You are on page 1of 2

Nabilanggo ng Pandemya, Nailigtas ng Wika

Pilipinas ay bihag at sa nakamamatay na pandemya'y preso,


Nabilanggo sa mga aksyon at natali sa pag-ahon na pangako.
Ika nila'y Pilipinas ay makakaranas ng agarang pagbangon, ngunit nasaan na iyon
ngayon?
Tunay nga bang umaahon? O patuloy na pagkabigo'y sa Pilipinas patuloy na
lumalamon?

Kay raming 'di pagkakaunawaan,


Na pinagmumulan ng away ng sambayanan.
Turuan at sisihan kung sino ang tunay na may kasalanan,
Sa kung bakit ang pandemya'y hindi pa rin naaagapan.

Protesta kaliwa't kanan,


Para kuno sa pantay-pantay na karapatan.
"Ibigay nyo ang dapat na sa amin! Protektahan kami!",
Sigaw ng mga unang rume-responda sa nangangailangan.

Napakaraming pinagsasabi, ngunit naiintindihan nga ba ng nakararami?


Marahil ito'y kanilang naririnig, ngutin sumusuway pa rin para sa sariling wili.
Magrereklamo kung bakit parang walang pagbabagong nangyayari,
Ngunit kababayan, nakikita mo ba ang iyong sarili?
Nagka-gulo na ang lahat, ngunit may isang residente ng Pilipinas ang nananatiling
ligtas,
Kilala mo siya, ngunit naiitsapuwera nang madalas.
Siya'y si Wika, pamilyar ba ang tunog at tabas?

Isinaayos nang masistema upang panayam na makabuluha'y mabuo,


Araw- araw mong ginagamit kaya nama'y pantao.
Ngunit nakalulungkot lamang na ginagamit mo, pero ito ba'y pinahahalagahan mo?

Katulad mo, Wika'y naka-depende rin sa kultura,


Iba't-ibang sining, kagawian, at kaugalia'y nakadikit sa kanya.
Iba't-ibang kasanayan at paniniwala ay nakasunod sa kanya, kaya naiiba siya.

Wika'y makapangyarihan at ito ang dahilan kung bakit ikaw ay nabubuhay sa


kabila ng pandemya ng kasalukuyan.
Mga iba't-ibang batas at protokol, dahil sa kanya'y iyong nauunawan.
Ngunit sana nama'y wag mong abusuhin at gamitin sa kasamaan na ngayong
panaho'y, laganap ang kahirapan.

Nakamamatay ang pandemya, walang duda.


Ngunit mas nakamamatay ang naririnig mo na, nagbibingihan ka pa.
Manatiling ligtas sa sakit na dulot ng COVID-19,
At kalayaan mo'y namnamin.

Teka, sino nga ba ang nagbigay ng kalayaan mo?


Ah, si Wika na binabalewala mo.
Kaya sana nama'y nalaman mo ang kahalagan nito sa tula ko.
Manatiling ligtas at magpasalamat sa lahat ng natatamong biyaya mula sa Itaas.

You might also like