You are on page 1of 2

𝗜𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮; 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗱𝗲𝗺𝘆𝗮

G. John France Alviola


ABM

Bawat lugar ay may kanya-kanyang wika. Ito ay ginagamit upang magkaka-intindihan


ang bawat tao. Mapapanatili rin nito ang kaayusan at katahimikan ng isang bansa dahil sa
pagkakaisa ng naninirahan dito. Noong una nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa
simula ay dalawang wika ang ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan ay naging tanging wikang panturo ang wikang
Ingles dahil sa dumami na ang natutong magbasa at magsulat nito. Ngunit sa simula pa lamang
ng pakikibaka para sa kalayaan ng mga Pilipino. Ginagamit ng mga katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan at hanggang sa noong konstitusyong probisyonal ng Biak-
na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang magiging opisyal na wika sa Pilipinas at
ginagamit na ng mga Pilipino sa pang araw-araw na komunikasyon mula noon hanggang ngayon.

Sa panahon ngayon, alam ng lahat ang madaling paglaganap ng Corona Virus o COVID-
19. Isa ang bansang Pilipinas sa labis na naapektuhan ng pandemyang ito. Nahihirapan din ang
mga namamahala sa bansa kung paano mapuksa o malunasan ang nasabing sakit. Tinatayang
marami-rami rin ang bilang ng mga taong namatay dito sa atin. Marami na ang naapektuhan
lalong-lalo na ang kabuhayan ng ating mga kababayan. Bumagsak na ang ating ekonomiya at
ang mga mamamayang Pilipino ay nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan upang
matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Habang wala pang nagawang bakuna para sa nasabing sakit, ipinaalala ng mga nasa
pamahalaan ang pagsunod sa mga simpleng pamantayan o tuntunin gaya ng palagiang
paghuhugas ng kamay, paggamit ng face mask at face shield at ang pag-iwas sa paglabas ng
bahay o pagpunta sa matataong lugar. Ngunit ang pagresolba sa pandemyang kinakalaban ng
buong mundo ngayon ay hindi lamang nakasalalay sa paggawa o pagdiskubre ng bakuna.
Malaking importansya din ang ginagampanan ng kamalayan o awareness ng bawat tao tungkol
sa virus na sa tamang pahiwatig o impormasyon ay magkaroon ng tamang aksyon at prebensiyon
sa delikado at nakamamatay na sakit. Sa pamamagitan ng wikang Filipino, naihatid nito ang
kamalayan sa sangkatauhan upang magkaisa at pigilan ang paglaganap ng virus.

Masasabi nating malaki ang naitutulong sa pagkakaroon ng iisang wika sa bawat lugar
upang ang simpleng tuntunin ay maipatupad at masunod ng bawat isa. Kailangang maiparating
maski sa pinakasulok na lugar sa Pilipinas ang mga tuntunin na ito at kailangan maintindihan ng
lahat upang kahit paano ay makaiwas sa kahit anong gulo o sakuna. Maging masunurin sa mga
nakakataas sa atin upang pagkakaintindihan at pagkakaisa ang mangyayari sa bawat mamayang
Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang makasaysayang wika lahat ay magkakaunawaan
at magtutulungan para malampasan ang kahit anumang balakid ng buhay. Sa isang
makasaysayang wika, tayo ay magkaisa kontra pandemya.
Ginagamit - Imperpektibo

Bumagsak – Imperpektibo

Maiparating – Kontemplatibo

Naihatid – Imperpektibo

Magtutulungan - Kontemplatibo

You might also like