You are on page 1of 6

KABANATA 1

PAGBASA
SIKAPING MAUNAWAAN KUNG ANO ANG BINASA
Basahing muli ang may kahirapang sinipi at tingnan sa diksyunaryo ang mga di-
pangkaraniwang salita. Wala tayong mabubuong opinyon mula sa kung ano ang ating
binasa hangga’t di natin nauunawaan ang nais na iparating ng may-akda.
    
IHIWALAY ANG DAMDAMIN SA KATOTOHANAN
Karaniwang nahahaluan ng kulay ang isang isyu ng mga lenggwaheng punung-
puno ng damdamin ng mga matatalinong mananaliksik, at dahil dito, nagagawa nilang
mangibabaw ang kanilang opinyon. Halimbawa, ang isang nahatulang kriminal ay
maaaring ilarawan sa mga nakahahabag na lenggwahe na maglalayo ng pansin sa
ginawang krimen. Maging alerto sa mga islogan na kumukuha ng atensyon at sa mga
pilosopong katwiran ukol sa komplikadong isyu. 

TIMBANGIN ANG MGA KATIBAYAN


Hindi agad tinatanggap ng mga kritikal na mambabasa ang anumang kanilang
binasa. Lagi silang may handang katanungan ukol sa batayan at ang kanilang
kaangkupan. Gamitin ang sintunado kumon sa pagtaya ng mga katibayan.
Halimbawang may manunulat na umaayon na sapat nang batayan ang istilo ng
pagsulat ng isang bata sa kanyang pagtanda, maaari na tayong gumawa ng konklusyon
na isa lamang itong ispekulasyon ayon na rin sa ating karanasan bilang tao. Wala ritong
matibay na ebidensya maliban sa nasabing pag sang-ayon. 

PAGSULAT
PAUNLARIN ANG UGALI SA PAGSULAT
Ang paminsan-minsang manunulat ay katulad rin ng boksingerong nagpapraktis
lamang kung may laban at kitang-kita sa kanya ang mga paghahabol ng hininga at
pamimintig ng mga kalamnan habang nagsasanay. Maglaan nang mahabang panahon
sa bolpen at papel, sa klase, gumawa ng tala para sa sarili o para sa iba. Magsulat ng
mga kunwari'y balangkas. Isulat ang mga nabasang magandang pahayag o kagila-
gilalas na pangyayari. Magsimula sa isang sariling jornal kung saan  itatala ang mga
nadamang impresyon, karanasan, o kaisipan. Magsulat ng mga komentaryo sa mga
margin ng mga aklat o artikulo (tiyakin na pag-aari n'yo ang mga ito). Upang matutong
sumulat, magsulat. 

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
ISIPIN NA ANG ATING PAGSULAT AY ISANG PATULOY NA GAWAIN
Ang isang ganap na papel ay hindi kagaya ng isang pakete na pwedeng
damputin sa groseri. Kailangang magbigay tayo ng panahon sa isang paksa na
umunlad sa pamamagitan ng mga mapagtitiwalaang pamuhatan. Matutong tumanggap
ng mga pagkakamali sa simula at sa pagdadalawang isip. Kung may pagkakataon,
kausapin ang iba ukol sa inyong pagsulat, kumonsulta sa mga kaklase para sa
pinaplanong papel, at ihambing ang mga tala sa mga kontemporaryong likha.
Pakinggan ang mga pidbdak mula sa mga kasama, lalo na ang galing sa dalubguro.
Maglaan ng oras sa rebisyon, muling pagsulat, at muling pag-iisip. 

ISALIN ANG ANUMANG NATUTUNAN SA IBANG LARANGAN SA GAWAING


PAGSULAT
Ang napaunlad na kaugalian sa pagsulat at pag-iisip ang maasahan nating
kasangkapan sa ibang kurso, sa ating medyor, at maging sa trabaho sa hinaharap.
Anumang larangan ang ating kasadlakan, alam na natin kung paano paunlarin ang
paksa- ang tuklasin ang loob at labas nito, at kumalap ng mga mahahalagang
materyales. Alam na natin kung paano i-layout ang mga datos- isaayos ang mga ito sa
lohikal na paraan na umaangkop sa paksa na maaaring sundan ng ating mambabasa.
Alam na rin natin ang pagbubuo - bigyang linaw ang samut-saring detalye at
pagtugmain ang mga magkakaibang ebidensya. Alam rin natin ang ating madla-
makatugon sa kanilang pangangailangan at gumalang sa limitasyon ng mga nakikinig o
mambabasa. 

Sumusulat tayo upang magbigay ng impormasyon at manghikayat ng iba, subalit


nagsusulat rin tayo upang matuto. Sa ating pagsulat, pinupunan natin ang mga puwang
sa mga impormasyon, at nililinaw ang mga kalituhan sa ating isipan. Sinusubukan
nating tuklasin kung ano ang nasa ating isip. Nasusubok ang tagumpay ng isang piraso
ng sulatin kung may magagawa ito sa manunulat at sa mambabasa. Isipin ang inyong
klase sa pagsulat bilang isang pagkakataon sa pagkatuto -ukol sa lenggwahe, sa sarili,
at sa iba pa.

MGA PATNUBAY SA
PAGBASA AT PAGSULAT NG RISERTS
Anuman ang ating gawin sa aktwal na pagsulat ng riserts ang magbigay buhay
sa lahat. Ganun pa man, ang ating mga isinasagawa bago pa man ang aktwal na
pagsulat tulad ng  pag-oorganisa ng sarili at matutunan ang mga pangangailangan ng
akademikong papel ay higit na magiging mahalaga para sa atin. 

PALAWAKIN ANG PANANAW NA KOMUNIKATIBO

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
Kung sa pagkakataong ito'y hindi pa natin nasusubukan ang paglikha ng papel
pampanaliksik, ngayon pa lang ay maghanda na tayo. Walang patutunguhan ang
lubhang pagmamadali sa pagsulat lalo na ang ilang gabing pagpupuyat sa paggawa ng
mga kard bilang saligan. Ngayon ang tamang panahon upang pulutin ang mga
magagandang gawi na makapagpapalawak ng ating pananaw na komunikatibo at
pataasin ang kasanayang berbal. 

Ugaliing magbasa araw-araw ng mga magaganda  at may matataas na kalidad


ng mga pahayagan. Subukan ang The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, o The
Manila Bulletin, at hindi katulad ng maikling tunog gaya ng mga pahayagang tabloid na
karaniwang di naglalaman ng mapagkukunang impormasyong panriserts. Ang mga
nasabing pahayagan ay sinulat para sa mga mapanuring mambabasa at nag-aangat sa
tunay na tawag ng jornalismo sa kasalukuyang panahon. Pansinin kung paano
talakayin ng mga editor ang mga napapanahong isyu at walang pagkiling na paglalahad
ng sakit ng lipunan.

 Magsanay
Pinakamabuting paraan ng pagsasanay sa larong takbuhan ang tumakbo bago
pa man dumating ang araw ng paligsahan. Pinakamabuti ring paraan ng pagsasanay sa
pagkuha ng pagsusulit sa mga katanungan panriserts ang pag-aralan ang iba't ibang
tanong habang malayo pa ang takdang oras.

Una, tandaan ang mga inilahad na suliranin para sa anumang uri ng tanong.
Kaunti lang ang pagkakaiba ng mga tanong sa eksaktong salita na matatagpuan sa
aklat na ito. Sa halip na ubusin ang panahon sa pagbasa ng mga reperensya, subukang
gamitin ito sa pagtugon sa mga katanungan. 

Simulan na ang pagsasanay sa pagsusulit. Upang higit na maging handa, idaan ito na
parang tunay na sitwasyon ng pagsusulit- walang pahinga sa bawat pagitan, walang
magsasalita o usapan, wala ring tulong mula sa mga kaibigan. Sa ganitong kundisyon,
madarama ang tiwala sa sarili at katatagan sa loob ng tatlong oras sa pagsusulit.  

 Matutong Umagapay sa Bawat Hakbang


Habang nagpapatuloy sa pagbasa ng aklat, maaaring makaramdam ng
panghihina sa alinmang katanungan; isiping kaya natin ito. Una, tanungin ang sarili na
kayang sagutin ang tanong kung mabibigyan ng mahaba-habang panahon, o ito ang
tanong na wala tayong ideya kung paano sagutin. At kung maisip natin na matutugunan
ang tanong kapag nabigyan ng pangalawang pagkakataon, markahan ng tsek (√) ang
tanong, bilang paghahanda sa pagbalik matapos masagutan ang mga madadaling
tanong sa pagri-riserts. Sakaling wala pang alam na tugon sa tanong, markahan ito ng
ekis (×) at balikan kapag nasagutan na ang lahat ng tanong at matapos rebyuhin ang
lahat ng kasagutan. Sa madalas na pagsasanay, madali nang tandaan ang kahulugan
ng tsek at ng ekis. Sa anumang sitwasyon, kapag nakadama ng lubhang tagal sa isang
tanong, higit na makabubuting magpatuloy. 

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
 Matutong Mag-pokus
Isa pang mahalagang bagay na dapat gawin ay ang pagpapalakas ng
konsentrasyon. Habang nagsasagawa tayo ng pagsasanay at pagtugon sa modelong
panaliksik, tandaan kung kailan tayo nagsimulang mawalan ng fokus. Nawawala ba ang
ating isipan sa gitna ng pagbabasa ng mahabang pahayagan. Nagkaroon ba tayo ng
pagkakataong tumitig sa kawalan o masdan ang paglakad ng maliit na kamay ng
orasan? Mabilis rin ba tayong nakababalik sa ating layunin? 

Gayun pa man, walang masama sakaling mawala ang ating pokus sa loob ng
ilang saglit. Nangyayari naman ito sa lahat. Sakaling tayo'y nawawaglit, ngumiti. Tayo'y
tao lamang. Dahan-dahang huminga ng malalim at saka marahan rin itong pakawalan.
Balikang muli ang talata o ang tanong na pinag-aaralan. Ngayon, handa na tayong
tumanggap ng ilang puntos. 

ANG GABING DARATING

 Magpahinga
Pinakamabuting gawin para sa ating sarili bago pumalaot sa pananaliksik ang
pagkakaroon ng mahimbing na pagtulog. Sakaling di makadama ng antok, makinig at
magrelaks sa pamamagitan ng musika, o mag-ehersisyo at maligo ng maligamgam na
tubig. Sakaling nakahiga na sa kama at di makatulog, subukan ang konsentrasyon sa
paghinga: huminga ng malalim sa bilang na apat hanggang anim, at sa muling bilang na
apat hanggang anim palabasin ang hangin. Ang pigilan ang hininga sa mga dating
bilang na apat hanggang anim, at sa muling bilang na apat hanggang anim palabasin
ang hangin. Ang konsentrasyon sa paghinga o imahinasyon ng larawan ng tao o pook
ay nakatutulong sa pagtanggal ng mga distraksyon at nakarerelaks.

SA PANAHON NG PANANALIKSIK

 Huwag Aksayahin ang Oras


Habang pinag-aaralan ang pagsasagawa ng modelong riserts o ng aklat na ito,
kailangang napaunlad na natin ang ating sariling ritmo ng pananaliksik. Kailangang
alam na natin ang tamang bilang ng nga tanong upang matugunan ang
pangangailangang pang-akademiko. Magtiwala sa sarili.

 Tandaan ang Wastong Gawain


Kapag binigyan natin ng ekis ang isang sagot na alam nating mali, kung
nilaktawan nating ang isang tanong upang balikang muli, alam natin na tayo'y nasa
tamang direksyon. Kapag napansing nawawala ang ating atensyon at mabilis ring
nakababalik sa gawain, at pansamantalang nag-uunat ng mga buto, palatandaan ang
mga ito na kontrolado natin ang sitwasyon. Ipinapakita lamang nito na alam natin ang
paggawa ng isang bagay at sa tamang paraan. 

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
 Tapikin ang sariling balikat
Sa bawat pagkakataong nakakakuha tayo ng tamang aklat sa pagpapatuloy ng
pananaliksik, tapikin ang sariling balikat. "Ayos! Dagdag na puntos ito!". Namnamin ang
tagumpay, marami pang tamang pagpili ang susunod. Damahin ang pag-unlad na
isinasagawa at gantimpalang hatid ng unibersidad sa hinaharap. 

MGA MAPAGKAKATIWALAANG PATNUBAY SA SISTEMATIKONG


PANANALIKSIK
Maging sa mga maiikling papel, matuto tayong mag-iskan ng napapanahong
diyaryo para sa mahahalagang impormasyon. Magbasa ng isa o higit pang batayang
artikulo. Magsagawa ng di pormal na interbyu. Habang lumalawak ang proyekto, higit
pang lumalalim ang pananaliksik. Halimbawang nais na paunlarin ang repormang
agraryo, kailangan ang malawak, napapanahon, at mapagkakatiwalaang pamuhatan.
Maaaring pag-aaralan ang mga estadistikang opisyal, paghahambing ng mga
karanasan, mga magsasaka o benepisyaryo, opinyon ng mga nagpapatupad ng mga
batas pansakahan, at mga natuklasan ng mga organisadong samahan o ahensya ng
pamahalaan.
Tandaan na higit na mabuting basahin ang isang papel na hindi lamang
naglalaman ng kuru-kuro ng may-akda. Naglalahad ito ng mga pahayag batay sa
pagmamasid, karanasan, o eksplorasyon. 

MEDITASYON PARA SA KATATAGAN NG KATAWAN AT PAG-IISIP


BAGO MAGSAGAWA NG PANANALIKSIK

Natatamo sa meditasyon ang katiwasayan ng isipan, kapanatagan at


katahimikan ng kalooban. Lumilikha ito ng balanse at kalalagayan ng pagkakasundo.
May ilang tumutukoy dito bilang pamamaraan ng konsentrasyon kung saan ang
katiwasayan ng isipan ay nakakamit sa pamamagitan ng konsentrasyon sa iisang
bagay - ang hininga ng tao. Ang motibasyon nasa likod ng teknik na ito ng meditasyon
ay ang paglikha ng kumpleto at balanseng katawan at isipan upang magaang dumaloy
nang walang anumang sagabal. Nais ditong mapag-isa ang atensyon ng isipan sa pag-
pokus ng direkta sa hininga ng tao. Kapag may nagsasalimbayang ideya na nakalilito
sa isipan at humihina ang atensyon, marahan ngunit matatag na ibinabalik ng
konsentrasyon ang pokus sa paghinga.

Upang makasigurong walang gambala sa konsentrasyon, sikaping nasa


minimum ang mga panlabas na sagabal. Isagawa ang meditasyon sa malamig at
tahimik na silid; panatilihin sa labas ang mga panggulo at pang-abala. Huwag umasang
matamo ang ganap na konsentrasyon sa loob lamang ng isang magdamag. Hindi ito
madaling isagawa sapagkat ang isipan ay napakahirap kontrolin.

Simulang irelaks ang pisikal na katawan sa isipan. Sakaling makatulog, huwag


mag-alala. Lahat naman tayo'y nakakatulog kapag nakararamdam ng ginhawa sa
pagiging relaks, subalit kung tayo'y magtagumpay na manatiling gising, kagila-gilalas na

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3
pakiramdam ang hatid sa atin ng kaloob-looban ng isipan. Malalabanan natin ang tulog
kapag napanatiling bukas ang mga mata sa meditasyon, at sa halip na mahiga, maupo. 

Napakahalagang magrelaks habang tayo'y nagkokonsentrasyon at kung hindi,


walang bisa ang proseso ng meditasyon. Mahirap na bahagi ang pagtatamo ng
relaksasyon nang di nakadarama ng antok. Magagawa lamang ito matapos ang
mahabang pagsasanay hanggang sa matagumpay ang isipan na manatiling tahimik sa
mahaba at matagal na panahon. 

Ngayon, mag-pokus tayo sa hininga ng tao.  Huwag gumamit ng pwersa sa


paghinga at huwag pigilin nang di makadama ng kakatwang pakiramdam. Layunin dito
na huwag huminga ng malalim at marahan. Mas mataas na pamamaraan ito at hindi pa
natin kailangan. Layunin lamang natin na masundan ang ating paghinga. Isa itong
pagsasanay sa pagpapaunlad ng isipan sa isang punto ng konsentrasyon. Kailangan
dito ang pagsasanay. 

Isa pang sagabal sa meditasyon ang paglalayag ng isipan o ang matuon ito sa
mga walang halagang bagay. Kapag nangyari ito, dahandahang ibalik ang ating isipan
sa paghinga. Piliting maibalik ang atensyon sa paghinga. 

Sa pagsisimula isagawa ang pagsasanay na ito sa loob ng sampung minuto.


Huwag maupo at magsagawa ng meditasyon sa loob ng mahabang oras sa mga
panimulang araw. Makabubuting isagawa ito nang madalas at regular, kaysa magsanay
kapag naibigan at susundan ng mahabang panahon nang paghinto. Nagbibigay ng
magandang resulta ang meditasyon kung gagawin itong regular araw-araw o tatlong
beses sa isang linggo kahit na sa loob lamang ng labinlimang minuto bawat
pagsasanay.

Bukod sa benepisyong pangkalusugan ng isipan at katawan, may mga


pananaliksik na nagpapatunay na nagpapahaba pa ito ng buhay. Walang mawawala sa
atin kung susubukan natin ito bago ang paglalayag natin sa pagsulat ng pananaliksik.

INIHANDA NI:

Bb. Lanz Alexis Beashamaine S. Paña ♥♥♥


GURO

“I can do all things through Christ who strengthens me.”- Philippians 4:13 <3

You might also like