You are on page 1of 2

Activity 1:

Subukin natin ang iyong natutunan sa tinalakay.


a. Bakit mahalaga ang pokus sa pagsulat ng talumpati?
- Mahalaga ang pokus sa pagsulat ng talumpati sapagkat nagiging
mapagmasid tayo saating mali. Pinapatnubayan tayo nito sa
pagsusulat upang maging wasto at purong katotohanan lamang
ang ating mga mailahad na detalye. Mas napapaganda pa nito ang
ating ginagawa sapagkat buong puso nating nilalaanan ito ng oras.
Bawat matugumpay na resulta ay may kaakibat na pagtiya-tiyaga.
Hindi basta basta ang talumpati, mahirap unawain ang isang
paksa na nais mong iparating sa nakararami kung nalingat ang
iyong atensyon sa iba.

b. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?


- Sa lahat ng antas ng pagsusulat mapa-sanaysay man iyan o
simpleng pananaliksik lalo na sa talumpati, mahalagang tukuyin
muna ang tatalakaying paksa marahil ito ang magiging batayan ng
pagbuo mo konsepto sa pagsusulat. Ang isang mahusay na
talumpati ay mayroong pagbabasehan ng mga opinyon, hindi lang
sa iyo pati na rin ng nakararami. Mas nagiging malinaw ito,
maayos, at nagbibigay enganyo sa mga tagapakanig sa oras na
mailahad na iyon sa publiko. Bukod pa roon, mabilis mong
malalaman kung saan mob a magagamit ang iyong napag-aralan o
napanaliksik na ayon roon sa paksa. Nakakagana ang isang bagay
gawin kung ito ay nagbibigay aliw din saiyo. Ang paksa ang pinaka-
importanteng bagay sa pagsusulat ng talumpati dahil ito ang
magdadala saiyo ng kahusayan sa paggawa pa ng iba’t ibang uri ng
pagsusulat.

c. Ano ang papel ng taga-pakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang sa


pagsulat ng talumpati.
- Ang talumpati ay kilala sa palalahad ng impormasyon sa madla.
Wala itong saysay kung wala naman itong taga-pakinig. Kailangan
silang isa-alang alang upang makapili ka bilang isang
mananlumpati ng angkop na salita sa oras ng iyong paglalahad.
Halimbawa na lamang kung mga estudyante ito, pumili ka ng mga
salitang abot ng kanilang pagkaka-intindi. Gayon din kung
magsasalita ka sa harap ng mga taong may ka-edaran. Dapat
palagi natin itong isa-isip marahil mahirap magkamali sa harap ng
publiko, baka may mailahad ka na hindi dapat o may mga
lenggwahe silang hindi naman kaya maintindihan. Maganda kung
marunong kang maki-ayon sa bawat kapasidad ng iyong mga taga-
pakinig dahil sa ganoong paraan madali kayong magkaka-
intindihan at magkapaboran ng opinyon.

You might also like