You are on page 1of 1

TIMELINE

WIKA
PANAHON NG KATUTUBO
SA PANAHONG ITO NG KATUTUBO ANG MGA PILIPINO AY MAY
SARILING WIKA AT PANITIKAN, ANG KANILANG WIKA AY BINUBUO
NG IBA'T IBANG DAYALEKTO AT MAY SARILING SISTEMA NG
PAGSULAT NA TINATAWAG NA ALIBATA O BAYBAYIN, ANG
KANILANG PANITIKAN AY NAGLALAMAN NG MGA EPIKO,
SALAWIKAIN, BUGTONG, AWIT, AT KUWENTONG-BAYAN, ANG
PANAHON NG KATUTUBO AY MAHALAGANG BAHAGI NG
KASAYSAYAN NG PILIPINAS, ITO AY NAGPAPAKITA NG ORIHINAL
NA PAGKAKAKILANLAN AT PAGMAMALAKI NG MGA PILIPINO.

PANAHON NG ESPANYOL
NAGING MALAKING USAPIN ANG WIKANG GAGAMITIN SA
PAGPAPALAWAK NG KRISTIYANISMO. NANINIWALA ANG MGA
ESPANYOL NOONG MGA PANAHONG IYON NA MAS MABISA ANG
PAGGAMIT NG KATUTUBONG WIKA SA PAGPAPATAHIMIK SA
MAMAMAYAN KAYSA SA LIBONG SUNDALONG ESPANYOL.

NANG SAKUPIN NG ESPANYOL ANG PILIPINAS, PILIT NILANG BINAGO ANG


PAGSUSULAT, PAGBABASA, AT WIKA NG MGA SINAUNANG PILIPINO.
IPINAKILALA NG MGA KASTILA ANG KANILANG BERSIYON NG ALIBATA,
ANG ABECADARIO O ANG ALPABETONG ESPANYOL (ROMANS
ALPHABET). SIMULA NOON, NATUTO ANG MGA PINOY BUMIGKAS NG
WIKANG ESPANYOL AT HANGGANG NGAYON, NAHALUAN NA NG
ESPANYOL ANG ATING KULTURA MAGING ANG ATING WIKA.

PANAHON NG
AMERIKANO
Sa panahong ito wikang Ingles ang naging panturo at Wikang
Pantalastasan mula sa antas ng primary hanggang kolehiyo at
ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapaturo ng
Ingles na kilala sa tawag na Thomasites.Itinuro ng mga gurong
Thomasites ang alpabetong Ingles na may 26 na titik, parehong
titik Romano ang ginamit ng alpabetong Ingles sapagkat kapwa
kanluranin ang mga ito.Ngunit may mga tunog sa Ingles na wala
rin sa dila ng mga Pilipino sapagkat ang ispeling sa Ingles ay hindi
na konsistent tulad ng mga Kastila.Naging sapilitan ang
pagtuturo ng Ingles ng mga Amerikano sa kadahilanang sa taong
1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag
ng kanyang panayam na ang bernakular ang gagamitin sa
pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.Ang paraan ng
edukasyon sa panahon ng Amerikano ay ang demokratiko o ang
pagiging bukas-palad.

PANAHON NG HAPONES
SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON,
IPINAGAMIT ANG MGA KATUTUBONG WIKA SA PAGSULAT
NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN. NAMAYAGPAG ANG
PANITIKANG TAGALOG, SUBALIT MAHIGPIT NA
PINAGBABAWAL ANG PAGGAMIT NG WIKANG INGLES AT
MAGING ANG PAGGAMIT NG MGA AKLAT O ANOMANG
PERYODIKONG MAY KAUGNAYAN SA AMERIKA. ANG
PHILIPPINE EXECUTIVE COMMISSION, NA PINAMUMUNUAN
NI JORGE VARGAS, AY NAGPATUPAD NG MGA
PANGKALAHATANG KAUTUSAN BUHAT SA TINATAWAG
NA JAPANESE IMPERIAL FORCES SA BANSA. IPINATUPAD
DIN NILA ANG ISANG ORDINANSA NA NAG-UUTOS NA
GAWING OPISYAL ANG WIKA NA TAGALOG AT NIHONGGO.
SA PANAHONG ITO, MULING NAPAGBIGYAN NG
PAGKAKATAON ANG MGA PILIPINO NA MABIGYANG
EDUKASYON AT BINUKSAN ANG PAARALANG BAYAN SA
LAHAT NG ANTAS. NATUTONG MAGHIMAGSIK ANG MGA
PILIPINONG NAMULAT SA DAMDAMING MAKABAYAN
DAHIL NAKARANAS SILA NG PANG-AABUSO NG MGA
MANANAKOP

You might also like