You are on page 1of 6

KABANATA 1

PAGBASA
SIKAPING MAUNAWAAN KUNG ANO ANG BINASA
Basahing muli ang may kahirapang sinipi at tingnan sa diksyunaryo ang mga di-
pangkaraniwang salita. Wala tayong mabubuong opinyon mula sa kung ano ang ating binasa
hangga’t di natin nauunawaan ang nais na iparating ng may-akda.

IHIWALAY ANG DAMDAMIN SA KATOTOHANAN


Karaniwang nahahaluan ng kulay ang isang isyu ng mga lenggwaheng punung-puno ng
damdamin ng mga matatalinong mananaliksik, at dahil dito, nagagawa nilang mangibabaw ang
kanilang opinyon. Halimbawa, ang isang nahatulang kriminal ay maaaring ilarawan sa mga
nakahahabag na lenggwahe na maglalayo ng pansin sa ginawang krimen. Maging alerto sa mga
islogan na kumukuha ng atensyon at sa mga pilosopong katwiran ukol sa komplikadong isyu.

TIMBANGIN ANG MGA KATIBAYAN


Hindi agad tinatanggap ng mga kritikal na mambabasa ang anumang kanilang binasa.
Lagi silang may handang katanungan ukol sa batayan at ang kanilang kaangkupan. Gamitin ang
sintunado kumon sa pagtaya ng mga katibayan. Halimbawang may manunulat na umaayon na
sapat nang batayan ang istilo ng pagsulat ng isang bata sa kanyang pagtanda, maaari na tayong
gumawa ng konklusyon na isa lamang itong ispekulasyon ayon na rin sa ating karanasan bilang
tao. Wala ritong matibay na ebidensya maliban sa nasabing pag sang-ayon.

PAGSULAT
PAUNLARIN ANG UGALI SA PAGSULAT
Ang paminsan-minsang manunulat ay katulad rin ng boksingerong nagpapraktis lamang
kung may laban at kitang-kita sa kanya ang mga paghahabol ng hininga at pamimintig ng mga
kalamnan habang nagsasanay. Maglaan nang mahabang panahon sa bolpen at papel, sa klase,
gumawa ng tala para sa sarili o para sa iba. Magsulat ng mga kunwari'y balangkas. Isulat ang
mga nabasang magandang pahayag o kagila-gilalas na pangyayari. Magsimula sa isang sariling
jornal kung saan itatala ang mga nadamang impresyon, karanasan, o kaisipan. Magsulat ng mga
komentaryo sa mga margin ng mga aklat o artikulo (tiyakin na pag-aari n'yo ang mga ito). Upang
matutong sumulat, magsulat.

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
ISIPIN NA ANG ATING PAGSULAT AY ISANG PATULOY NA GAWAIN
Ang isang ganap na papel ay hindi kagaya ng isang pakete na pwedeng damputin sa
groseri. Kailangang magbigay tayo ng panahon sa isang paksa na umunlad sa pamamagitan ng
mga mapagtitiwalaang pamuhatan. Matutong tumanggap ng mga pagkakamali sa simula at sa
pagdadalawang isip. Kung may pagkakataon, kausapin ang iba ukol sa inyong pagsulat,
kumonsulta sa mga kaklase para sa pinaplanong papel, at ihambing ang mga tala sa mga
kontemporaryong likha. Pakinggan ang mga pidbdak mula sa mga kasama, lalo na ang galing sa
dalubguro. Maglaan ng oras sa rebisyon, muling pagsulat, at muling pag-iisip.

ISALIN ANG ANUMANG NATUTUNAN SA IBANG LARANGAN SA GAWAING


PAGSULAT
Ang napaunlad na kaugalian sa pagsulat at pag-iisip ang maasahan nating kasangkapan sa
ibang kurso, sa ating medyor, at maging sa trabaho sa hinaharap. Anumang larangan ang ating
kasadlakan, alam na natin kung paano paunlarin ang paksa- ang tuklasin ang loob at labas nito, at
kumalap ng mga mahahalagang materyales. Alam na natin kung paano i-layout ang mga datos-
isaayos ang mga ito sa lohikal na paraan na umaangkop sa paksa na maaaring sundan ng ating
mambabasa. Alam na rin natin ang pagbubuo - bigyang linaw ang samut-saring detalye at
pagtugmain ang mga magkakaibang ebidensya. Alam rin natin ang ating madla- makatugon sa
kanilang pangangailangan at gumalang sa limitasyon ng mga nakikinig o mambabasa.

Sumusulat tayo upang magbigay ng impormasyon at manghikayat ng iba, subalit


nagsusulat rin tayo upang matuto. Sa ating pagsulat, pinupunan natin ang mga puwang sa mga
impormasyon, at nililinaw ang mga kalituhan sa ating isipan. Sinusubukan nating tuklasin kung
ano ang nasa ating isip. Nasusubok ang tagumpay ng isang piraso ng sulatin kung may
magagawa ito sa manunulat at sa mambabasa. Isipin ang inyong klase sa pagsulat bilang isang
pagkakataon sa pagkatuto -ukol sa lenggwahe, sa sarili, at sa iba pa.

MGA PATNUBAY SA
PAGBASA AT PAGSULAT NG RISERTS
Anuman ang ating gawin sa aktwal na pagsulat ng riserts ang magbigay buhay sa lahat.
Ganun pa man, ang ating mga isinasagawa bago pa man ang aktwal na pagsulat tulad ng pag-
oorganisa ng sarili at matutunan ang mga pangangailangan ng akademikong papel ay higit na
magiging mahalaga para sa atin.

PALAWAKIN ANG PANANAW NA KOMUNIKATIBO

Kung sa pagkakataong ito'y hindi pa natin nasusubukan ang paglikha ng papel


pampanaliksik, ngayon pa lang ay maghanda na tayo. Walang patutunguhan ang lubhang
pagmamadali sa pagsulat lalo na ang ilang gabing pagpupuyat sa paggawa ng mga kard bilang
saligan. Ngayon ang tamang panahon upang pulutin ang mga magagandang gawi na
makapagpapalawak ng ating pananaw na komunikatibo at pataasin ang kasanayang berbal.
“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
Ugaliing magbasa araw-araw ng mga magaganda at may matataas na kalidad ng mga
pahayagan. Subukan ang The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, o The Manila Bulletin,
at hindi katulad ng maikling tunog gaya ng mga pahayagang tabloid na karaniwang di
naglalaman ng mapagkukunang impormasyong panriserts. Ang mga nasabing pahayagan ay
sinulat para sa mga mapanuring mambabasa at nag-aangat sa tunay na tawag ng jornalismo sa
kasalukuyang panahon. Pansinin kung paano talakayin ng mga editor ang mga napapanahong
isyu at walang pagkiling na paglalahad ng sakit ng lipunan.

✓ Magsanay
Pinakamabuting paraan ng pagsasanay sa larong takbuhan ang tumakbo bago pa man
dumating ang araw ng paligsahan. Pinakamabuti ring paraan ng pagsasanay sa pagkuha ng
pagsusulit sa mga katanungan panriserts ang pag-aralan ang iba't ibang tanong habang malayo pa
ang takdang oras.

Una, tandaan ang mga inilahad na suliranin para sa anumang uri ng tanong. Kaunti lang
ang pagkakaiba ng mga tanong sa eksaktong salita na matatagpuan sa aklat na ito. Sa halip na
ubusin ang panahon sa pagbasa ng mga reperensya, subukang gamitin ito sa pagtugon sa mga
katanungan.

Simulan na ang pagsasanay sa pagsusulit. Upang higit na maging handa, idaan ito na parang
tunay na sitwasyon ng pagsusulit- walang pahinga sa bawat pagitan, walang magsasalita o
usapan, wala ring tulong mula sa mga kaibigan. Sa ganitong kundisyon, madarama ang tiwala sa
sarili at katatagan sa loob ng tatlong oras sa pagsusulit.

✓ Matutong Umagapay sa Bawat Hakbang


Habang nagpapatuloy sa pagbasa ng aklat, maaaring makaramdam ng panghihina sa
alinmang katanungan; isiping kaya natin ito. Una, tanungin ang sarili na kayang sagutin ang
tanong kung mabibigyan ng mahaba-habang panahon, o ito ang tanong na wala tayong ideya
kung paano sagutin. At kung maisip natin na matutugunan ang tanong kapag nabigyan ng
pangalawang pagkakataon, markahan ng tsek (√) ang tanong, bilang paghahanda sa pagbalik
matapos masagutan ang mga madadaling tanong sa pagri-riserts. Sakaling wala pang alam na
tugon sa tanong, markahan ito ng ekis (×) at balikan kapag nasagutan na ang lahat ng tanong at
matapos rebyuhin ang lahat ng kasagutan. Sa madalas na pagsasanay, madali nang tandaan ang
kahulugan ng tsek at ng ekis. Sa anumang sitwasyon, kapag nakadama ng lubhang tagal sa isang
tanong, higit na makabubuting magpatuloy.

✓ Matutong Mag-pokus
Isa pang mahalagang bagay na dapat gawin ay ang pagpapalakas ng konsentrasyon.
Habang nagsasagawa tayo ng pagsasanay at pagtugon sa modelong panaliksik, tandaan kung
kailan tayo nagsimulang mawalan ng fokus. Nawawala ba ang ating isipan sa gitna ng pagbabasa
ng mahabang pahayagan. Nagkaroon ba tayo ng pagkakataong tumitig sa kawalan o masdan ang
paglakad ng maliit na kamay ng orasan? Mabilis rin ba tayong nakababalik sa ating layunin?

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
Gayun pa man, walang masama sakaling mawala ang ating pokus sa loob ng ilang saglit.
Nangyayari naman ito sa lahat. Sakaling tayo'y nawawaglit, ngumiti. Tayo'y tao lamang. Dahan-
dahang huminga ng malalim at saka marahan rin itong pakawalan. Balikang muli ang talata o
ang tanong na pinag-aaralan. Ngayon, handa na tayong tumanggap ng ilang puntos.

ANG GABING DARATING

✓ Magpahinga
Pinakamabuting gawin para sa ating sarili bago pumalaot sa pananaliksik ang
pagkakaroon ng mahimbing na pagtulog. Sakaling di makadama ng antok, makinig at magrelaks
sa pamamagitan ng musika, o mag-ehersisyo at maligo ng maligamgam na tubig. Sakaling
nakahiga na sa kama at di makatulog, subukan ang konsentrasyon sa paghinga: huminga ng
malalim sa bilang na apat hanggang anim, at sa muling bilang na apat hanggang anim palabasin
ang hangin. Ang pigilan ang hininga sa mga dating bilang na apat hanggang anim, at sa muling
bilang na apat hanggang anim palabasin ang hangin. Ang konsentrasyon sa paghinga o
imahinasyon ng larawan ng tao o pook ay nakatutulong sa pagtanggal ng mga distraksyon at
nakarerelaks.

SA PANAHON NG PANANALIKSIK

✓ Huwag Aksayahin ang Oras


Habang pinag-aaralan ang pagsasagawa ng modelong riserts o ng aklat na ito, kailangang
napaunlad na natin ang ating sariling ritmo ng pananaliksik. Kailangang alam na natin ang
tamang bilang ng nga tanong upang matugunan ang pangangailangang pang-akademiko.
Magtiwala sa sarili.

✓ Tandaan ang Wastong Gawain


Kapag binigyan natin ng ekis ang isang sagot na alam nating mali, kung nilaktawan
nating ang isang tanong upang balikang muli, alam natin na tayo'y nasa tamang direksyon.
Kapag napansing nawawala ang ating atensyon at mabilis ring nakababalik sa gawain, at
pansamantalang nag-uunat ng mga buto, palatandaan ang mga ito na kontrolado natin ang
sitwasyon. Ipinapakita lamang nito na alam natin ang paggawa ng isang bagay at sa tamang
paraan.

✓ Tapikin ang sariling balikat


Sa bawat pagkakataong nakakakuha tayo ng tamang aklat sa pagpapatuloy ng
pananaliksik, tapikin ang sariling balikat. "Ayos! Dagdag na puntos ito!". Namnamin ang
tagumpay, marami pang tamang pagpili ang susunod. Damahin ang pag-unlad na isinasagawa at
gantimpalang hatid ng unibersidad sa hinaharap.

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
MGA MAPAGKAKATIWALAANG PATNUBAY SA SISTEMATIKONG
PANANALIKSIK

Maging sa mga maiikling papel, matuto tayong mag-iskan ng napapanahong diyaryo para
sa mahahalagang impormasyon. Magbasa ng isa o higit pang batayang artikulo. Magsagawa ng
di pormal na interbyu. Habang lumalawak ang proyekto, higit pang lumalalim ang pananaliksik.
Halimbawang nais na paunlarin ang repormang agraryo, kailangan ang malawak, napapanahon,
at mapagkakatiwalaang pamuhatan. Maaaring pag-aaralan ang mga estadistikang opisyal,
paghahambing ng mga karanasan, mga magsasaka o benepisyaryo, opinyon ng mga
nagpapatupad ng mga batas pansakahan, at mga natuklasan ng mga organisadong samahan o
ahensya ng pamahalaan.
Tandaan na higit na mabuting basahin ang isang papel na hindi lamang naglalaman ng
kuru-kuro ng may-akda. Naglalahad ito ng mga pahayag batay sa pagmamasid, karanasan, o
eksplorasyon.

MEDITASYON PARA SA KATATAGAN NG KATAWAN AT PAG-IISIP


BAGO MAGSAGAWA NG PANANALIKSIK

Natatamo sa meditasyon ang katiwasayan ng isipan, kapanatagan at katahimikan ng


kalooban. Lumilikha ito ng balanse at kalalagayan ng pagkakasundo. May ilang tumutukoy dito
bilang pamamaraan ng konsentrasyon kung saan ang katiwasayan ng isipan ay nakakamit sa
pamamagitan ng konsentrasyon sa iisang bagay - ang hininga ng tao. Ang motibasyon nasa likod
ng teknik na ito ng meditasyon ay ang paglikha ng kumpleto at balanseng katawan at isipan
upang magaang dumaloy nang walang anumang sagabal. Nais ditong mapag-isa ang atensyon ng
isipan sa pag-pokus ng direkta sa hininga ng tao. Kapag may nagsasalimbayang ideya na
nakalilito sa isipan at humihina ang atensyon, marahan ngunit matatag na ibinabalik ng
konsentrasyon ang pokus sa paghinga.

Upang makasigurong walang gambala sa konsentrasyon, sikaping nasa minimum ang


mga panlabas na sagabal. Isagawa ang meditasyon sa malamig at tahimik na silid; panatilihin sa
labas ang mga panggulo at pang-abala. Huwag umasang matamo ang ganap na konsentrasyon sa
loob lamang ng isang magdamag. Hindi ito madaling isagawa sapagkat ang isipan ay
napakahirap kontrolin.

Simulang irelaks ang pisikal na katawan sa isipan. Sakaling makatulog, huwag mag-alala.
Lahat naman tayo'y nakakatulog kapag nakararamdam ng ginhawa sa pagiging relaks, subalit
kung tayo'y magtagumpay na manatiling gising, kagila-gilalas na pakiramdam ang hatid sa atin
ng kaloob-looban ng isipan. Malalabanan natin ang tulog kapag napanatiling bukas ang mga
mata sa meditasyon, at sa halip na mahiga, maupo.

Napakahalagang magrelaks habang tayo'y nagkokonsentrasyon at kung hindi, walang


bisa ang proseso ng meditasyon. Mahirap na bahagi ang pagtatamo ng relaksasyon nang di
nakadarama ng antok. Magagawa lamang ito matapos ang mahabang pagsasanay hanggang sa
matagumpay ang isipan na manatiling tahimik sa mahaba at matagal na panahon.

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
Ngayon, mag-pokus tayo sa hininga ng tao. Huwag gumamit ng pwersa sa paghinga at
huwag pigilin nang di makadama ng kakatwang pakiramdam. Layunin dito na huwag huminga
ng malalim at marahan. Mas mataas na pamamaraan ito at hindi pa natin kailangan. Layunin
lamang natin na masundan ang ating paghinga. Isa itong pagsasanay sa pagpapaunlad ng isipan
sa isang punto ng konsentrasyon. Kailangan dito ang pagsasanay.

Isa pang sagabal sa meditasyon ang paglalayag ng isipan o ang matuon ito sa mga walang
halagang bagay. Kapag nangyari ito, dahandahang ibalik ang ating isipan sa paghinga. Piliting
maibalik ang atensyon sa paghinga.

Sa pagsisimula isagawa ang pagsasanay na ito sa loob ng sampung minuto. Huwag


maupo at magsagawa ng meditasyon sa loob ng mahabang oras sa mga panimulang araw.
Makabubuting isagawa ito nang madalas at regular, kaysa magsanay kapag naibigan at susundan
ng mahabang panahon nang paghinto. Nagbibigay ng magandang resulta ang meditasyon kung
gagawin itong regular araw-araw o tatlong beses sa isang linggo kahit na sa loob lamang ng
labinlimang minuto bawat pagsasanay.

Bukod sa benepisyong pangkalusugan ng isipan at katawan, may mga pananaliksik na


nagpapatunay na nagpapahaba pa ito ng buhay. Walang mawawala sa atin kung susubukan natin
ito bago ang paglalayag natin sa pagsulat ng pananaliksik.

INIHANDA NI:

Bb. Lanz Alexis Beashamaine S. Paña ♥♥♥


GURO

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3

You might also like