You are on page 1of 6

lupa, narito ang lupa!

ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad

na makapal ay iyong timbangin at madarama

mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang

ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing

ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas

na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang

halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

sa maraming mata ang magandang tampok.

nag-iwan ng sugat ang maraming daan.

dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,

gaputok mang daing ay di mo naringgan.

ang pasalubong pa’y malugod na bating —

“tuloy, kabihasnan!”

lupa, narito ang lupa!

ang buhay mong hiram ay diyan nagmulang

bigay-bawi lamang. sa mayamang dibdib:

diyan napahasik ang punla ng buhay na

kusang susupling sa pitak ng iyong hirap

at paggawa. katawang-lupa ka. narito

ang lupang karugtong ng iyong buhay at

pag-asa. dibdib. puso. bait. ang katauhan

mo’y lupa ang nagbigay. ang kasiyahan mo,

tamis ng pag-ibig at kadakilaan.

sapagka’t lupa ka, katawang-lupa ka —

ganito ring lupa. diyan ang wakas

mong galing —
Wala kang awa,
Nakalupasay na,
Sinasapak mo pa,
Nakahandusay na,
Tinatapakan pa,
Binabayo ng walang habas
Sinisipa palabas!

Mag-isip ka naman
Kahit kapiranggot lang
Maawa ka naman,
Iyo nang tigilan
Lubayan,
Para makaahon
Hindi bumaon!

Tumutulo na ang dugo,


Labas ang bituka’t bungo
Iyo nang ihinto,
Ang pagkasiphayo
Kahit paano’y lumayo,
Hayaang mabuhay,
Mapawi ang lumbay!

Pag-umit sa yaman
Ng dakilang bayan,
Talagang garapalan,
Hindi mapigilan
Kawawa lang
Ang Pilipino
Tuliro, nagkakamot ng ulo.

Masang alipin
Kumilos ng magiting
Upang pagkagupiling
Sa kuko ng lawin
Matanggal at gumaling
Upang maabot
Ang tagumpay na bubot!

Tula sa Malayang Taludturan


. Hindi ka ba Nagtataka?

Kung Bakit hanggang ngayon Nakikibaka

Ang Puso kong siguradong

walang Pag-asa

Napapagal kapos ang hininga

Sa tuwing Kapiling Ang Alaala

Tanda mo Ba?

Nung Sinabi mo sa akin

Na tigil ka na.

Ang paglalakbay ng Paa.

Kasama ang diwa puso at kaluluwa.

Lahat Huminto tulad ng

Pag-agos ng progreso

Ng Bayang walang pagdaloy

Tungo sa Liwanag.

Unti-unting Dumilim.

Hindi ko rin Inaasahan

walang lubos pag-aakala

na ang simpleng paghanga

ay Tuloy-tuloy

dirediretso sa puno hanggang dulo

Sapul. Wasak. Tagos.Tuliro.

Ang paghikab lang ang pumupunit

Sa katahimikan ng gai

Pilition mang tuluyang humimbing

Bakit kaya kay hirap itulog ang

Sakit ng puso na unti-unting


Ang paghikab lang ang pumupunit

Sa katahimikan ng gai

Pilition mang tuluyang humimbing

Bakit kaya kay hirap itulog ang

Sakit ng puso na unti-unting

Pumapatay sa liwanag ng magdamag.

Ilang beses na bang sinampal ang sarili

At sinabing kakayanin ang mga araw at sandali

Na ito ay parang hanging dadaan

Sa buto at kalamnan sa lamig ng gabi dumadarang

Sa aking paghimlay di parin matinag

Ang damdaming kinakapos ng hininga

Para bang isang aninong sumusunod

Pero bakit ang aniniong ito

Kahit sa gabi ay sumusulpot

Kapos man ang liwanag ngunit

sa akin ay nakapulupot

Ang aninong hindi na yata aalis.

Kasama hanggang sa dulo ng pag tangis.

Nawalan na ng nasa ang katawang bumangon

Nawalan narin ng dahilan para matulog

Naiwan sa kawalan , nakagapos

Tuwing umuulan sumasabay sa matang umaambon lahat ng itong

Nang iakw tuluyang sumulong

You might also like