You are on page 1of 6

ARALIN 9: MASINING NA PAGBASA

The man who reads is the man who leads


-Lord Chesterfield-
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan at layunin ng pagbasa;
b.nakikilala ang mga taong nagbigay ng kanilang ambag sa larangan ng pagbasa; at
c.nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga
kaisipan sa tekstong binasa.
Pagbasa
 Saykolinggwistiks na paghinuha kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe
o kaisipang hango sa tekstong binasa (Goodman).

 Kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika at kaisipan (Austero et al).

 Gintong susi sa kaliwanagan at lugod (Sauco et. Al).

 Pinkapagkain ng atng utak at sa maraming pagkakataon-(James Dee Valentine)

Kahulugan ng Pagbasa

 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa


mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

 Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungang natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

 Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,


nakakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di inaasahang suliranin sa buhay.

 Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.

 Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi
pangangatwiran at pag-iisip.

 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan.
Ito ay isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang
karanasan sa buhay.

Kahalagahan ng Pagbasa

 Nakakapagdulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.


 Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa ibat-ibang larangan ng buhay.

 Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang araw-araw na buhay.

 Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na o hindi na nakikita.

 Naiimpluwensyahan nito ang ating saloobin at palagay hinggil sa ibat ibang bagay at tao.

 Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagpapataas ng kalidad ng buhay ng tao.

 Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan.

Bakit nga ba tayo nagbabasa?

 Upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan.

 Dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon.

 Upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman.

 Magkaroon ng kalinawan ang pagiisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman.

 Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa ibat ibang larangan.

 Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian.

 Magkaroon ng bukas na isipan.

Mga uri ng Pagbabasa

1. Mabilisang Pagbasa (skimming)- ang pinakamabilis na nakakaya mg isang tao. Nagtuturo ito sa
mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalimbag na babasahin. Tinatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng
pagbasa.

2. Pahapyaw na Pagbasa (scanning)- tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang


pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga
ritoy makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.

3. Pagsusuring Pagbasa (analytical reading)- nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa
pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at malalim na pagiisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang mapanuring pagiisip.

4. Tahimik na Pagbasa (silent reading)- mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikhang bumabasa ng teksto.
5. Pasalitang Pagbasa (oral reading)- pagbasa ito sa teksto ng inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakining hindi ito
“undertime pressure” na pagbasa.

6. Pagbasang Nakapagtuturo- ang nagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at
diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

 Pagkilala sa mga salita (word perception)- kakayahang umunawa sa ibat-ibang kahulugan ng salita,
pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.

 Pag-unawa (comprehension)- kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at


masalimuot na bahagi ng akda.

 Pagpapahalagang literari (literary appreciation)- may kakahayang umunawa at pagkagiliw sa


pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

 Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (research and dictionary skills)- may kakayahan sa


paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan.

 Pag-unawang literal

 Pagbibigay ng interpretasyon

 Mapanuri o kritikal na pagbasa

 Paglalapat o aplikasyon

 Pagpapahalaga

Teorya ng Pagbasa

 Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down)

 Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pagunawa ay nagmula sa isipan ng mambabasa


mayroon nang dating kaalaman at karanasan.

 Ang daloy ng impormasayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas(top) patungo sa


baba(down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

 Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto


(Smith, 1994).

 Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsiislbing taya kung saan
siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito
ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbabasa sa halip na ang teksto dahil ang
mambabasa ay madalas nang may dating kalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa
teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.

 Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept driven model at whole to
part model (Goodman, 1985 at Smith,1994).

 Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)

 Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang


pagunawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram
o iba pang simbolo.

 Ito ay nangangahulugan na ang pag-unawa ng isang bagay ay naguumpisa sa


ibaba(bottom), ito ang teksto(reading text) at napupunta sa itaas(up), sa utak ng mambabasa
matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

 Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
blangkong papel o tabula raza.

 Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa
teksto.

 Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin,
higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

 Teoryang Interaktibo

 Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng


komprehensyon ay may dalawang direksyon (McComick, 1998).

 Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon


sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito ay nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

 Sa makatuwid, nagkakaroon ng epiktibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng


isang mambabasa ang kaalaman niya at sa ekstruktura ng wika at bokabularyo kasabay ang
paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

 Teoryang Iskema (Schema)

 Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito
ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito ay nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

 Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao


(Anderson at Pearson, 1984).
 Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.

 Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napapaunlad.

Pagbasa ng Malakas at Tahimik

 Malakas na Pagbasa- ang malakas o pabigkas na pagbasa ay karaniwang ginagawa sa harap ng mga
tagapakinig gamit ang mga mata at tinig. Layunin nito na magbigay ng impormasyon, maglibang at magbigay aral sa
mga takapakinig.

 Ang pagbasa ng malakas ay maaaring makatulong sa tamang pagbigkas at diin sa mga salita, parirala o
pangungusap.

Mga dapat isaalang alang sa malakas na pagbasa

 Tindig

 Lakas ng tinig

 Paraan ng pagbigkas

 Paghawak sa aklat o anumang babasahin

 Tahimik na Pagbasa- ang matahimik na pagbasa ay pansarili lamang. Pinapagana lamang ang mga mata
habang nagbabasa. Hangarin nito na magkaroon ng buong konsentrasyon sa binabasa upang maunawaan ito ng
lubos.

Mga dapat isaalang alang sa tahimik na pagbasa

 Pook

 Tamang posisyon

 Igalaw ang mga mata at di ang bibig sa pagbabasa nang tahimik

 Huwag ituturo o susundan ng daliri ang inyong binabasa

 Bumasa nang mabilia at may ganap na pag-unawa sa binabasa

Mga Reyt (rate) ng Pagbasa

 Bilis ng Pagbasa- ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay nakababasa ng dalawandaan at limampu (250)
hanggang tatlundaan at limampung (350) salita bawat minuto. May tatlong mahahalagang paktor upang mabilis ang
pagbasa:

 Ang interes na mapaunlad ang bilis ng pagbasa.


 Ang kusang loob na matuto ng mga bagong teknik.

 Ang motibasyon sa pagpapraktis sa pagbasa.

 Bagal ng Pagbasa- may mga paktor na sinasabing dahilan kung bakit nagiging mabagal ang pagbasa.

 Isahang-salitang pagbasa

 Mabagal na perseptuwal reaksyon

 Hindi agarang pagkilala at pagtugon sa materyal

 Bokalisasyon

 Mahinang mata

 Regresyon na nakamihasnan

 Kulang sa konsentrasyon

 Walang praktis sa pagbasa

 Kawalan ng interes

 Takot na hindi maunawaan ang binabasa kaya matagal ang oras na ibinigay sa pagbasa
ng bawat salita.

 “Habit” na ang mabagal na pagbasa

 Kahinaan sa ebalwasyon kung ano ang importante sa hindi importante.

 Ang kagustuhang maalalang lahat ang binasa kaysa piliin lamang ang ilang bahagi sa
binasa.

Mga Kasanayang Nalilinang sa Pagbasa

 Kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye.

 Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay.

 Kasanayan sa pagkuha o pagdama sa istilo o tono na ginamit ng manunulat sa pagsulat.

 Kasanayan sa pagbasa para makilala ang pamaksang pangungusap.

 Kasanayan sa pagbasa para makapagbigay ng kongklusyon.

You might also like