You are on page 1of 37

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA
PANANALIKSIK
CHERRYL S. BARTE
Guro
MGA PANUNTUNAN SA KLASE

M – agkaroon ng repleksiyon
A – asahan ng guro ang inyong 100% partisipasyon
H – uwag papasok sa klase nang hindi handa
A – ng pagbibigay ng opinyon sa aralin ay mahalaga
L – laging sumunod sa mga panuntunan sa klase
Pagsagot sa Takdang-aralin:
1. Ano ang pagbasa?
2. Ano ang mga benepisyo ng pagbabasa?
KAHULUGAN NG PAGBASA,
MGA BENEPISYO NITO
AT
HALIMBAWANG TEKSTO
INTERBYU
1. Ano-anong babasahin ang kinahihiligan mo?
2. Ano ang karaniwang dahilan kung bakit ka nagbabasa ng isang
teksto?
3. Ano-anong estratehiya sa pagbasa ang ginagawa mo upang
maintindihan ang teksto?
4. Ano ang maipapayo mo upang lubos na malinang ang pagbasa
ng mga tulad mong mag-aaral sa Senior High?
Apat na Makrong Kasanayan

9%
Pakikinig
16%
45% Pagsasalita
Pagbasa
30%
Pagsulat
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya ng


mga bata, upang libangin ang
sarili, o gaya ng mga matatayog
ang pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya ng


mga bata, upang libangin ang
sarili, o gaya ng mga matatayog
ang pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na


Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na
kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng
iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New


Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral ang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
PAGBASA
Sa pamamagitan ng pagbabasa ay napalalawak
natin ang ating kaalaman at napatataas ang ating
pag unawa. Hinahamon nito ang mga
mambabasa upang tuklasin ang nakapaloob na
konsepto o mensahe. Kinakailangang mapaglaro
ang imahinasyon, matalas na pagmamasid,
matalinong panunuri, at masigasig na
pagmumuni.
PAGBASA
Marami tayong nakukuhang impormasyon kung
tayo ay nagbabasa, kaya mapapansin na kung
mayroon tayong dating kaalaman sa paksa ng
binabasa, lalong mabilis ang ating pagbabasa,
nakapokus ang ating isipan sa panlahat na kahulugan
ng teksto, madali tayong makagawa ng sariling
estratehiya sa pagproseso ng ating binabasa upang
madali natin itong maunawaan.
MGA BENEPISYO NG PAGBABASA

1. Nagpapatalas ng isip at 5. Maaaring makareleyt at


pang-unawa matuto
2. Nagpapayaman ng 6. Nagiging produktibo
bokabularyo 7. Nagpapa-andar at
3. Kadalasa’y nakaaalis ng nagpapalawak ng
istres imahinasyon
4. Nakapaglalakbay nang libre
#SinglesRepresent #NoToJustOne #IDeserveAnExplanation
Giselle Dela Cruz
https://www.facebook.com/giselledc (with permission of the author)

"Oo na! Ako nang walang boypren!" First time


kong mapasigaw sa mall, at sa Glorietta pa.
Paano napadaan ako sa McDonalds kanina at
tuwang-tuwa na makakita ang bagong flavors nila.
Wow, Red Velvet float! Taray, Strawberry Kiss Oreo
Sundae! Love is in the air nga talaga.
Tas nakita ko 'tong price. Teka, teka, teka.
Ano 'tong nakasulat, 'by the pair' at 'just one'?
Kapag 2 ang binili mo makakamura ng ilang
piso, at kapag isa lang ang bibilhin mas
mahal.
At look, ang term na ginamit ay 'Just
one'. Just. One. Grabe ang sakit! Paano ang
direct translation nito sa Filipino, 'Isa lang'.
Ouch. Medyo brutal ah. Eh kung pinangalanan na lang
nila na 'single order' o 'happily single'?
O kaya, 'Mag-isa pero kaya pa!', "Loving myself before I
love somebody else," o "Naghihintay ng tamang panahon,
tamang rason
at tamang tao".
Just one? Bakit parang kaming mga single pa ang
nagkulang? At tignan mo ang presyo, mas mapapamahal ka pa
pag mag-isa ka lang, so ano, kami na naman talo? Talo na nga
sa pag-ibig magbabayad pa kami ng extrang 2 pesos para sa
ice cream?
Susmarya, kasalanan ko pa ata na single ako.
Paano oorder ang mga kapwa kong singles nyan,
"Miss isang sundae, just one. Iniwan kasi ako sa
ere ng nililigawan ko" o "Ate isang cone please,
'yun pang-single kasi pinagpalit ako ng mahal ko"
o "Kuya, malamig na Mcfloat na pang-isa,
sobrang sakit na kasi pakiramdam ko natutunaw
na 'tong puso ko."
Pambihira Mcdo, kaya nga ako bibili ng ice cream para
maibsan ang lungkot at sakit. Bibili ako ng ice cream dahil
malamang walang magbibigay ng bouquet ng roses o box ng
chocolates sa Valentine's. Bibili ako ng ice cream dahil umaasa
akong makakatikim ng kaunting tamis ang bitterness na
bumabalot sa pusong ito. Pero ano, ipaparamdam mo pa sa akin
na mas malala ang walang syota?
Oo, galit ako. Hindi dahil wala akong
kalandian sa Valentine's na pabebeng kumakain ng
ice cream niyo, kundi tinawag niyo kaming "Just
One" at papabayarin pa ng mas mahal kaysa sa
mga nakahanap na ng kanilang The One.
Kasanayan
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa mga tekstong
tinalakay

1. Batay sa tekstong Pinggang Pinoy, ano ang pangunahing dahilan ng


obesity sa bansa?
2. Sino-sino ang pinoproteksyunan ng R.A. 9262?
3. Batay sa tekstong Pangamba at Depresyon, ano ang naitutulong ng
CBT sa mga nakararanas ng depresyon?

B. Pumili ng tatlong pahayag batay sa mga binasang teksto. Isulat sa


iyong kwaderno kung bakit mo pinaniniwalaan ang mga pahayag na
iyong napili.
Takdang Aralin
Magbasa ng isang kolum/editorial at suriin batay sa
talahanayan na nasa ibaba.
Mga Elemento ng ng Pagtataya sa Tekstong Napili Mga sagot/Tugon
Pangalan ng may akda
Target na mambabasa
Paksa
Mga Sangunian
Layunin ng Teksto
Pangunahing Ideya sa Teksto
Kabuluhan ng tekstong pangunahin sa disiplinang kinabibilangan nito
Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay kay
sipag mong magbasa
subalit piliin mo na
laging magbasa upang
matuto at mabuhay ka.
Maikling Pagsusulit
Marso 29, 2023
1. Ito ay pagkilala ng mga simbulo
at pagpapakahulugan sa mga ideya o
kasipan na gusto ng manunulat na
ilipat sa kaisipan ng mambabasa.
2. Sino ang nagsabi ng pahayag na
ito, “Huwag kang magbasa, gaya ng
mga bata, upang libangin ang sarili,
o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa
ka upang mabuhay.”
3. Ang teoryang ito ay mula sa
teksto ang pagpapakahulugan
patungo sa pagkatuto ng
mambabasa.
4. Ito ay babasahing isinulat na batas
na ipinasa at ipinatutupad ang
pamahalaan.
5. Ang teoryang ito ay naglilinaw sa
organisayon at nagbibigay-diin sa
naimbak na dating kaalaman at
karanasan.
6. Ito ay isang paraang ginagamit ng
mambabasa upang maghanap ng
mga tiyak na datos sa isang pahina
ng aklat o kabuuan ng teksto.
7. Sa teoryang ito sinusukat ang
kakayahan sa pag-unawa ng
mambabasa sa pamamagitan ng mga
comprehensive questions.
8. Ito ay pamamaraan ng pagbasa na
kung saan ginagawa upang masukat
ang kakayahan ng mag-aaral sap ag-
unawa sa tekstong itinakda ng guro.
9. Ang teoryang ito ay nagsisimula
sa mambabasa ang pag-unawa
patungo sa teksto.
10. Ito ay babasahing may
kinalaman sa medisina.
11-13. Ibigay ang tatlong Uri ng
Teksto maliban sa iyong mga sagot
sa #4 at #10.
14-15. Magbigay ng 2 Makrong
kasanayan
16-20. Paano nakakapagpatalas ng
isip at pang-unawa ang pagbabasa?

You might also like