You are on page 1of 7

 Pre-writing

Ang unang hakbang upang makabuo ng isang sulatin ay ang pag-iisip ng isang paksa
hindi ba? Hindi tayo makakapagsulat ng isang sulatin kung wala tayong paksa. Kung walang
paksa, hindi natin alam kung tungkol saan ang iikutan nito at kung saan papatungo ang sinusulat
mo. Kaya sa prosesong ito, klas kailangan muna nating mag-isip ng ating magiging paksa.
Maaaring tungkol sa mga napapanahong isyung kinakaharap ng ating lipunang kinabibilangan at
marami pang iba. Kailangan nating paganahin ang ating mga pag-iisip upang sa ganon ay
makabuo tayo ng isang paksang makabuluhan at kapupulutan ng aral.

Upang mas mapadali ang iyong pagsusulat o pagbuo ng mga ideya tungkol sa iyong
napiling paksa, mahalaga ring magkaroon ng pangangalap at paglilista ng mga datos, pagbabasa
at pananaliksik, interbyu at sarbey. Magiging madali na lamang ang pagsusulat kung matibay na
ang kapasyahan sa pagpili ng paksa at paggawa ng klaster o pagmamapa sa mga ideya.

Question: Ano ang ating gagawin upang magkaroon tayo ng sapat o malawak na kaalaman
tungkol sa ating napiling paksa?
Answer: Magsaliksalik, magbasa, mangalap ng mga datos sa pamamagitan ng survey, interbyu
at marami pang iba.
Question: Bakit kaya natin kailangang magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa ating
paksa?
Answer: Upang sa ganoon ay maibigay natin ang mga mahahalagang impormasyon na kailangan
nating mailagay sa ating sulatin nang sa gayon ay maging makabuluhan at impormatibo ito.
Kailangan din nating maging maalam sa sarili nating paksa upang sa ganon ay alam natin ang
magiging daloy nito.
 Actual writing
Pagkatapos nating mag-isip o pumili ng paksa ng ating magiging sulatin at
makapagsaliksik o makapagtala ng mga impormasyong magagamit natin sa pagsusulat
tungkol dito kailangan nating gumawa ng isang burador o draft bago tayo makagawa ng
isang pinal na sulatin hindi ba?
Question: Pamilyar ba kayo sa burador o draft, klas?
Answer: ang burador o draft klas ay naglalaman ng iyong unang bersyon ng iyong pagsusulat. Ito
ay hindi pa pinal sapagkat maaari pa itong rebisahin upang mas maging maayos ang magiging
resulta ng iyong sulatin.
Kapag tayo ay nagsusulat, klas marami kasi tayong mga impormasyong basta basta na lamang
nating inilalagay o sulat na lamang tayo ng sulat lalo na kapag gumagana ang ating mga isipan
hindi ba? Kung ano ang ating mga naiisip habang tayo ay nagsusulat ay iyon ang ating mga
nilalagay kahit na minsan ay hindi naman ito masyadong relevant sa ating paksa. Dito na tayo
nakabubuo ng mga ideya o impormasyong susuporta o dito tayo maglalagay ng mga
impormasyong tungkol sa ating napiling paksa.
Sa pamamagitan ng burador, nalalaman natin o nakikita natin kung mayroon pa bang mga kulang
o hindi nailagay na datos o impormasyon, malalaman natin kung ang mga impormasyon bang
nailagay natin ay konektado sa paksa, kung maayos pa ba ang daloy o kung ito ay tapos na.
 Post writing
Ang huling proseso ay ang post writing o ang pagkatapos sumulat kung saan sa bahaging ito ay
maari nating basahing muli, surrin at irebisa ang mga ideyang naisulat natin. Sa pamamagitan ng
muling pagbabasa, nalalaman natin kung mayroon bang dapat na tanggalin o alisinng mga
impormasyon, masusuri natin kung tama ang mga salitang ginamit, kung tama ba ang baybay
nito at kung mayroon bang mal isa sa gramatika. Dito natin inaalis ang mga sagabal sa ating
ginagawang sulatin. Kumbaga sa buhay, ito yung part kung saan tanggap mo na o kaya handa mo
nang iletgo o icut off yung mga taong sa tingin mo ay sagabal o hindi na importante sa iyong
buhay kasi aulit ulit ka na niyang sinasaktan ganon. Dito sa bahaging ito natin naitatama lahat ng
ating mga pagkakamali. Sa bahaging ito natin naisasagawa yung mga pinal na pagbabago bago
maging pinal din ang ating susulating papel.

Naintindihan ba ang tatlong proseso ng pagsulat?


Ano ano ang mga ito?

 Bakit kaya isa sa mga estratehiyang dapat sundin ang paakikinig nang
Mabuti sa mga letra at talakayan?
Sapagkat natututo tayo sa pamamagitan ng pakikinig. Mahalagang making tayo nang mabuti sa
mga talakayan o diskusyong makakatulong sa atin upang magkaroon ng malawak na
bokubolaryo at nalalaman tungkol sa isang paksa o ating pinag-aaralan. Napapayaman nito ang
ating kaalaman lalo na kung mayroon tayong natutuklas o kaya ay naririnig na mga salita o
bagay na bago pa lamang sa atin, Mahalaga rin ang pagsusulat o ang pagtatake down ng mga
notes habang mayroong nagsasalita o kaya ay nakikinig sa isang talakayan upang sa ganon ay
maaari mong balikan at pag aralan muli ang iyong mga naitalang mga mahahalagang
impormasyon lalo na ang mga di pamilyar sa iyong bokabularyo na maaaring makatulong sayo
later on sa iyong pagsusulat ng akademikong sulatin o mga sulatin sa hinaharap.
 Mahala ring magbasa ng iba’t ibang sulatin sa isang tiyak na larangan at
pag-aralan ang mga istilo o huwarang ginamit sa pagkakasulat na ito
upang sag anon ay mas maging maalam ka o kaya’ y magkaroon ka pa ng
mga bagong kaalaman tungkol sa mga estilong maaaari mo ring gamitin o
iadapt upang mas maenhance, mapaganda at at maiprove pa lalo yung way
of writing mo. Kumbaga isa rin itong opportunity upang hindi ka lamang
magstick sa iisang istilo ng pagsusulat dapat you should learn to explore
para mas matuto ka pa.

Kailangan mong lumabas sa mga sitwasyong naksanayan mo kumbaga hindi ka dapat stick to
one. Hindi ka dapat nagsstick sa mga estratehiya o istilo na nakasanayan mo na kasi sayang
naman yung opportunity na matuto hindi ba? Laging tatandaan klas na huwag maging stick to
one sa estilo o estratehiyang gagamitin sa pagsulat ha? Hindi yung hindi ka magiging stick to one
sa mga jowa niya just because I said so and just because makaexplore kayo. Usapang pagsusulat
tayo ha?
 Kagaya ng sinabi ko kanina, klas kailangan nating pag-isipang mabuti
kung ano ang magiging paksa ng ating sulatin hindi ba? Dapat siguraduhin
natin na ang ating magiging paksa ay dapat kapansin-pansin, kaintere-
teresado at napapanahon.
Question: paano natin makukuha yung interes ng mga taong basahin ang iyong sulating iyong
binuo o sinulat?
Answer: Malaki ang ginagampanang papel ng estratehiya o istilong ating gagamitin upang
mahuli o kayay makuha natin ang atensyon ng mga tao, dapat una palang o kaya’y panimula
palang nito ay kaakit akit na at kapansin pansin na. dapat pagkabasa palang nila sa paksa ay
magkaroon na sila ng interest para ipagpatuloy at malaman kung ano ba ang magiging
kahihinatnan ng iyong sulatin. Kaya nararapat lamang talagang pag-isipan mo nang maraming
beses o kaya’y paganahin mo iyong critical and creative thinking upang sag anon ay mahila mo ‘
yong mga taong basahin ang iyong ginawa. Kasi bakit naman babasahin ng mga tao ang isang
babasahin kung sa una pa lang ay boring na hindi ba? Tandan klas na mas mag eenjoy o mas
mananabik ang isang taong basahin ang isang sulatin kung ang paksa mo palang o kayay sa
panimulang bahagi pa lamang ay kakaiba na.

 Bakit kailangang sumangguni muna sa tiyak na huwarang tekso bago


magsimulang smulat sa isnag tiyak na larangan klas?

Sapagkat sa pagsusulat klas hindi ka lamang naglalagay doon ng mga impormasyong hindi
naman totoo o kaya mema o eme eme lang sapagkat ang isa sa mga layunin ng akademikong
sulatin klas ay ang magbigay kaalaman o aral sa mga mambabasa.
Isa sa mga responsibilidad o kaya’ y obligasyon ng isang manunulat na siguraduhing tama,
wasto, accurate and reliable yung mga inilalagay nilang impormasyon o datos sa kanilang mga
isinusulat. Especially when it comes to academic writings.
Kasi kapag naglagay ka ng mga hindi makatotohanang information tapos nabasa iyon ng mga tao
maaaring maging sanhi pa ito ng false information. Maaaring imbes na makatulong ka e
agiwaras ka pay ket haan met. Sabi nga nila, No to fake news and yes to fact checking.
Kaya kayo kapag nagsusulat kayo lalo na kapag the information are from the internet kailangan
ninyong icheck kung reliable ba yung sources, . huwag kayong maniniwala agad sa isang
impormasyon na narinig o nabasa niyo lang once or twice. If its possible try to search din ng mga
related information na magsusupport sa impormasyong iyon gets niyo ba class? Para lang masure
na totoo yung mga information nayon.
 Kumonsulta sa mga taong bihasa sa pagsulat sa larangang nais pasukin
gayundin kung ano ang inaasahan (expectation) ng madla mula rito
Question: Mayroon bang maitutulong sa ating pagsusulat ang pagkonsulta sa mga taong bihasa
sa larangang ito?

Answer: Yes tama. Sapagkat sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga taong bihasa sa pagsulat ng
larangang nais pasukin, nabibigyan ka nila ng mga payo na magagamit mo sa pagsusulat. Maari
silang makatulong sayo upang maging Maganda o kaya’ y epektibo pa yung sulating isinusulat
mo. Sabi nga nila learn from the experts, learn from those people who have already experience it
because they are more knowledgeable and they have the experience to share na maaaro nating
kapupulutan ng aral. Mas matagal na sila sa pagsusulat kaya mas may marami na silang
kaalaman o karanasan dito and there is nothing from seeking help to other people. Walang
masama sa paghingi ng tulong sa ibang tao lalo naman kung ito rin ay para sa ikabubuti mo.
 Ito ay kadalasang humahantong sa tinatawag na stereotyping kapag hindi
naagapan. Halimbawa. Bagaman may mga babaeng magaslaw/masagwang
tingnan kapag naka-miniskirt ay hindi tamang ipagpalagay nalahat na
lamang ng nagsusuot ng miniskirt ay pawang magagaslaw.
Dapat sa pagsusulat, iwasan nating magkaroon ng unfair judgement o kaya’y hindi makatwirang
pagbibigay ng komento tungkol sa isang paksa. For example, yung mga taong nagsusuot ng red
lipsticks o kaya’ y gumagamit ng red nail polish sa kanilang mga nails. Diba kapag nakikita yon
ng mga tao sinasabi nila “ hmp anya mut atoy lipstick ken cutex mon nakalablabaga kasla ka
lang sorry for the term and I hope iwasan niyong sabihin o gamitin ito “ hostess”. So hindi
naman porket nagred nail polish ka or red lipstick e ganoon ka na? hindi ba? Kaya huwag
ninyong lahatin? Iwasan niyong magstereo typing lalo na kung wala naming enough proof or
batayan.
 Halimbawa na lamg nito ay kunwari lumabas sa isang pag-aaral na
karamihan sa mga mag-aaral sa baitang 12 ay nakakuha ng mababang
score sa kanilang mothly exam sa general mathematics ay hindi ito
nangangahulugang hindi epektibo ang nagging pagtuturo ng kanilang guro
sa genmath kasi maaaring mayroon ding kakulangan yung mag-aaral dito,
Maaaring hindi siya nagreview at marami pang iba. Maraming dapat
iconsider na maaaring maging dahilan nito.
Halimbawa pa, katulad ng taong palaging nagrereact sa mga shared posts and stories mo na akala
mo mayroong meaning lahat ng iyon, nag assume ka na gusto ka niya yun pala ay natatawa lang
talaga siya sa shared posts mo o kaya naman ay trip niya lang mag react sa mga stories mo. Nag-
assume ka na gusto ka niya pero in the reality is hindi naman pala. Nagconclude ka na agad na
gusto ka niya pero hindi naman pala. Delulu moments ba? Kaya sa pagsusulat class, iwasang
magconclude kaagad lalo na kung wala pang enough na proof para magconclude.

 Hindi natin maiiwasang magkaroon ng pagkakamali especially when it


comes to writing katulad ng maling baybay o spelling, maling paggamit ng
salita,punctuations at marami pang iba but always remember klas na kahit
hindi natin maiwasang magkamali sa mga ganitong instances we should
always be careful at siguraduhin natin na iwasan as much as we can ang
magkamali o magkaroon ng errors sa pagsusulat. Kung kailangang icheck
mo nang paulit-ulit, basahin mo nang napakaraming beses para lang
masiguradong erro free siya then gawin mo dahil para rin ito sa
ikakaganda ng sinusulat mo.
 Ang akademikong pagsulat ay laging nakakawing sa pagiging
responssable at walang puwang dito ang mga walang batayan at di-
makatarungang pagpuna na maaaring makasira sa personalidad ng iba.
Halimbawa you are making a position paper about the current president at
hindi ka sang ayon sa kaniyang paraan ng pamumuno dapat iwasan mo
paring gumamit ng mga katwirang walang sapat na patunay. Iwasan ang di
makatarungang pagpuna sa personalidad na may kinalaman sa isinusulat
mo. Kahit hindi ka sang ayon kailangan pa ring magmindful ka sa
palalahad ng iyong mga ideya lalo na kung alam mong maaaring makasira
ng ibang tao.
 Ang paikot-ikot na pahahain ng argumento ay nakababawas sa pagiging
intelehente ng isang sulatin. Tumutukoy ito sa mga pangangatwiran na
wala namang pinatutunguhan. Sa pagsusulat dapat palagi ninyong tandaan
na dpat dirct to the pint, hindi paligoy-ligoy, hindi paikot ikot. Kasi, klas
anong silbi ng napakahabang sulatin kung ang nilalaman naman nito ay
paikot ikot lang? magkakaroon ba ito ng sense? Hindi. Magiging epektbo
ba ito? Hindi. Magiging maliwanag bai to at mas madaling mauunawaan
ng mga mambabasa? Hindi.
Kaya sa pagsusulat, klas iwasan ninyong maglagay ng mga ideyang hindi naman mahalaga o
relevant sa paksa for the sake na humaba lamang ang inyong isinusulat. Palagi dapat itong direct
to the point. Kahit maiksi basta siksik sa impormasyon.
Ngayon ay dumako naman tayo sa teknikal na pagsulat
Ang teknikal na pagsulat ay sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman sa
komersyo o empleyo. Ito ay isang pinasadyang anyo ng pagsasaysay : iyon ay, ang nakasulat
na komunikasyon na ginawa sa trabaho, lalo na sa mga patlang na may mga espesyal
na bokabularyo , tulad ng agham , engineering, teknolohiya, at mga agham sa kalusugan. Basta
lagi lamang ninyong iisipin na ang teknikal na pagsulat ay mayroong tiyak na mambabasa, ito ay
kadalasang tumutukoy sa mga sulating mayroong kinalaman sa agham, teknolohiya, komersyo at
iba pa. Sinasabing ang teknikal na sulatin ay mayroong malawak na sakop o saklaw at ito ay mas
komplikadong gawin.
Ang paglalahad nito ay tiyak na estilo, maanyo at ginagamitan ng mga teknikal na bokabularyo.
Halimbawa ng teknikal na pagsulat ay liham mapapasukan.

Pamilyar ba kayo sa liham mapapasukan o application letter class? Ginagamit ang application
letter sa paghahanap ng trabaho hindi ba?
• Maingat na pagpaplano
Sa paggawa ng anumang sulatin lalo na sa teknikal na pagsulat kailangang ma
ingat tayo sa pagpaplano. Kailangan nating pag-aralang mabuti at planuhing
mabuti kung ano magiging iikutan o kaya’ y ilalagay sa mga isinusulat. Planuhing
mabuti ang mga istilo o estratehiyang gagamitin upang sa ganon ay masigurong
maayos at organisado ang magiging kahihinatnan nito.
• Pag-aangkop sa mambabasa
Nararapat lamang klas na iangkop ang iyong sulatin sa iyong mga mambabasa. Sa
teknikal na pagsulat klas, ito ay nakatuon o mayroon lamang itong tiyak na uri ng
mga mambabasa sapagkat ang sulating ito ay mayroong kinalaman sa mga mas
malalim na paksa katulad ng agham, teknolohiya, empleyo, komersyo at marami
pang iba. Parang ang mayroon lamang itong ispesipikong target na mambabasa.
Kaya nararapat na iangkop ang sulatin mo sa iyong mambabasa upang sag anon
ay alam mor in yung lebel o mga antas na gagamitin mo sa pagsusulat.
• Payak na pananalita at istilo
Nararapat lamang din klas na gumamit ng mga payak na pananalita at istilo upang
maiunawaan at maintindihan ng iyong mga target na mambabasa ang mensaheng
nais mong iparating, inahagi at ipaalam sa kanila. Iwasan ang mga paggamit ng
mga salitang masyadong malalim at komplikado upang maiwasan ang
kalituhan.siguraduhing ang mga istilo o pannanalitang ginamit mo ay an gkop sa
din sa iyong mga mambabasa.
• Kaisahan, kaugnayan, at diin
Siguraduhing mayroong kaisahan, kaugnayan at diin ang mga impormasyong
iyong inilalahad o inililalagay. Dapat ito ay organisadong naisaayos at mayroon
dapat kaugnayan sa iyong paksa. Iwasang maglagay ng mga impormasyon na
walang kaugnayan sa upang hindi ito maging sanhi ng pagkalito sa mga
mababasa. Huwag maglalagay ng mga sangkap na hindi makatutulong sa
pagpapahayg ng ideya o paksa.
• Kaanyuang nakatatawag-pansin
Upang makuha mo ang interes o atensyon ng mga taong basahin ang iyong
isinulat, kailangan mong mag isip at gumamit ng estratehiyang kakaiba at
namumukod tangi. Dapat sa panimulang bahagi pa lamang ng iyong sulatin ay
nakakaakit at nakatatawag na ng pansin.
• Pagkamalayunin sa pagsulat
Huwag na huwag nating kalimutan ang layunin ng ating sulatin habang tayo ay
nagsusulat. Bakit nga ba tayo nagsusulat? Bakit nga ba tayo gumagawa ng
sulatin? Nagiging makalyunin ang pagsulat ng isnag sulatin sa pamamagitan ng
paglalahad at pagsusuri ng mga datos bilang isangg tagamasid na hindi pinaiiral
ang pansariling damdamin.

You might also like