You are on page 1of 3

Teorya ng pagbasa

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit
nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa


mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na
simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa
mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa  Kaalaman ng


mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon  Kaalaman ng
mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang
aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may
magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang
aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis
at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat


- Pagtingin sa higit na maraming salita
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay
ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay
nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat
minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang
bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa ang
siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang
inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap
niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 –
90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong
malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na
pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang
pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t
ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng
paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.

Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting buuing
konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong
buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng pangungusap.
Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang
saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na
fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng
pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-
kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi
mabibigyang-kahulugan ng isipan.

MGA TEKNIK NG PAGBASA

Ayon kay Badayos, may mga teknik sa pagbasa na dapat isaalang-alang:

1. Iskaning

• Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espesipikong
impormasyon.

2. Iskiming

• Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang impormasyon
naman ang ating hinahanap.

3. Kaswal

• Ang teknik na ito ay tinatayang pang – ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling sabi, wala kang tiyak na
layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa.

4. Kritikal

• nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap. Ibig sabihin, ikaw ay
lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo.

5. Komprehensibo

• tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye maging ito man ay maliit o malalaking detalye.
6. Pribyuwing

• Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin.

7. Replektib

• Replektib na teknik ang pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambabasa ang kanyang binabasa at
nauunawaan niya ito nang lubos.

8. Muling – Basa

• Tinatawag ito sa Ingles na re–reading at tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye
ng binabasa tungo sa lubos na pag – unawa.

9. Pagtatala

• Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles na malaki ang naiaambag sa mambabasa. Nagagawa kasi
nitong mabigyang emphasis o haylayt ang iyong binabasa. Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng
pagsasalungguhit sa teksto, paglalagay ng asterisk, paggamit ng haylayter at iba pa.

You might also like