You are on page 1of 7

1|P ahina

Layunin:

Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng halimbawang teksto at ito ay kanilang susuriin. Sa


pagsusuri ay matutukoy nila ang paksang tinalakay F11PB – IIIa – 98
Nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang mga salitang ginamit sa mga binasang
teksto F11PT – IIIa – 88

Introduksyon:

Sabi nga nila, sa tuwing tayo ay nagbabasa ay nakapupunta tayo sa ibang mundo. Ang
pahayag na ito ay talaga namang nararanasan ng mga taong mahilig magbasa. Ngunit para
maganap ito ay kailan muna nating maunawaan ang kahulugan, kalikasan, mga teorya, at
mga uri ng pagbasa. Halina’t sabay-sabay nating unawain.

2|P ahina
Natatandaan mo pa ba kung kailan ka unang natutong magbasa? Ang librong ABAKADA?
Nahirapan ka ba? Umiyak ka ba ng mga panahong tinuturuan ka ng iyong ina, ama, lola, ate, o
kuya? Sa araling ito ay malalaman natin ang kahulugan, mga teorya, mga uri ng pagbasa,
kaantasan ng pagbasa. Halina’t sabay-sabay nating unawain.
Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang tao na nagbigay ng kanilang sariling
pagpapakahulugan sa pagbasa:
Para kina Bernales et.al (2001) na nabanggit sa gawang libro ni Pacay, W.L. III (2016)
na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik, ang pagbasa ay
mayroon mahalagang gampanin upang mahasa ang talino at isipan.
Ayon kina Villafuerte, et.al (2005) na nabanggit sa gawang libro ni Pacay, W.L. III
(2016) na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik, ang pagbasa
ay susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Para naman kay Villafuerte (2011) na nabanggit sa gawang libro ni Pacay, W.L. III
(2016) na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik, ang pagbasa
ay “Ang isa sa mga pangunahing kakayahan at disiplina na dapat na taglayin ng kabataan hindi
lamang para sa pag-aaral kundi maging sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahang pagsulat –
akademik, pampamamahayag man o malikhain.”
Ngayon ay nalaman na natin ang mga kahulugan ng pagbasa, tuklasin naman natin ang mga
teorya sa pagbasa.
Teorya sa Pagbasa
1. Bottom-Up – ang teoryang ito ay mula sa makalumang pananaw na
hinango sa teoryang behaviorism na ang isang tao ay natutong
magbasa dahil sa pagkilala ng mga titik na nakalimbag. Batay din sa
teoryang ito nagmumula ang karunungan sa tekstong binasa
(bottom) patungo sa taong nagbabasa (up). Kilala din sa tawag na
“data driven o outside-in.”
2. Top-Down – ang teoryang ito naman ay batay sa teoryang
kognitibo. Kung ang bottom-up ay nagmumula sa tekstong
binabasa ang karunungan, ang top-down naman ay mayroon ng
dating kaalaman na nasa kanyang isipan. Nailalapat ang
karunungang taglay sa tekstong binasa. Kilala din ito sa tawag na
“inside-out”
3. Schema – mula sa pinahayag nila Pearson at Spiro, ang tao bawat
tao ay iba-iba ang karanasan at pag-iisip sa buhay na dahilan sa
pagkakaroon ng iba’t ibang interpretasyon na nakatutulong sa
pagpapa-unlad ng sarili. Ang schema o iskima ay maaari pang
magbago, madagdagan, at umunlad. Sa madaling salita, ang
schema ay naihahalintulad ito ng tao ang nababas sa kanyang
karanasan.

3|P ahina
4. Interactive – batay sa teoryang ito nagkakaroon ng interaksyon o
ugnayan ang taong nagbabasa at ang kanyang tekstong binabasa o
ang may-akda ng tekto. Ito ay pinagsamang bottom-up at top-
down na teorya sa pagbasa.

Nalaman natin na mayroon pa lang apat na teorya sa pagbasa. Ang apat na teoryang ito ay
nakatutulong upang mas maunawaan natin ang pagbabasa at ano ang nakukuha natin mula sa
pagbabasa. Ngayon naman ay alamin natin ang uri ng pagbabasa. Ang mga uri ng pagbabasa ay
mga estratehiya na nakatutulong sa atin kung paano tayo makapagbabasa ng madali, nauunawaan,
at epektibo. Narito ang pitong uri ng pagbasa:
Uri ng Pagbasa
1. Skimming – Ito ay mabilisang pagbabasa ng teksto. Sa uring ito ng pagbabasa ay
pinakamahalagang impormasyon, o buod, o kabuuang ideya ng binabasa. Hindi na din
mahalaga na maunawaan pa ang bawat salitang nakikita sa binabasang teksto.
May apat na lawak ng impormasyon ang maaaring ibinibigay ng estratehiyang
skimming: 1. Kahalagahan ng materyal; 2. Pangangailangan ng materyal; 3.
Kumplikadong materyal; at 4. Istruktura ng materyal.
Halimbawa: Pagbasa sa ulo ng balita upang magkaroon ng ideya kung saan
patungkol ang balita.
2. Scanning – Kailangan maging mapagmasid sa pagbasa ng teksto. Sa uring ito ng
pagbabasa ay tinutukoy o hinahanap agad ang espesipikong impormasyon na kailangan.
Ang mga tiyak lamang na impormasyon ang binibigyan ng pokus ng mga mata.
Halimbawa: Pagtingin sa tiket upang malaman kung anong numero ng upuan sa
pagsakay.
3. Pagbasa para sa pag-aaral – Ang uri na ito ng pagbasa ay may kabagalan dahil sa
pagbabasa ay kailangan na basahin ng paulit-ulit ang teksto. Ginagawa ito upang agad na
matandaan at maunawaan ng lubos ang mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob
sa binabasang teksto.
4. Magaan na pagbabasa – Ang layunin ng pagbasa na ito ay maglibang.
Halimbawa: Pagbabasa ng mga komiks.
5. Salita-sa-salitang pagbasa – Karaniwang ginagamit sa mga dayuhang wika, teknikal o
siyentipikong terminolohiya.
Halimbawa: Buenas dias – magandang umaga; Que pasa? – Ano ang nangyari?
6. Masikhay – Ang uri na ito ng pagbasa ay kailangang ng masinsin at intensibong
pagbasa. Ito ang uri ng pagbasa na iyong kakailanganin upang makuha ang tiyak na
impormasyon at mga detalye ng binasang teksto.
Halimbawa: Pagbabasa ng kontrata sa trabahong papasukan.

4|P ahina
7. Masaklaw – Ang uri na ito ng pagbasa ay ginagamit upang maunawaan ng
pangkalahatan ang isang paksa kabilang ang mahahabang teksto.
Halimbawa: Pagbasa ng paboritong nobela.
Nalaman natin pitong uri ng pagbasa. Ang mga uri ng pagbasa ay nagbigay sa atin ng tulong
upang tayo makapagbabasa ng madali, nauunawaan, at epektibo. Ngayon naman ay alamin natin
ang apat na antas ng pagbasa.
Kaantasan ng Pagbasa
1. Batayang Antas – Ang antas na ito kung tawagin ay panimulang pagbasa. Nakatuon
ang antas na ito sa pagbabasa sa wika.
2. Inspeksyunal – Sa antas na ito ang oras ng pagbabasa ay mayroon lamang limitadong
oras. Ang uri ng pagbasa na ginagamit dito ay skimming.
3. Mapanuri o Kritikal – Ang antas na ito ay isang aktibong pagbabasa. Kinakailangan na
mayroong matalinong paghihinuha.
4. Sintopikal – Ito ay mataas na antas ng pagbasa. Ito ay komplikado, sistematiko at
komparatibo. Sa antas na ito naiuugnay ng mambabasa ang kanyang pansariling
kaalaman at karanasan.
Sa araling ito ay nalaman at natutunan natin ang kahulugan, teorya, uri, at antas ng
pagbasa. Natutunan natin na may malaking naitutulong sa mga mambabasa ang kaalaman
sa mga estratehiya kung paano makakapagbasa ng epektibo. Halina’t sagutin natin ang
inihandang mga katanungan para sa inyo.

Panuto: Basahin at unawain ang tanong at hinihingi. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.
___________ 1. Ito ay uri ng pagbasa kung saan ay hindi na mahalaga ang mga salitang
nadadaanan ng mga mata sa binasang teksto.
___________ 2. Ito ay uri ng pagbasa kung saan ay ang natatanging layunin ay magbigay
ng libang.
___________ 3. Ito ay uri ng pagbasa kung saan ay masinsin at intensibo ang pagbabasa.
___________ 4. Ito ay teorya ng pagbasa kung saan ay nagkakaroon ng iba’t ibang
interpretasyon ang mga taong nagbabasa batay sa karanasan.
___________ 5. Ito ay teorya ng pagbasa kung saan ay pinagsama ang lumang pananaw
mula sa teoryang behaviorism at teoryang kognitibo.

Pangwakas na Gawin
A. Panuto: Suriin ang halimbawang teksto. Sa pagsusuri ay tukuyin kung anong uri ng
pagbasa ang iyong ginamit para ito ay basahin.

5|P ahina
Nakakaranas tayo ng pandemiko ng respiratoryong sakit na mabilis na kumakalat mula isang
tao papunta sa ibang tao na dulot ng bagong coronavirus. Ang sakit ay tinatawag na
coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang sitwasyong ito ay nagbabanta ng seryosong peligro
sa pampublikong kalusugan. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring magmula sa
banayad (o walang sintomas) hanggang malalang sakit. Ang lahat ay nasa peligrong
magkaroon ng COVID-19. Ang mga mas matandang adult at mga taong anuman ang edad na
seryosong sumasailalim na medikal na kundisyon ay maaaring nasa mas mataas na peligro ng
mas malalang sakit. Ang COVID-19 ay pangunahing kumakalat mula isang tao papunta sa
ibang tao. Maaari kang mahawa sa malapitang kontak (mga 6 na talampakan) sa taong may
COVID-19 mula sa mga respiratoryong droplet kapag ang may impeksiyong tao ay umubo,
bumahing o nagsalita. Maaari ka ring mahawa sa paghipo ng surface o bagay na may virus, at
hipuin ang iyong bibig, ilong o mga mata. Sa kasalukuyan ay walang bakuna para mapigilan
ang COVID-19. Ang pinakamahusay na paraan para mapigilang magkasakit ay iwasang
malantad sa virus na ito. Alamin ang mga sintomas ng COVID-19 at mga karagdagang hakbang
na maaaring gawin mo para protektahan ang sarili mo sa pagbisita sa CDC website sa
cdc.gov/coronavirus.
Mula sa redcross.org
Gabay na tanong:
1. Patungkol saan ang binasang teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang nais ipabatid ng tekstong binasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Anong uri ng pagbasa ang ginamit mo? Bakit ito ang ginamit mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan at ipaliwanag ang mga salitang ginamit sa binasang
teksto.
1. Pandemiko –
2. Resperatoryong sakit –
3. Corona Virus Disease –
4. Website –
5. CDC –

6|P ahina
Reperensya:

Gonzalvo, R.P Jr. (2016). PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK. UNLIMITED BOOKS LIBRARY SERVICES & PUBLISHING INC. Room 215 ICP
Building, Cabildo St. , Intramuros Manila.
Pacay W.L. III. (2016). PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK. JFS PUBLISHING SERVICES, INC. Unit 9005 Central Park Condominium 168
D. Jorge Street, Pasay City.
Pabalat ng Modyul: Canva.com
(https://www.canva.com/design/play?category=tACFat6uXco&type=TACQ-jGq9fY)
Picture: Reading Room #literature #books #reading #reader #art #drawing #illustration
#painting #booklovers #bookworms #library #librarylove Illustration by: Madi
(https://www.pinterest.ph/pin/451345193903061795/)
Picture: The major leadership theories. Illustration by: Verywell/ Brianna
Gilmartin (https://www.verywellmind.com/leadership-theories-2795323)
Picture: Sketches for the article “The Happiness Hypothesis.” by: Stephanie Glaros
(https://experiencelife.com/article/illustration-creation-the-happiness-hypothesis/)
Picture: 10 Books That Changed The Way I Think About Business. By: Jaleh Bisharat
(https://minutes.co/an-entrepreneurs-favorite-business-books/)

7|P ahina

You might also like