa
ng kanilang anak na babae.
IBA PANG
PANINIWALA
AT
TRADISYONG TSINO
Mayaman ang Tsina sa paniniwala
at tradisyong nagmula pa noong
unang panahon at patuloy na
isinasagawa hanggang sa
kasalukuyan. Katunayan, ang
marami rito ay sinusunod pa rin ng
pamilya ni Jia Li kahit pa matagal na
silang naninirahan sa Amerika.
FENG SHUI
1. FENG SHUI

Sinasabing maraming Tsino ang


sumusunod sa panuntunan ng Feng
Shui dahil ito raw ay gabay para
maisaayos ang pamumuhay nang
naaayon sa limang elemento ng
kalikasan; ang kahoy, apoy, lupa,
metal, at tubig.
1. FENG SHUI

Makakatulong daw ito sa


pagpapanatili ng mabuting
kalusugan, kaligayahan,
at kaayusan sa buhay.
1. FENG SHUI

Kaya naman bago pa simulan ang


pagtatayo ng tahanan nina Jia Li ay
komunsulta na muna ang kanyang mga
magulang sa isang eksperto sa Feng Shui
para malaman kung saan
pinakamasuwerteng ilagay ang mga
bahagi ng bahay.
2. POSISYON NG CHOPSTICK KAPAG KUMAKAIN

Bata pa lamang si Jia Li ay laging


ipinapaalala ng kanyang Wai po na
hinding-hindi dapat itusok nang
patayo sa gitna ng kanin ang mga
chopstick dahil ito raw ay
nangangahulugang kamatayan.
Marami pang ibang paniniwala ang
sinusunod ng mga Tsino sa mga
okasyong tulad ng kapag may
ikinakasal, sa mga paglilibing, sa
pagdiriwang ng Bagong Taon, at iba
pa.
ANG KAINAN
SA
PAMILYA
Tulad ng karaniwang pamilyang
Tsino, ang pamilya ni Jia Li ay
nagbubuklod sa iisang hilig-ang
kumain. Sabay-sabay silang
kumakain sa pabilog na mesa.
Sa kaugaliang Tsino, dapat una
munang pauupuin ang mga
nakatatanda at bisita (kung
mayroon) bilang pagpapakita ng
paggalang, kasunod ang mga
pinakabata.
Sa kaugaliang Tsino, dapat una
munang pauupuin ang mga
nakatatanda at bisita (kung
mayroon) bilang pagpapakita ng
paggalang, kasunod ang mga
pinakabata.
KARANIWANG MGA PAGKAIN SA HAPAG-KAINAN
NG PAMILYANG TSINO

WONTON
SOUP
DUMPLINGS
LUGAW
NOODLES
KARANIWANG MGA PAGKAIN SA HAPAG-KAINAN
NG PAMILYANG TSINO

SWEET &
SOUR
PORK
LUMPIA

BREADED
KANIN FISH
FILLET
Mas gusto ng mga
nakatatanda ang mga pagkaing
pinasingawan o steamed
kaysa piniprito o nilalagyan ng
mantika.
Sa paghahanda ng pagkain, ang higit na
binibigyang-pansin ng mga Tsino ay ang; lasa,
kulay, amoy at itsura. Hindi gaanong
inihahainang matatamis na pagkaing
Amerikano tulad ng cookies, cakes, pies, at
ice cream. Ang mga ito’y inihahanda lamang
kapag may espesyal na okasyon.
MGA KARANIWANG PANGHIMAGAS NG MGA TSINO

SWEET WHITE
LOTUS’S SEED
SOUP

PRUTAS

STEAMED
RED BEAN
PAPAYA SOUP
SOUP
Ang Piging
sa
Aming Pamilya
Kapag may ipinagdiriwang ang
pamilyang Tsino ng espesyal na okasyon
tulad ng Chinese New Year, kasalan,
graduation, kaarawan, o kapag may
bisita sila ay nagiging abala ang lahat sa
paghahanda ng mula sa sampu
hanggang labindalawang putahe.
MGA PAMPAGANANG PAGKAIN NG MGA TSINO
SA HANDAAN

TOKWA’T
BABOY
BIRD’S NEST
SOUP

SHARK FIN
JELLYFISH NEST
SALAD SOUP
ANG MGA ULAM NA INIHAHANDA NA KINABIBILANGAN NG
MGA ESPESYAL NA RESIPE NG PAMILYA PARA SA MGA
SUMUSUNOD:

1. Alimango 6. Tupa
2. Sugpo 7. Baka
3. Malalaking isda 8. Manok
4. Hipon 9. Gulay
5. Itik
* Hindi rin mawawala ang mga sariwang
prutas sa hapag-kainan tuwing may
okasyon sa pamilyang Tsino.
Ang mga okasyong ito ay espesyal dahil
pagkakataon din ito para magkita-kita at
magbalitaan, magkuwentuhan, at magtawanan
kaya naman piging o bangkete ang inihahanda at
hindi pangkaraniwang mga pagkain lamang. Sa
ganitong mga pagkakataon nailalabas ang
pinakamamagandang gamit sa kainan at may
tamang pagkakasunod-sunod sa paghahain ng
mga putahe.
PROUD
ABC
“Iyan ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki kong ako’y
isang ABC o American Born Chinese. Sabi nga ng kaibigan
kong si Lian, “We have the best of both worlds.” Natuto akong
gumalang at maging higit na bukas sa pagkakaiba-iba ng mga
tao at lahi, tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang
makasasama. Ipinagmamalaki kong dala-dala ko ang pagiging
episyente, maunlad, at moderno ng bansang sinilangan ko , ang
Amerika subalit taglay ko rin ang ganda at halina ng makulay at
mahabang tradisyon at kultura ng bansang sinilangan ng aking
magulang , ang bansang Tsina”.

You might also like