You are on page 1of 7

Mga Himig sa Panahon ng Pag-ibig

PROGRAM FLOW

I. Nasaan?
ALL
Opening: Liwaliwan sa Batis Kung kami sa wakas bigyang pag-asa,
Ligaya’t buhay naming bawait isa
ISABEL Naming bawat isa
Inyong gigisingin ang nagtutulugan Tralalalala
Nuong kami’y bata hindi kami maingay.

SINANG
At hindi rin naman kayo gumigising ALL MEN
Nang napaka-aga na kagaya naming. Dito ang mga babae

VICTORIA ALL WOMEN


Shhhhhh! Tumahimik na kayo’t narito na Doon ang mga lalaki
sila!
SINANG
ALL MEN Tayo lang ba rito, panay na manga babae?
Kami’y naririto o, manga bulaklak Aray! (Kinurot ng kanyang ina)
Ang hangad ay umamot ng konting ligaya
Dala naming handog, tunay na pagsinta,
Tunany na pagsintang walang pa kupas.

Sakali mang kami’y may karalitaan


Sa pagsuyo nama’y di mapapantayan
Kung kami sa wakas, bigyang pag-asa
Ligaya’t buhay naming bawat isa

ALL WOMEN
Kami’y naririto o, manga bulaklak
Ang hangad ay umamot nang konting ligaya
Dala naming handog, tunay na pagsinta

ALL
Tunay na pagsintang walang pakupas.

ALL MEN
Sakali mang kami’y may karalitaan
Sa pagsuyo nama’y di mapapantayan
Padayon: Philippine Medley

Nasaan Ka Irog

Magbalik Ka Hirang

Nararamdaman kong muling nagbabalik


Sa aking gunita ang iyong pag-ibig
Ngunit kung hanapin ko ang datihang tamis
Kahit sa pangarap ay di na masilip.

Nararamdaman kong sa aking gunita


Ay muling bumabalik ang araw ng tuwa.
Ngunit kung hanapin ko ang suyo’t kalinga
Ay tila aninong dagling nawawala.

Magbalik ka sana, magbalik ka, hirang


Dati kong pag-asa’y di pa namamatay
At sa pagbalik mo ay iyong daratnang
Puso mo’t pag-ibig ang nalalarawan.

Kapag Ikaw ay Nawala Sa Aking Buhay

Usahay

Usahay magadamgo ako Sometimes I had a dream,


Nga ikaw ug ako nagkahigugmaay that you and I fell in love.
Nganong damguhon ko ikaw Why do I dream of you?
Damguhon sa kanunay sa akong kamingaw I dream (of you) often in my loneliness.
Usahay magamahay ako Sometimes, I regret
Nganong nabuhi pa ning kalibutan Why was I even born here in this world?
Nganong gitiaw-tiawan Why do you belittle
Ang gugma ko kanimo, kanimo daw my love for you.

Spiel (Padayon in the background)

Ano Kaya ang Kapalaran?


Dito sa mundo’y walang kasing tamis
Gaya ng umawit ng sariling himig
Bawat taginting ang wika’y pag-ibig
Siyang humahabi ng pusong na giliw

Mahirap nga palang umirog


Sinta’y dalhin-dalhing may lunos
Araw gabi ang puso
Ang tibok ay siphayo

Ano kaya ang kapalaran


Ng aba’t imbing lagay
Asahan mo’t ‘di palad
Kakamtan mo’y saklap.
II. Anuna?

Katakataka

Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo


Biru-biro ang simula ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako, ngunit 'yan ay 'di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo.

Alaala ka maging gabi't araw


Alipinin mo'y walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

Malinac lay Labi

Dahil sa Isang Bulaklak

Dahil sa isang bulaklak


Ligaya ay nagtampo.
Puso ng aking nililiyag
Binihag ng kanyang bango.

Dahil sa isang bulaklak


Nagmaliw ang pagliyag.
Kung ang irog ko’y
Naglaho sa akong buhay
Ikaw bulaklak ang siyang naging dahilan.

Ganyan Pala ang Pag-ibig

Maghapon at magdamag
Lagi kang pangarap
‘Pag ‘di ka, namamasdan
Kay lungkot ng buhay

Pinilit kong malimutan ka


Ay ‘di ka rin malimot
At ‘di makakain, ‘di makatulog
Dahil sa pag-irog

Laging ikaw ang naaalala


At ‘di matahimik
Ganyan pala ang pag-ibig

Bituing Marikit

Bituing marikit sa gabi ng buhay


Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig


Napinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, Bituing marikit

Lapitan mo ako, halina Bituin!


At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na paggiliw
III. Saan Patungo?

Ako’y Nangangarap

Ah!
Ako’y nangangarap ng aking kahapon
Ang mga ibon ay nag-aawitan
At laging nakangiti ang araw sa silangan
Anong ligaya!
Kay ganda ng umaga
Anong ligaya!
Ako’y nangangarap.
Ah!

Kay Tamis ng Buhay

Kay tamis ng buhay sa sariling bayan


Lahat doon ay ating pawang kaibigan
Ang simoy sa bukid ay tunay na buhay
Kamatayan ay langit higit ang suyuan

Halik na magiliw sa labi ng ina


Sa bunso’y pumupog sa pag-uumaga
Mga munting bisig ay ikakawil na
Sa leeg na pitang may ngiti sa mata

Kay lugod ng mamatay nang dahil sa bayan


Lahat doon ay ating pawang kaibigan
Ang simoy ng hangin ay isang kamatayan
Sa wala ngang bayan ina’t kasintahan!

Sa wala ngang bayan ina’t kasintahan


Kay tamis ng buhay sa sariling bayan

Mutya ng Pasig

Kung gabing ang buwan


Sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
Sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak
Nalugay ang buhok na animo'y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig
Ito ang Mutya ng Pasig

Sa kanyang pagsiklot
Sa maputing bula
Kasabay ang awit
Kasabay ang tula:

Dati akong paraluman


Sa kaharian ng pag-ibig
Ang pag-ibig ng mamatay
Naglaho rin ang kaharian

Ang lakas ko ay nalipat


Sa puso’t dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong ako'y mabuhay
Pag-ibig ko'y inyong ibigay

Kundiman

Sa tapat ng laging palangiting araw na lumalaganap sa dagat Silangan


May Mutyang masuyo't libid kayamanan
Na giliw ang handog sa pusong may damdam

O, Bayang maligaya ng aking paggiliw


Pusong lakanbini, kalong salamisim;
Ang 'yong pagluha'y sandaling pigilin,
Ang kundimang ito, Mutya'y iyong dinggin.

Bulaklak ng aking laging pinithaya


Ang ika'y makitang may sariling laya't
Sa dagat-silangan, butihing diwata,
Mayama't mapuri, bihis sa dalita.

Magandang Diwata,
Diwata!

You might also like