You are on page 1of 2

Aktibidad

Pangalan: Prince Jhanric M. Monfero Seksyon/Kurso: BSIT 1-C

Propesor: Gng. Princess Marie De Rama Puntos:

A. Ano ang pananaliksik? Bakit mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa
pananaliksik at sa pagsulat ng sulating pananaliksik?

-Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari at

iba pa. Hango sa salitang “SALIKSIK” o ang ibig sabihin ay masuring paghahanap. Mahalagang

mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa pananaliksik at sa pagsulat ng sulating pananaliksik

dahil makatutulong ito sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, kalakalan, medesina, sining at

higit sa lahat, sa pagkilos at pag-iisip ng isang tao.

B. Sa iyong palagay, alin sa mga hakbang o bahagi ng pagsulat ng sulating pananaliksik ang
pinakamahirap isagawa? Paano kaya ito mapapadali? Maglahad ng mga pamamaraan.

-Para sa akin, ang pinakamahirap isagawa na hakbang ng pagsulat ng sulating pananaliksik

ay ang ikapitong hakbang o ang pangangalap ng mga tala. Upang mapadali ang pagsasagawa ng

hakbang na ito, isulat o ilista ang mga tala ng organisado, malinaw at may kaisahan.
C. Ang pananaliksik at pagbuo ng sulating pananaliksik ay isa sa mga gawaing kung maari
lang iwasan ay iiwasan ng maraming mag-aaral dahil sa paniniwalang ito’y mahirap na
gawain. May kasabihan “Kung kayang isipin ay kayang gawin.”
Baon ang’ kaisipang ito, isagawa mo ang sumusunod:
1. Bumuo ka ng mensahe o liham para sa iyong sarili na mag-iisa-isa sa iyong mga taglay
na kakayahan at galing upang mapagtibay mo sa iyong sarili na kaya mong bumuo ng
isang matagumpay na sulating pananaliksik.

Kamusta ka aking sarili?

Sana’y malaman mo na ikaw lamang ang may hawak sa buhay mo.

Ikaw lamang ang nakakaalam at may kakayahan upang pagbutihin pa ang iyong sarili sa pagbuo

ng sulating pananaliksik. Kung sa palagay mo ay wala kang kakampi, sana lagi mong iisipin na mayroon

pa ring mga taong handa kang tulungan at gabayan sa lahat ng iyong ginagawa.

Sana’y huwag kang sumuko agad kapag may nakaharap kang problema sa iyong daan, alam

mong mahirap isagawa ang sulating pananaliksik, ngunit hindi hadlang ang isang problema para sumuko

ka agad, imbis, gawin mo ito bilang iyong adhikain para magpatuloy ka sa pagsasagawa ng sulating

pananaliksik. Lahat ng bagay ay makakaya mo, kung lalagyan mo ng sipag at tiyaga ang lahat ng iyong

ginagawa.

Isang bagay lamang ang nais kong sambitin sa iyo, nawa’y pagbutihin mo pa ang iyong sarili

upang maging tanyag at matagumpay ang iyong buhay balang araw.

-Prince Jhanric Monfero

You might also like