Professional Documents
Culture Documents
Fil Explanation
Fil Explanation
SA PAKSANG ITO NA TATALAKAYIN NATIN AY ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA, NA KUNG
SAAN AY NAGLALAMAN NG MAHAHALAGANG PETSA AT PANGYAYARI KUNG PAANO NABUO AT
NAIPATUPAD ANG ATING WIKA SA PARAANG HISTORICAL. SA KABILANG BANDA AY MALALAMAN DIN
NATIN ANGIBAT IBANG MGA BATAS PANG WIKA, ANG KASAYSAYAN NG KOMISYON SA WIKANG
PILIPINO AT EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA. ITO AY NAGLALAYON NA PAYABUNGIN AT
PAGYAMANIN PA SALIG SA UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS AT SA IBA PANG WIKA SA PAMAMAGITAN
NG MGA LEGAL NA BATAYAN AT PROSESO NITO.
ANG WIKANG LINGUA FRANCA O KILALA SA TAWAG NG INTERLINGUA. ITO AY TUMUTUKOY SA WIKANG
GAMIT NG TAO O GRUPO NG MGA TAO NA MAY MAGKAKAIBANG UNANG WIKA UPANG MAKAPAG
USAP O MAGKAINTINDIHAN.
- Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula
noong Hulyo 4, 1940.
Noong enero 1987 ay napalitan ang SWP O Suriian ng Wikang Pambansa ng isang
linangan ng mga wika ng pilipinas o Institute of Philippine Languages batay
ito sa nilagdaan ni Dating Pangulong Corazon C. Aquino sa kautusang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 117 pagkaraan naman noon ay binuwag naman upang buuin ang
bagong konstitusyon ng pilipinas noong 1987.
SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGANAP BLG 177 NA NILAGDAAN NI
PANG. CORAZON C. AQUINO AY NALIKA ANG LWP O LINANGAN NG
MGA WIKA NG PILIPINAS NA PUMALIT SA SWP. NGUNIT NA LUSAW
DIN AGAD ANG LWP NG PAGTIBAYIN at pairalin ang Saligang Batas
ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang komisyon ng
pambansang wika.
Noong augusto 14 1991 ay naglikha ng Batas Republika Blg. 7104 na kung saan ito ay
naglalaman ng antas ng komisyon upang makapagsagawa, makapag ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik upang sa ikakaunlad,pag prepreserba at ikakataguyod
ng ating wikang Filipino at iba pang sakop na wika ng pilipinas.
Hunyo 4,1996
Noong petsang hunyo 4, 1996 ay nagkabisa at na proklama na ang batas
komonwelt blg 570 na naglalaman na ang wikang pambansa o Filipino national
language ay opisyal ng tatawagin na wikang pambansang filipino .
1959
- Noong taong 1959 naman ay nagpalabas ng kautasang pangkagawarang blg 7
ang kalihim ng edukasyon na si kalihim Jose B. Romero na naglalayong
tawaging “Pilipino” bilang pinaikling “WIKANG PAMBANSANG PILIPINO” sa
kadahilanang maiwasan ang mahabang katawagan.