You are on page 1of 33

ARALIN 11

PAGKAKAIBA NG TAGALOG,

PILIPINO AT FILIPINO
WIKANG TAGALOG
DOCTRINA PAGKAKAIBA NG TAGALOG,
CRISTIANA (DOKTRINANG KRISTIYANO)- UNANG
LIBRONG NAILIMBAG SA BANSA SA TAONG 1593 AY NAKASULAT

PILIPINO AT FILIPINO
SA TAGALOG. TAGALOG RIN ANG SINASALITA NG MARAMING
PILIPINO SA PAGDATING NINA MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI
NOONG 1565 SA MAYNILA. ANG WIKANG TAGALOG AY NATURAL
AT MAY SARILING MGA KATUTUBONG
TAGAPAGSALITA.
WIKANG TAGALOG

PAGKAKAIBA
ANG SALITANG NG TAGALOG,
TAGALOG NA HINANGO SA SALITANG TAGA-ILOG,
AY ANG WIKA SA METRO MANILA, BULACAN, BATANGAS, RIZAL,

PILIPINO AT FILIPINO
LAGUNA, QUEZON, CAVITE, MINDORO, MARINDUQUE AT ILANG
PARTE NG PUERTO PRINCESA AT NUEVA ECIJA. ITO'Y ISANG
WIKANG SINASALITA SA MGA
ETNOLINGGWISTIKONG GRUPO SA BANSA
WIKANG TAGALOG
BILANG BATAYAN SA
WIKANG PAMBANSA
WIKANG TAGALOG BILANG BATAYAN SA
WIKANG PAMBANSA

NANGPAGKAKAIBA NG TAGALOG,
IDINEKLARA NI PRESIDENTE MANUEL L. QUEZON ANG
WIKANG PAMBANSA NA BATAY SA TAGALOG NOONG DISYEMBRE

PILIPINO AT FILIPINO
30, 1937 SA PAMAMAGITAN NG EXECUTIVE ORDER NO. 134,
MARAMING UMALMA AT TUMUTOL NA MGA MAMAMAYAN NG
BANSA.
WIKANG TAGALOG BILANG BATAYAN SA
WIKANG PAMBANSA

PAGKAKAIBA
GUMAWA NG REKOMENDASYON NG TAGALOG,
SA PANGULONG MANUEL L.
QUEZON ANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA NA ANG TAGALOG

PILIPINO AT FILIPINO
ANG GAWING SALIGAN NG WIKANG PAMBANSA. ANG TAGALOG,
DI UMANO ANG TUMUTUGON SA LAHAT HALOS NG
KINAKAILANGAN NG BATAS KOMONWELT BLG 184.
WIKANG TAGALOG BILANG BATAYAN SA
WIKANG PAMBANSA
Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na pinatunayan sa ulat
ng Kawanihan ng Senso na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa ating
PAGKAKAIBA NG TAGALOG,
katutubong wika), ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at
pamahalaan, sa kapahintulutan ng Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay

PILIPINO AT FILIPINO
ng Kongreso na nagpapahayag na ang wikang pambansang Pilipino ay isa sa
mga wikang opisyal ng Pilipinas na may bisa noong Hulyo 4, 1946, ay
nakapaglagay na isyu ng katalinuhan at kaangkupan sa pagpili ng Pilipino, batay
sa Tagalog bilang wikang pambansa natin, na lampas na sa awtoridad ng mga
hukuman upang rebisahan at isasantabi.
WIKANG TAGALOG BILANG BATAYAN SA
WIKANG PAMBANSA

PAGKAKAIBA
DAHIL DITO, NGPAGLAGANAP
PATULOY PA RIN, ANG TAGALOG, NG

PILIPINO AT FILIPINO
WIKA SA MGA LUGAR NG MGA ETNIKO NA GUMAGAMIT
NG KATUTUBONG WIKA. ISAALANG-ALANG PA RIN ANG
PUSPUSANG PAGGAMIT AT PAGPAPALAGANAP NG WIKA
BILANG PUNDASYON AT PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA'T
IBANG LARANGANPAMPOLITIKA­, PANLIPUNAN, PANG-
MEDIA, PAMPANITIKAN, PANG-EDUKASYON AT IBA PA”.
WIKANG PILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA
Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Pilipino, na ibabatay sa Tagalog, alinsunod sa
ipinasa ni Kalihim Jose Romero (Department Order No. 7) ng
Kagawaran Edukasyon. Simula 1959, ito na rin ang ginamit
sa pagtuturo sa paaralan, ngunit nahinto nang pagtibayin ang
wikang Filipino bilang Wikang Pambansa alinsunod sa Article
14 Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.
Nang ipinatupad ang pagiging pambansang wika ng wikang
Pilipino, umani ito ng malakas na pagtutol. Ang pagpili sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng
malakas na oposisyon sa mga di-Tagalog at pro-Ingles.
Madalas naipapahiwatig ang oposisyong ito sa mga sulat sa
editor ng mga peryodikal, at sa mga paulit-ulit na habla at
salita laban sa Pilipino. Sa paggamit ng Pilipino na batay sa
Tagalog, ang mga di-Tagalog ay nakadarama ng damdaming
kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog.
Nadarama nila ang panibugho na sila'y dayuhan sa isa't isa.
Pangunahin sa pagtutol dito ang mga Cebuano. Anila, ang
Pilipino (1959) na siyang nahirang na Wikang Pambansa ay
Tagalog din. Hindi sila masisisi sa bagay na ito sapagkat ng
likhain nga naman ang Balarila ng Wikang Pambansa ilang
taon na ang nakalilipas ay naging Tagalog-na-Tagalog. Ito'y
isang pagkakamali na lalong nagpalala sa suliranin hinggil sa
pagkakaiba at pagkakakilanlan ng Pilipinong batay sa Tagalog
at ng Tagalog mismo.
Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay
ang pambansang wika sa Tagalog. Sa katunayan, Tagalog
ang piniling saligan ng Wikang Pambansa sa kadahilanang
ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. 59% sa
Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 44.6% sa Hiligaynon at
iba pa. Sa madaling salita'y hindi magiging mahirap unawain
at pag-aralan ang Tagalog para sa mga diTagalog dahil,
nahahawig ito sa kanilang wikain.
May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika
sa Pilipinas. Lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas ay
batay sa iisang angkan ng wika. Ang isang angkan ng wika
ay isang klasipikasyon ng iba't ibang wika na
pinapaniwalaang
nagmula sa iisang wika. Ang orihinal na wikang pinagmulan
ng iba't ibang wika ay karaniwang tinatawag nating Proto-
Austronesian. Nagmula sa Proto-Austronesian
ang Malay, ang mga wikang Cham ng Vietnam, ang mga
wikang katutubo ng Taiwan, ang mga wika sa Pilipinas at iba
pa.
.Ang isa sa mga anak na wika ng ProtoAustronesian ay
pinagmulan ng halos ng wika sa Pilipinas. Ang wikang proto
na pinagmulan ng wika sa Pilipinas ay tinatawag nating Proto-
Philippine. Ito ay isang wikang haypotetikal lamang o isang
wikang pinapalagay ng mga dalubwika na
lumitaw ng mga dakung una, na sa paglipas ng panahon ay
nagkaroon ng mga pagbabago, hanggang nagkaroon na ng
tatak ng pagkawika ang bawat isa.
Matagal din ang pamamayagpag ng Wikang Filipino. Ang
pagtawag ng
“konkon” noong 1971 ang nagbigay ng pinakahihintay na
pagkakataon sa mga diTagalog at sa mga pro-Ingles na
baguhin o patayin ang wikang pambansang batay sa
isang wika.
Dahil sa naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng
Cebuano, Hiligaynon, at Ilokano, nag-udyok ito ng pagpapalit sa
Wikang pambansa mula Pilipino tungo sa Filipino sa 1973 at 1987
Konstitusyon.
Nabago man ito dahil sa ginawang batas, hindi naman ito agarang
nabura sa isipan ng mga tao. “Tagalog Imperialism” kung ito'y tawagin
ni Prof. Leopoldo Yabes, isang Ilokanong manunulat at naging dekano
ng College of Arts and Sciences sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Nakondisyon na ang tao sa Tagalog kung kaya't kahit na binago ito,
Tagalog pa rin ang itinawag dito hindi lang ng mga Pilipino bagkos, ng
mga dayunan din.
WIKANG FILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA
BY: JOHN CALEB G. FACURIB
ANG FILIPINO AY ANG PAMBANSANG WIKA NG PILIPINAS. ITINALAGA
ANG FILIPINO KASAMA ANG INGLES, BILANG ISANG OPISYAL NA WIKA
NG BANSA. ISA ITONG PAMANTAYANG URI NG WIKANG TAGALOG,
ISANG PANG-REHIYONG WIKANG AUSTRONESYO NA MALAWAK NA
SINASALITA SA PILIPINAS. NASA 24 MILYON KATAO O MGA NASA
SANGKAPAT NG POPULASYON NG PILIPINAS NOONG 2018 ANG
NAGSASALITA NG TAGALOG BILANG UNANG WIKA, HABANG NASA 45
MILYONG KATAO NAMAN ANG NAGSASALITA NG TAGALOG BILANG
IKALAWANG WIKA SANG-AYON NOONG 2013. ISA ANG TAGALOG SA 185
MGA WIKA SA PILIPINAS NA TINUKOY SA ETHNOLOGUE. SA PAGKA-
OPISYAL, BINIBIGYAN KAHULUGAN ANG FILIPINO NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF) BILANG "ANG KATUTUBONG DIYALEKTONG
SINASALITA AT SINUSULAT, SA KALAKHANG MAYNILA, ANG
PAMBANSANG REHIYONG KAPITAL, AT SA MGA IBANG SENTRONG
ANG WIKANG PAMBANSA NG
PILIPINAS AY FILIPINO.
SAMANTALANG NILILINANG, ITO
AY DAPAT PAYABUNGIN AT
PAGYAMANIN PA SALIG SA
UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS AT
SA IBA PANG WIKA.
ANO BA ANG PORMAL NA
DESKRIPSYON NG FILIPINO
BILANG WIKANG
PAMBANSA?
ANG WIKANG FILIPINO AY ANG KATUTUBONG
WIKA NA GINAGAMIT SA BUONG PILIPINAS
BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON NG MGA
ETNIKONG GRUPO. KATULAD NG IBA PANG
WIKANG BUHAY, ANG FILIPINO AY DUMAAN SA
PROSESO NG PAGLINANG SA PAMAMAGITAN
NG PANGHIHIRAM SA MGA WIKA SA PILIPINAS
AT MGA DI-KATUTUBONG WIKA AT
EBOLUSYON NG IBA’T IBANG BARAYTI NG
WIKA PARA SA IBA’T IBANG SALIGANG SOSYAL,
ANO PA ANG HIGIT NA
KAIBAHAN NG FILIPINO SA
TAGALOG AT PILIPINO?
ANG TAGALOG AY ISANG WIKANG
NATURAL AT MAY MGA KATUTUBO ITONG
TAGAPAGSALITA. ISA RIN ITONG
PARTIKULAR NA WIKA SA SINASALITA
NGISA SA MGA ETNOLINGGWISTIKONG
GRUPO SA BANSA NA TINATAWAG DING
TAGALOG.
SAMANTALA PUMASOK NAMAN ANG
SALITANG PILIPINO BILANG WIKANG
PAMBANSA NOONG 1959. BUNGA ITO NG
KALITUHAN NAIDULOT NG PAGBATAY NG
WIKANG PAMBANSA SA WIKANG TAGALOG NA
ISANG PAGKAKAMALI. KAYA SA BISA NG
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 59,
ITINAKDA NA TUWING TUTUKUYIN ANG
WIKANG PAMBANSA ITO AY TATAWAGING
ANG PANGALANG FILIPINO NG
ATING WIKANG PAMBANSA AY
HINDI NAGMULA SA INGLES NA
FILIPINO NA TINATAWAG SA ATING
MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS.
HINDI RN AKOMODASYONG
PAMPOLITIKA ANG
PAGBABAGO NG PANGALAN
NG WIKANG PAMBANSA MULA
SA PILIPINO TUNGO SA
FILIPINO.
KINAILANGANG GAWIN ANG PAGPAPALIT
MULA SA P TUNGO SA F, DAHIL SA
MODERNISASYONG PINAGDARAANAN NG
ATING WIKANG PAMBANSA, TULAD NG
PAGDARAGDAG NG WALONG TITIK SA
ALPABETO AT ANG PAGLINANG DITO
SALIG SA UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS
AT IBA PANG WIKA.
ANG FILIPINO AY HINDI PILIPINO NA BATAY SA
TAGALOG. NGUNIT KAILANGANG LINAWIN NA
HINDI RIN ITO IPINANUKALANG
AMALGAMASYON O PANTAY-PANTAY NA
REPRESENTASYON NG LAHAT NG WIKA.
TOTOONG NANGHIHIRAM ANG WIKA NATIN SA
DI-KATUTUBONG WIKA O MGA DAYUHANG
WIKA, LALO NA PARA SA MGA KONSEPTONG
WALANG DIREKTANG KATUMBAS SA ATING
WIKA.
M IN G
MA R A
M A T !
S AL A
Miskonsepsyon sa
Filipino
• Para sa iba, ang salitang Filipino ay nagmula sa salitang Ingles na nangangahulugang
mamamayan ng isang bansa. Iniisip din ng iba na galing din sa English ang letter F dito.
Ilan lamang ito sa mga maling akala na nananatili hanggang ngayon.

• Ang P ay pinalitan ng F, na sumisimbolo na hindi lamang Tagalog ang batayan ng


wikang ito, dahil ang Tagalog ay walang ganoong tunog. Sinasagisag nito ang pag-
aangkop ng katutubong wika sa iba pang diyalekto.

• Ang alpabeto ay pinalawak din ng walong letra. Sila ay C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Ito ang


naging Davao sa dating Dabaw. Nakasulat din ang pagdiriwang ng Ifugao na tinatawag
na Cañao.

• Dahil sa wikang pagtuturo ng Filipino, mas nagkakaintindihan tayo bilang Filipino-


Tagalog, Ilokano, Bisay, atbp.

You might also like