You are on page 1of 3

Ang Tatsulok Sa Lipunang Pilipino Sa Gitna Ng Dilubyo.

Sa panulat at pagbigkas ni Ginoong Mark Clarence C. Mateo

Ano nga ba ang estado, Ng pamumuhay ng bawat filipino

Simula ng magsimula, itong panibagong dilubyo

isang sakuna ang ating nakatagpo

isang sakit na lipuna’y nilumpo

binighyang limita ang kalayaan ng kagaya ko

OO, binigyan niyang limita

Ni ulmito paglabas ng bahay ay ipinatinigil niya

Ang makahanap ng sariling pera pati na ang paghinga

Pagsusuot ng maskarang natatakpan lamang ay pagnganga

Isang sakit na kikitil sa pagunlad ng bansa

Ito ang mukha ng ng pandemya

Isang umaga pagmulat ng mata

Agad bumungad ang nagbabagang balita

Isang sakit ang nakapasok sa bansa

Isang sakit na nagbigay ng pangamba

Sa kaligtasan na bawat isa

Teka , nakakasakal

Tila napakaraming Pilipino ang napapasal

Hindi madala sa dasal

Ang pagkaing kakainin sa almusal

Sandali,

Huwag kang bumitin sa nakasabit na tali


Alam kong hindi pa ito ang huli

Bumangon ka

Magisip ka at kumilos ka

Dahil hindi dito nagwaswakas

Ang landas, ang panibagong bukas

Hinto, iyo bang napagtanto

Nasaan na nga ba ang butil ginto

Nasaan na nga ba ang tulong na ipinangako

Ibinulsa na inilagay na sa pitaka

Ganyan ang pamamalakad nila, sila ang buwaya ng sistema

Mali na , maling mali na

Tama na. tuldukan na ang ganitong Sistema

Di niyo ba naririnig ang hinaing ng aming sikmura

Oh di nyo lang sinisikmura

Aba, sandali bakit mayroong tatsulok

Bakit sa baba kami’y nilulumok

At kayong nasa taas ay patuloy na nasa tuktuk

Aba, di na patas, bakit ganyan ang batas

Bakit pumapabor lang ay sa nasa itaas

Hustisya, di lamang pagkakapantay pantay

Bakit maraming namamatay

Marami na ring nakahimlay

Kahit pa silay buhay


Huminto ka sandali

Wag mong isiping di ka kasali

Dahil ikay kasapi

Ng mga taong pinaliulugmok ng panahon

Taong nagmimithi ng pag ahon

Bumangon ka at imulat ang iyong mga mata

Pakinggan ang hinaing ng bawat isa

Iisa ang pinuputok ng sikmura nila

Alam ko, nakakasawa na

Ang paghihirap at pagdudusa

Pati pagkain ay nanggagalling na sa basura

Kaya buksan ang iyong isipan, dahil di pa natutuldukan

Nilulumpo tayo ng kahirapan

Alam kong, nakaraming paraan

Di’ pa nawawakasan ang kahirapan

Di pa nakakamit ang kaginhawaan

Isa tayo sa susi, tayo ang susi

Kailangan lang magbusisi

Itakwil ang buwaya, iluklok ang taong bayan ang sinisinta

Upang bigyang pag asa, ang nasa laylayan ng bansa

Tamang pagboto ay isabuhay na

Tamang tao ay bigyan ng pwersa

Sa pagbabago tayo magkakasama

Pilipino tayo, magkakasangga

You might also like