You are on page 1of 2

Noella Mae Neo

11-GAS A

Filipino sa Piling Larangan

Bb. Thelma Loquinario

‘’ANAK’’

RORY B. QUINTOS

Tauhan:

Josie (Vima Santos)

Carla (Claudene Barreto)

Michael (Baron Geisler)

Daday

Rody (Joel Torre)

BUOD

Si Josie ay isang Domestic Helper sa HongKong, Naranasan niya ang pagod sa pagtatrabaho
upang makapagpadala ng pera sa pamilya niya sa pilipinas. Anim na pasko, Bagong taon, at
anim na kaarawan ng kaniyang mga anak ang pinalipas niya. Tiniis niya ang sakit at
pangungulila sa kaniyang mga anak at nagsikap na itaguyod ang sarili niya sa kabila ng
paghihigpit ng kaniyang mga Amo, Kinulong siya sa bahay ng kaniyang mga amo upang hindi
siya makalabas at makaalis dahil na din sa pagsisinungaling sa kaniya ng kaniyang amo na
makakauwi siya ng pilipinas. Ginawa niya ang lahat para lang makausap niya ang kaniyang
mga anak habang siya’y nasa ibang bansa. Pagkatapos noon, habang siya ay gumagawa ng
gawaing-bahay nakatanggap siya ng sulat mula sa Pilipinas at napagalamang namatay na ang
kaniyang asawa hindi siya nakauwi agad ng pilipinas pagkatapos ng nangyari sa asawa niya.
Sa paglipas ng panahon nangyari na ang kaniyang gusto na makauwi ng pilipinas para sa
kaniyang mga anak. Subalit habang tumatagal siya sa pilipinas napapansin niyang malayo ang
loob ng kaniyang mga anak sakaniya, ni parang hindi siya kakilala o kaanu-ano. Ginawa niya
ang lahat para lang bumawi sa kaniyang mga anak dahil sa mga panahon na hindi niya
nakasama o nasilayan ang paglaki ng kaniyang mga anak. Si Clara ang panganay niyang anak
na noo’y gustong gusto siyang makasama at makausap kahit sa telepono man lang ay parang
hindi na din gusto na umuwi pa siya ng pilipinas. Hindi alintana ni Clara ang paghihirap ng
kaniyang ina sa ibang bansa, Pilit niyang hindi intindihin ang kaniyang ina sapagkat iniisip niya
na madali lang ang buhay sa ibang bansa.
Ginawa niya ang mga masasamang gawain, nagpaimpluwensiya at sumama sa mga tao na
hindi makabubuti sa kaniya sa kabila ng galit niya sa kaniyang ina. Pilit na isinusumbat ni Carla
sa kaniyang ina ang mga nangyari sa buhay niya, sa buhay nila at sa pagkamatay ng kaniyang
ama. Iniisip lang ni Josie ang kapakanan ng kaniyang pamilya dahilan kung bakit siya
nakipagsapalaran sa ibang bansa bilang isang Domestic Helper sa HongKong dahil sa hirap ng
buhay nila sa Maynila. Kaya’t ng lumayas ang kaniyang anak na si Carla ay hinanap niya ito at
pilit na pinauwi subalit imbis na sumama nalang ito ay sinaktan niya ang kaniyang ina sa
paraang gusto niya at sa harap pa ng kaniyang mga kasama. Kung gaano kasakit ang
pagsasakripisyo niya sa ibang bansa ay doble ang sakit dahil sa mga nangyari sa kaniyang
mga anak. Sa pagkakataong iyon, Naramdaman ni Carla ang paghihirap at pangungulila ng
kaniyang ina at sa mga oras na iyon natinag siya at natauhan sa mga sinabi ng kaniyang ina.
Nagkapatawaran sila at tinanggap nalang ang masaklap na nangyari sa kanilang buhay. Dahil
kahit anong galit mo man ang mamuno sa iyong pagkatao hindi nito mapapantayan ang pag-
ibig ng isang ina na siyang malaking biyaya na binigay ng diyos sa atin.

REPLEKSIYONG PAPEL

Natutunan ko na higit na napakahirap ang buhay ng isang pilipinong nakikipagsapalaran sa


ibang bansa upang makapaghanap-buhay sa kabila ng kahirapan na dinaranas natin. Kahit
hindi ko naranasan na mawalay sa aking ina, nararamdaman ko ang pangungulila ng bawat
pililpinong nabubuhay ng wala sa kanilang tabi ang kanilang ilaw ng tahanan sapagkat hindi
madaling mabuhay kapag wala ang napakagandang biyaya na ibinigay sa atin ng diyos, iyon ay
ang ating mga magulang.

Kaya’t sana ay respetuhin at mahalin natin sila ng walang kondisyon. May mga pagkukulang din
sila bilang mga magulang pero walang perpektong magulang o anak, Kahit pa may mga
nagagawa silang mali hindi dapat natin kinukuwestiyon ang kanilang pagiging magulang sa atin
dahil ito rin naman ay para sa ating kapakanan. Dahil sa oras na mawala sila sa ating tabi
hinding-hindi na natin sila maibabalik, kaya’t sa mga panahon ngayon dapat natin silang
alagaan at mahalin dahil walang makapapantay sa pagmamahal ng isang magulang sa
kanilang mga anak.

You might also like