You are on page 1of 2

Jeo estoque

grade 11 abm jupiter

“Anak”
BUOD
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong
bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito
para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.
REAKSYONG PAPEL
Sa penikulang ito tungkol sa Anak naipapaalala sa atin kung gaano kaimportante ang
isang Ina sa lahat ng tao at pamilya. Ang pagsasabi ng “mahal kita mama” at “salamat
mama” sa simpleng paraan ay nakapagpapaginhawa sa kanila. Nagbibigay din ito ng lakas
para patuloy na maging positibo sila sa buhay. Iba pang mga reaksyon. Ang kanilang
walang hanggang pagsasakripisyo para sa pamilya ay minsang minamaliit ng mga taong
walang pagpapahalaga dito.
Sa penikulang Anak, makikita din natin ang dinaranas na hirap ng mga mahal na Inang
OFW. Talagang nagsasakripisyo sila para may maipadala sa kanilang pamilya. Sa paguwi
ni Josie bilang (Vilma Santos) isang Ina, hindi niya nakuha ang nararapat na sukling
pagmamahal at pasasalamat sa kaniyang ibang anak gaya ni (Claudine Bareto) bilang
anak ni Josie.Nakalulungkot, nagtanim ito ng sama ng loob sa kanyang ina dahil sa hindi
nito pag-uwi ng maraming taon. Nadama nyang siyang pinabayaan dahil hindinatupad ang
pangako ng kanyang ina sa unang dapat na paguwi nito. Nagdulot pa ito ng labis-labis ng
pagdurusa kay Josie dahil patuloy na nagrebelde ang kaniyang anak at sinisira na nito ang
kaniyang buhay. Nagbitaw din ng masasakit na salita ang kanyang anak para gantihan ito.
Sa huli, nang halos masira na ng anak ang buhay dahil sa pagdodroga,Paglalasing,
paninigarilyo at pakikipagtalik, hindi siya iniwan ng kaniyang Ina.
Minahal parin siya nito, tinanggap at pilit na inililigtas sa masasamang nagyayari sa
kaniya. Nang magsisi ang anak, pinatawad siya ng ina at hindi siya Iniwan nito. Aanuman
bagay ang ginagawa ng ina, hindi man natin ito agad maintindihan, dapat na alamin muna
natin ang buong detalye ng kwento bago. Tayo magsalita ng mga bagay na nakasasakit
sakanila Importanteng tauhan sa penikulang Anak.

You might also like